HSC 14-2

196 8 0
                                    

Clyde'sPOV

"Ready?" nakangiti kong tanong kay Mae bago kami sumakay sa Giant Star Wheel. Kami lang kasing dalawa ang sasakay dahil mas gusto ni Jena sumakay sa Star Flyer.

"Y-yes.." parang kinakabahang sagot ni Mae sakin at naramdaman kong humigpit ang paghawak niya sa braso ko. Teka, kinakabahan ba siya?"Are you afraid?" tanong ko sa kanya kasi habang papalapit kami sa sakayan ng Giant Star Wheel ay mas lalo pang humigpit ang paghawak niya sakin. "Y-yes... m-medyo... pasensya kana, first time ko kasi." sabi niya sakin habang nakayuko. Halatang namumula siya hehe..siguro nahihiya siya, pero hindi niya alam na mas lalo siyang nagiging cute tingnan dahil para siyang batang takot na takot sa isang bagay. "Don't be afraid, I'm just here beside you. I will not leave you okay?" sabi ko to comfort her. 

"Thank you Clyde." sabi niya at pumasok na kami sa loob ng Giant Star Wheel.

After 1 minute ay naramdaman ko nang umaangat na kami pataas. Pagkatingin ko kay Mae ay halatang kinakabahan siya kaya hinawakan ko ang kamay niya. "Are you okay?" nag aalala kasi ako sa kanya.

"Y-yes... medyo kinakabahan lang." sagot naman niya sakin.

"Okay lang yan... just hold my hand okay?"

"S-sige." sabi niya at ngumiti siya sakin. Hayyy.... bakit ba lage nalang ganun ka bilis ang tibok ng puso ko sa tuwing malapit ako sayo? at bakit ang ganda mo kapag nakangiti ka ng ganyan?? "WOW... Ang ganda pala nuh?" sabi niya ng nasa taas na kami... tama siya, magandang pagmasdan ang paligid, makikita mo ang mga nagtataasang building at mga kumikislap na Christmas light. October na kasi at malapit na rin ang sembreak namin.

"Oo, ang ganda nga." sagot ko habang nakatingin sa kanya..."Ang ganda mo." mahina kong dugtong sa sinabi ko.

"Huh? anong sabi mo?" tanong niya sakin.

"Hahaha.. ang bingi mo naman.. ang sabi ko, oo nga, ang ganda talaga dito." Palusot ko. Pero sa totoo lang, mas maganda parin siya sa nakikita namin ngayon.

"Hindi ko alam na ganito pala ka ganda kapag nasa taas kana... parang biglang nawala ang kaba ko." Nakangiti pa niyang sabi habang nakatingin sa baba habang ako naman ay palihim na pinagmamasdan siya. Mahal ko na talaga siya.... mahal na mahal. Sayang lang dahil hindi pa ako pweding manligaw sa kanya dahil hindi pa kami nakakaroon ng formal break ni Aileen.. Pero gagawin ko ang lahat para maging maayos na ang lahat sa amin.....para pwede ko na siyang ligawan. 

Pagkalipas ng ilang minuto ay bumaba na kami ni Mae at pagkatapos ay hinanap naman namin si Jena. " Asan na kaya yung babaeng yun?" sabi ko at patuloy namin siyang hinanap. Hindi nagtagal ay nakita namin si Jena sa isang sulok, nakaupo siya at parang hinang-hina. "Jena, anong nangyari sayo?" tanong ko sa kanya.

"T-tubig p-please.... tu-tubig.." nanghihinang sabi niya at inabutan naman siya ni Mae ng tubig at agad naman niya itong ininom. "Sissy, sumuka kaba?? okay kalang ba?" nag aalalang tanong ni Mae kay Jena.

"Kyaaaa... grabe....langyang, Star Flyer na yan... nahilo ako ng sobra.. akala ko naman kasi mag-e-enjoy ako yun pala muntikan na akong malagutan ng hininga." nanghihina pang sagot ni Jena kay Mae.

"Ikaw kasi... buti nga yan sayo ng magtanda ka." sabi ko kay Jena hahahaha.

"Clyde ano ka ba?? nakita mo nang nahihirapan si Jane ee... tulungan mo nalang akong alalayan siya papunta dun sa may bench para makapag pahinga siya ng maayos." Saway ni Mae sa'kin at tinulungan ko nga siyang alalayan si Jena hanggang sa makaupo siya sa bench... "kasi naman, sasakay-sakay hindi naman pala ka... Arrrraaaaayyyyyy.... at bakit mo naman ako binatukan aber???" tanong ko kay Jena... adik to, siya na nga tinulungan ako pa binatukan.... readers sabihin niyo ganito na ba talaga ang kapalit ng paggawa ng kabutihan sa kapwa?? pagsabihan niyo ga tong magaling kong pinsan.

"Ang kapal ng mukha mo... sino ba naman kasi ang may sabi na gusto kong sumakay dun ha??? di ba ikaw nga itong nagudyok sakin na sumakay kasi gusto %*@*#&%^$@%^&*%$...." hindi niya na natapos ang sasabihin niya kasi tinakpan ko na ang bibig niya... pagkatapos niya akong batukan ibubuking pa ata ako kay Mae... pinsan ko nga ba talaga siya????

"Ano nga ulit ang sabi mo sissy?" tanong ni Mae kay Jena.

"Wala yun Mae, wag mo nalang siyang pansinin... for sure dala lang yan ng sobrang pagkahilo kaya kung anu-ano sinasabi hehehe." sabi ko sabay peace sign kay Jena. "Tssss.... pasalamat ka..." pabulong na sabi ni Jena sakin. Sige, subukan lang niyang sabihin kay Mae at hindi ko talaga siya tuturuan mag drive ng kotse. Yun kasi ang deal namin... i will teach her how to drive the car at ang kapalit ay hahayaan niyang mapagsulo kami ni Mae sa Giant Star Wheel hehehehe.

"Sissy, nahihilo ka pa ba?" nag aalala paring tanong ni Mae kay Jena.

"Don't worry sissy, okay na ako." nakangiting sagot naman ni Jena.

"Mabuti naman kung ganun... ang putla mo kasi kanina ee."

"Talaga?? dahil siguro sa hilo at sa dmi ng naisuka ko.... nakakainis kasi ang isa diyan.... ang sabi niya kasi masarap daw sumakay sa Star Flyer yun pala parang nasa Final destination na ang buhay ko." pagpaparinig ni Jena sakin at inirapan pa ako.

"Hindi kita ma get's sissy??" naguguluhang tanong ni Mae kay Jena.... pano ba naman kasi tong babaeng to... kung anu-ano sinasabi... pag ako talaga nabuko lagot talaga siya sa'kin.

"Wag mo nalang intindihin sissy... maguguluhan ka lang hehehe." 

"Okay ka lang ba talaga sissy? Baka naman...."

"Ooppppssss.... okay lang ako.... ang ibig ko lang sabihin, hindi mo talaga maiintindihan kasi aaahhhhh.... basta, hindi mo maiintindihan... kaya tara na... kumain nalang tayo, gutom narin ako, naisuka ko na yata lahat ng kinain ko kanina ee." sabi ni Jena at nagpatiuna na nga siyang maglakad habang kami naman ni Mae ay nakasunod lang sa kanya habang ganito ang mga mukha namin.....

?_? Mae

-_- ako.

High School Crush (Forever) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon