HSC 15

271 8 3
                                    

Mae's POV

"Good morning!" bati ko kay Clyde.

Nakapagtataka, bakit si Clyde lang ang nandito? Bakit wala pa si Jane? Mas maaga naman siyang pumapasok sakin aa? mukhang napaaga ata ang pasok ko.

"Good morning din. Ang aga mo ata ngayon." sabi niya sabay tayo at lumapit siya sa akin. "Tara." sabi niya sabay lahad ng kamay niya.

"Huh? san tayo pupunta?" takang tanong ko sa kanya. 

"Sa canteen. Nagugutom na kasi ako." Hala! bakit hindi muna siya kumain bago siya pumasok? Masyado naman at siyang excited pumasok. Pero okay na rin kasi umaga pa lang ay buo na ang araw ko ayeeeiiihhhh..... Sige, ako na kinikilig hehehe.

"Sana kumain ka muna bago ka pumasok?" sabi ko sa kanya at tumayo na rin ako.

"Gusto ko kasi kasabay ka kumain." Nakangiti niyang sagot sa akin at hinila na niya ako palabas ng classroom namin.

"Pero kumain na ako Clyde." sabi ko bago pa kami tuluyang makalabas ng room namin.

"Pero sabi ni ate Diane hindi ka daw nag-almusal." Ano? Ibig sabihin tumawag pa talaga siya kay ate Diane para itanong kung kumain na ako? "Susunduin kasi sana kita kanina, pero sabi ni ate Diane umalis ka na daw at hindi ka manlang daw nag almusal bago ka umalis." Nako si ate talaga.

"Pero bakit mo naman ako susunduin?" Tanong ko sa kanya. "Isa pa, bakit nauna ka pa sa akin kung nakaalis na ako nang tumawag ka kay ate?"

"Hindi ko rin alam, kanina pa nga kita inaantay ee. San ka nga ba nagpunta?"

"Hehe, hinatid ko pa nga pala si  Jeno sa kanila. Nakita ko kasi siya na naglalakad sa daan kaya linapitan ko siya at dinala ko sa kanila. Mukha kasing nawawala siya."

"Sino ba si Jeno?" kunot noo niyang tanong sa akin. Hehehe, kahit pala ganyan ang hitsura niya.... ang gwapo parin niya. "Bakit ka nakangiti at parang kinikilig ka pa? Siguro type mo siya no?" Nakasimangot na talaga siya hahaha.

"Hahaha... pano mo naman nasabing gusto ko siya?" maluko nga ang isang to hehehe.

"Kung hindi mo siya gusto, bakit nakangiti  ka habang kini-kwento siya?"

"Paano kung gusto ko nga siya?" hahaha... nakakatawa talaga ang hitsura niya. Para na siyang binagsakan ng langit at lupa. "Isa pa gusto ko talaga si Jeno ee."

"Wag na nga tayo pumunta sa canteen, wala na akong gana." Sabi niya at umupo siya sa isang upuan na malapit sa kanya.

"Hahaha... nagseselos ka ba kay Jeno?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Halata namang mas gusto mo siya kaysa sa akin ee."

"Ano ka ba, syempre magkaiba kayo. Gusto ko si Jeno kasi cute siya, wala kasi kaming aso sa bahay kaya minsan hinihiram ko siya sa kapit-bahay namin."

"What? You mean Jeno is a dog?" Gulat niyang tanong sakin.

"Oo hahaha."

"Hindi mo naman sinabi agad. Akala ko may karibal na ako sayo."

"Luko, tara na nga sa canteen."

"Sure." sabi niya ng nakangiti at magkaholding hands na nga kaming naglakad ulit.

"Ang sweet naman nila. Sila na ba?"" Rinig kong tanong ng ka klase ko sa katabi niya habang dumadaan kami sa tapat nila.

"Hindi pa ba halata? Kita naman diba?" sagot naman ng kausap niya.

"Hmmmp, bagay sila."

"Oo nga ee.. kainggit naman." hahaha, nakakatuwa naman ang pinag-uusapan nila. Minsan pala, masarap din ang feeling pag pinag-uusapan ka hahaha charot lang.

High School Crush (Forever) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon