HSC 21

146 8 0
                                    

 A/N: MULI.... MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA :D

UULITIN KO LANG PO..... MARAMI PO AKONG ERROR AT TYPO SA STORY NATO AT HINDI KO PA PO ITO NA EDIT NI MINSAN KAYA SANA PAGPASENSYAHAN NIYO NA TO.... HINDI KO RIN PO ALAM KUNG MAG-E-EDIT PO AKO KASI TINATAMAD PO AKO AT GUSTO KO PO NA ITO ANG MAGING SAMPLE KO SA MGA GAGAWIN KO PANG STORY..... PARA MAKITA KO RIN IN THE FUTURE KONG PAANO AKO MAGSULAT  SA NGAYON :D 

LILINAWIN KO NA RIN PO AH???? ISA LAMANG PO AKONG HAMAK NA WRITER (KUNG WRITER NGA AKONG MATATAWAG) HINDI PA PO AKO PROFESSIONAL WRITER KAYA ASAHAN MO PO NA MARAMI AS IN MARAMI PO AKONG MALI DITO GRAMMATICALLY ERROR, TYPO, AT PUNCTUATION MARKS AT MARAMI PA PONG IBA :D

YUN LANG PO :) ENJOY READING :)

Clyde's POV 

"Sir, gusto ko lang po ipaalam sa inyo na ito na po ang huling araw ko bilang secretary mo. Bukas po ay sa ibang department na po ako pansamantalang ilalagay." sabi ng secretary ko habang nilalapag niya ang ibang papers na pipirnahan ko.

"Ah, ganun ba?" tanong ko sabay inom ng coffee ko.

"Opo. Bukas narin po kasi papasok ang bago ninyong secretary." ano? *cough cough cough* naubo ako sa sinabi niya. "Sir okay lang po kayo?" nag-aalalang tanong sakin ng secretary ko at inabutan niya ako ng tubig at ininom ko naman agad yun.

"Yeah, I'm fine. By the way, ano nga ulit ang sinabi mo? Bukas na papasok ang bagong secretary ko?"

"Yes po sir." sabi niya at tumango tango naman ako.

_____________________Fastforward*___________________

Nandito ako ngayon sa loob ng condo unit ko at nakahiga habang iniisip kong ano kaya ang mangyayari bukas. "So bukas na pala siya papasok." sabi ko sa sarili ko at huminga ako ng malalim. Alam kong hindi niya pa ako naaalala pero paano kaya kung malaman niya kung sino ako? Haisst.. hindi ko talaga alam kong ano ba talaga ang nararamdaman ko sa ngayon. Para akong kinakabahan na na-e-excite.  Excited ako dahil makikita ko na siya muli.... Pero kinakabahan naman dahil baka maalala niya ako bigla at magalit siya sakin. Bukas ang una naming paghaharap mula ng mangyari ang lahat 5 years ago.

Five years narin pala mula ng huli ko siyang makita ng malapitan... "Ano nga kaya ang magiging reaction  ni Mae kapag nakita niya na ako? Maalala niya kaya ako?" Ang totoo maliban sa mga close up pictures niya sa FB, ni minsan ay hindi ko pa nakikita ang hitsura niya sa malapitan dahil sa tuwing pupunta ako ng London, sa malayo ko lang siya napagmamasdan dahil natatakot akong makita niya ako at maalala. Alam ko rin naman kasi na kapag naalala niya na ako ay magagalit siya at malamang ay hindi niya ako patawarin. Kahit sabihin pa na napatawad na ako ng family niya hindi ko parin pweding masabing okay na ang lahat dahil sa kanya ako nagkasala at ako.......ako parin ang dahilan kung bakit nangyari ang aksidente noon na naging dahilan ng pagkawala ng lahat ng ala-ala niya..

High School Crush (Forever) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon