HSC 14-3

229 6 0
                                    

Mae's POV

 "Mae, balik kayo dito aa?" sabi ng mommy ni Clyde

"Gusto ko po sana tita, kaya lang... kailangan ko po munang mag paalam kaila mama."

"Hmmmp, don't worry... ako na ang bahala sa parents mo. Ako na ang magpapaalam sayo." Huh?? Pero hindi naman niya kilala ang parents ko diba? "Don't worry, kilala ko ang parents mo." Pano niya nalaman ang iniisip ko?

"Kilala niyo po ang parents ko?" takang tanong ko sa kanya.

"Hahaha, of course sweetie ... High School palang kami ay magkakaibigan na kaming anim." Sagot niya sakin.

"Sinong anim Tita?" takang tanong ni Jane sa kanya.

"Ahahaha ... sorry, ang tinutukoy kung anim ay ang parents ni Mae, ang parents mo Jane at kami ng hubby ko." she said, but I thought si tita Trina lang ang bestfriend ni mama? "Hindi na kami masyadong nagkakasama-sama lalo na noong  magkaroon na kami ng mga anak. Minsan once a month nalang haggang sa taon na ang lumipas.." Ahh, so kaya pala familiar siya sakin... siya ata yung babaeng nasa picture na kasama nila mama at tita Trina. Pero teka, manghuhula ba talaga siya? Bakit alam niya lagi ang nasa isip ko?? 

"Ahh, kaya po pala familiar kayo sakin kasi kayo po ata yung nasa picture na kasama nila mama at tita Trina.”

"If the woman on that picture is beautiful... then maybe that’s me hehehe." hahaha, may pagkapilya din pala tong mommy ni Clyde. 

"Ma, alis napo kami ... para kasing lumalabo ang usapan natin ee." Clyde said while smiling at her mom.

"What?  You know my son, kung hindi ako maganda baka wala kang ganyang kaguwapong mukha?" pagmamalaki ng mommy ni Clyde.

"Mommy, of course you are so beautiful kaya nga mana ako sayo ee."

"Naman, kaya gwapo kong anak... sa susunod huwag ka nalang kokontra sa mga sasabihin ko okay?" hahahahaha ... I promise kanina pa ako nagpipigil na matawa dito... Nakakatuwa sila at ang cute nilang mag mommy tingnan.

"Yuuucckkkkyyyy ....ang drama niyo ni Clyde aunt. Hindi na kayo nahiya samin ni Mae." Jane says to her aunt at umarti pa siyang parang diring-diri sa nakita niya.

"Hahahaha ... pasensya  kana Mae aa? Ganyan lang talaga mag lambing ang anak ko ... sinusulit ko lang kasi alam kong sa sususnod ay baka hindi na niya ako lambingin dahil may iba ng lalambingin si Clyde, am I right Jane?" Clyde's mom said na para bang bawat katagang binibitawan niya ay may ibig sabihin and she wink at Jane.

"Hmmmm ... After all, tama ka aunt ..."sang-ayon ni Jane. "Maybe one day hindi na po kayo ang lalambingin ni Clyde kundi IBANG BABAE na. Hehehee." Anong ibig nilang sabihin? At kailangan talagang naka caps lock pa ang salitang “ibang babae” aa?

"Well, parang mas lalo atang lumalabo ang usapan natin? Kailangan na nga talaga namin sigurong umalis....mauna na po kami."sabi ni Clyde... honestly, I do not quite understand what they really mean... ? _? Ako yan.

"All right ... Ingat kayo sa biyahe? Mae, balik ka dito sa sembreak aa? Pag di kayo bumalik magtatampo ako sa inyo ni Jane, at pag di kayo sumama kay Clyde pabalik dito.." malungkot na sabi ng mommy ni Clyde. Enebeyen? makakatanggi pa ba ako?

"Wag kang mag alala tita babalik po kami sa sembreak." I answered her. After all, aunt also said that siya na bahala magpaalam sakin right? So I go nalang hehehe :)

"Promise niyo yan aa?"

"Yes." Sagot namin ni Jane.

"Oh sige, ingat sa biyahe. Bye bye .." sabi niya at hinalikan niya kami ni Jane sa pisngi.

High School Crush (Forever) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon