Update na :)
Errors Alert!!!!! Leme remind you again... this is not edited guyzz :)
Enjoy reading :)
***********************************************************************************************************
3 Months Later
(2 days before the wedding)
Bago ko sagutin ang phone ko ay sinigurado ko munang malayo ito sa tenga ko dahil for sure masisira ang eardrums ko nito pag nagkataon..
"Sissy asan ka ba?" sabi ko na nga ba at nakasigaw na naman ang babaeng to ee.
"sissy pakihinaan naman ang boses mo pwede?" reklamo ko sa kanya.
"Sorry naman, eh nasan ka ba kasi at bigla ka nalang nawala?" Jane.
"Sorry sissy, naisipan ko kasing mamasyal muna saglit kaya ito,nasa mall ako ngayon."
"Sira, babalik na tayo sa province ngayon. Baka nakakalimutan mo na kasal mo na sa two days from now at hindi tamang pagala-gala ka"
"Ang OA mo sissy, sige na, my bibilhin lang ako at babalik na rin ako dyan." Ako
" Okay, bilisan mo na dyan."Jane
"okay." Sabi ko at pinasok ko na ulit ang cellphone ko sa bag ko.
Habang tumitingin ako ng pweding bilhin sa loob ng department store ay bigla nalang may tumawag sa pangalan ko.
"Mae?" Sabi ng isang babae at lumapit pa siya sakin. Para siguro masigurong ako talaga si Mae. "Mae, ikaw nga!" sabi niya at parang naiilang siya na hindi ko mawari.
"Kilala ba kita?" nakangiting tanong ko sa kanya. Parang familiar nga ang mukha niya sakin.
"Hindi na siguro... pero ako, kilala kita. At malaki ang atraso ko sayo." sabi niya at parang mangiyak- ngiyak na siya.
"Hindi kita maintindihan. Mauna na ako sayo" Sabi ko at iiwan ko na sana siya pero bigla siyang nagsalita.
"Ako to, si Aileen."
Pagkarinig ko sa pangalan na binanggit niya ay para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Siya si Aileen? Tiningnan ko siya ng mabuti at ngayon ko lang naalala.... siya nga si Aileen. Ang GIRLFRIEND ni Clyde.
"Anong kailangan mo sakin?" Inis na tanong ko sa kanya.
"Pwede ba kitang makausap kahit saglit lang?" Tanong niya sakin.
BINABASA MO ANG
High School Crush (Forever) Completed
Teen FictionI can't get you out of my mind, I keep thinking of how much I love talking to you... how good you look when you smile, how much I love every time you blush... I day-dream about you off and on, replaying pieces of our conversation, laughing at fu...