Here I am again......O______o
Mae and Jane at the right side >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
<__________________________________________3.............:)
Mae's POV
"Weeewwww...... ang sarap talagang mamasyal...... kahit nakakapagod maglakad:)" nakangiting sabi ni Jane habang paupo siya sa sofa namin. Galing kaming labas, pinilit niya kasi akong mamasyal daw kami kaya sumama na ako.
"Oo nga..... sumakit ang mga binti ko" sabi ko at umupo narin ako sa tabi niya.
"Pano hindi sasakit eh hindi ka sanay sa lakaran."
"Sobra ka naman, kaya lang naman sumakit to kasi halos libutin na natin ang buong mall." katwiran ko. Pano ba naman kasi, halos hindi kami tumigil kakalakad sa loob ng mall.
"Pero nag enjoy ka naman diba?" pangaasar niya sakin.
"Anu naman kayang nakaka-enjoy dun?" pairap na sagot ko sa kanya.. hahaha, ganito talaga kami minsan, kaya masanay na kayo hehehe.
"HAhaha... ikaw talaga..... sissy walang mawawala sayo kung lagi kang sasamang mamamasyal sakin. Hindi ka naman pinagbabawalan nila tita ah..."
"Okay fine.... lagi akong sasama sayo pag may time ako." mas okay na rin siguro to, para hindi ako pagkamalang taga bundok hehe.
"TALAGA?" sigaw niya. -_- kamusta ang eardrums ko?
"Naman.... nakakabingi ka....."reklamo ko sa kanya.
"So, you mean.... handa ka nang tanggapin ang bago mong mundo?"
"Ano bang pinag sasasabi mo d'yan?" natatawang tanong ko sa kanya. luka-luka talaga to.
"Ehh, pano naman kasi..... para kang laging nagtatago sa lungga mo.... parang hindi ka nag e-exist sa mundo ginagalawan ng lahat." sabi nitong ginagaya pa ang isang cartoon character.
"Sobra ka naman." natatawang sabi ko sa kanya.
Masayahin ang kaibigan ko at hindi ko maikakatuwang lagi niya akong napapatawa kahit sa mga simpleng joke lang niya..... kaya iyon siguro ang dahilan kung bakit magaan talaga ang loob ko sa kanya. Nagkakilala kami ni Jane nung mag transfer ako sa school nila nung mag grade five ako. Nakaupo ako noon mag-isa sa loob ng classroom namin ng bigla siyang lumapit at tinanong ang pangalan ko........ mula noon ay lagi na kaming magkasama at doon nga nabuo ang pagkakaibigan namin.
BINABASA MO ANG
High School Crush (Forever) Completed
Teen FictionI can't get you out of my mind, I keep thinking of how much I love talking to you... how good you look when you smile, how much I love every time you blush... I day-dream about you off and on, replaying pieces of our conversation, laughing at fu...