Part 1

72 1 0
                                    

"WHAT?! I'm getting married?!" Hindi napigilang mapabulalas ni Karly nang marinig ang anunsyo ng kanyang ina.

Pagkarating niya sa bahay ng kanyang mga magulang ay agad silang dumiretso sa study room kasama ang kanyang amang si Antonio. May mahalagang pag-uusapan daw silang tatlo. Bigla ay nanariwa sa isip niya ang naging usapan nilang mag-ina kanina sa telepono...

"Are you listening to me, Karlina?"
Napabuntong-hininga na lang si Karly sa tanong na iyon ng kanyang ina.

"'Ma, sabihin n'yo na lang ang gusto ninyong sabihin. I'm driving," sagot niya rito. Kasalukuyan siyang papasok sa kanyang trabaho at medyo male-late na nga siya dahil sa mabagal na usad ng mga sasakyan sa kahabaan ng EDSA nang mga oras na iyon.

"Tell me, anak..." her mother paused na para bang nag-aalinlangan ito na ikinakunot ng noo niya. Kilala niya ang kanyang ina na hindi ganoon kaya medyo nagtaka siya.

"Tell you what, Ma?"

"When are you planning to get married?" walang kagatol-gatol na tanong nito kaya bigla na lamang siyang napapreno. Muntik na siyang mapasubsob sa manibela ng minamaneho niyang sasakyan. Mabuti na lamang at kailangan na talaga niyang ihinto iyon dahil naging pula na ang signal ng traffic light.

"'Ma! Did you call just to ask me that?" Parang mauubusan yata siya ng hangin sa itinanong nito. Idagdag pang muntik na niyang mabangga ang kotseng nasa unahan niya sa sobrang pagkabigla. So, she chose to open the window at her side to breathe some fresh air kahit pa nga puro usok lang ng siyudad ang malalanghap niya.

"Aba, Rhumela Karlina Anastacia Laroza, that's not 'just' a question. Your life depends on that!" Napapangiwing inilayo niya sa kanyang tainga ang aparato hindi dahil sa medyo tumaas na boses nito. Kundi dahil sa pagbanggit nito sa buong pangalan niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin niya matanggap na ganoon kahaba ang pangalan niya. Grabeng hirap ang dinanas niya noong bata pa siya matutuhan lamang na isulat iyon. That's why she preferred to be called Karly but her stubborn mother kept calling her 'Karlina'.

"Hindi ka ba nagsasawang banggitin ang napakahaba kong pangalan, 'Ma?"

"Karlina, huwag mong ibahin ang usapan. Kung ayaw mong sagutin ang tanong ko ngayon, umuwi ka rito sa bahay mamaya, maliwanag?" Hindi iyon isang pakiusap kundi isang utos kaya wala siyang choice kundi ang pumayag sa gusto nito. That was her mother kaya sumang-ayon na lang din siya.

"Fine," napipilitang saad niya pagkatapos ay nawala na ito sa kabilang linya...

"You're kidding, 'Ma. I knew it," hindi pa rin makapaniwalang saad niya.

Diretsong tiningnan siya sa mga mata ng kanyang ina. "Do I look like I'm kidding, Karlina?"

Hindi nga. Pero hindi ka puwedeng maging seryoso, piping sagot ng isip niya.

"But you can't be serious, 'Ma. I can't be marrying someone whom I don't know in the first place. That's...that's so unfair!" Parang gusto na niyang maglupasay na parang bata sa carpeted na sahig ng silid na kinaroroonan nila sa labis na pagtutol ng kanyang kalooban sa sinabi nito.
Kaya pala siya pinauwi nito sa kanilang mansyon ay upang pag-usapan ang nalalapit na raw niyang 'kasal' sa anak ng amiga nito. At kaya pala bigla-bigla na lang nitong inusisa kung kailan niya balak na magpakasal ay dahil din doon.

"'Sorry to burst your bubbles, baby, but I'm dead serious here." Sabagay, hindi nga rin niya lubos-maisip na magbibiro nang ganoon sa kanya ang kanyang ina dahil napakaimposible niyon.

Because, Karlotta Laroza-well-renowned party and events organizer and a social butterfly-was a very strict and perfectionist mother to her. Lahat ng bagay na may concern sa kanya, ang gusto nito ang dapat masunod. Sanay na siya roon. Ngunit ang akala niya ay nagbago na ito mula nang makita at makilala ang hindi nakasamang kapatid nito sa ina-ang sikat na fashion icon at may-ari ng Hilda House of Fashion na siyang pinagtatrabahuhan niya. Na nahawa na ito sa masayahing personalidad ng kanyang Auntie Divina at hahayaan na siya sa mga gusto niya ngunit nagkamali pala siya. Heto na naman ang kanyang ina at nakikialam sa buhay niya.

Popo's Kiss (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon