Part 9

19 0 0
                                    

"DON'T you dare take that thing off!" napahinto si Steph sa akmang paghuhubad ng suot niyang T-shirt nang marinig ang tinig na iyon ni Karly sa may pintuan ng banyo. Nilingon niya ito at muntik na siyang matawa sa hitsura nito.

"Tirik na tirik ang araw ah."

"Shut up!" asik nito sa kanya at saka ini-adjust ang suot nitong dark shades sa mga mata. Hindi niya alam kung para saan at suot nito iyon gayong nasa loob naman sila ng bahay pero hinayaan na lang niya. Baka bigla itong mainis at magbago ng isip.

"What are you waiting for? Paggunaw ng mundo?" masungit na tanong nito. Nakaupo na ito sa isang stool na nasa ulunan ng bathtub at hawak ang hand shower.

Napangiti siya sa kasungitan nito. "Excited, Master?" Iningusan lang siya nito.

Pumuwesto na siya sa tub na puno ng tubig with matching bubbles at sinimulan na nitong basain ang buhok niya. Hindi niya akalain na papayag ito sa gusto niya. Sinabi lang naman niya iyon upang asarin ito at upang ipakita na hindi siya nahihirapang gampanan ang role niya bilang kapalit ng alaga nitong si Popo. Hindi rin niya intensyon na laitin ang alaga nito dahil nakita niya kung gaano talaga iyon kahalaga para kay Karly. Kitang-kita iyon sa mga larawan sa bahay nito. Isa pa, kasalanan naman talaga niya ang nangyari.

Aminado naman siyang umiral lang ang kayabangan niya noong gabing nag-usap sila. Natutuwa kasi siya kapag naiinis ang dalaga. Napaka-cute nito kapag namumula na ang ilong at mga pisngi nito sa inis nito sa kanya. Kaya parati niya itong iniinis ay dahil doon.

"Hay, this is life..." kontentong sabi niya nang simulan nitong lagyan ng shampoo ang buhok niya.

Pinalo nito ang ulo niya. "Puwede bang tumahimik ka?"

"Mahal na mahal mo talaga ako, ano? Ang sweet mo kasi eh," nakangiting turan niya.

"Isa..."

Tiningala niya ito at pinagmasdan ang mukha nito. "Ang ganda mo talaga, Master..." napahinto ito at kitang-kita niya ang pamumula ng mga pisngi nito kaya napangiti siya. She was really pretty, especially when she was blushing like that. "...kung hindi ka lang mukhang langaw ngayon sa laki ng shades na suot mo-aww!"

Hindi lang hampas ang natikman niya dahil sa sinabi niyang iyon. Pero okay lang sa kanya hindi dahil nag-eenjoy siyang sinasaktan siya nito kundi dahil nag-eenjoy siya sa company ni Karly. At mukhang mag-eenjoy pa siya sa pananatili niya sa pamamahay nito.



Popo's Kiss (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon