Part 8

28 0 0
                                    

"WELCOME home, Master!"

Tinanguan lang ni Karly si Steph nang salubungin siya nito. Nagtataka siya kung bakit ang sigla-sigla nito gayong isang 'aso' nga ang napag-usapan nilang magiging role nito sa pamamahay niya. Buong araw niyang pinag-isipan kung tama ba ang naging desisyon niya.

"Ang sweet kong pet di ba? Ganito rin ba ang ginagawa ni Popo No. 1 kapag dumarating ka?" tanong nito habang nakasunod sa kanya. Inilapag niya ang kanyang bag sa mesa at saka tinungo ang refrigerator upang kumuha ng maiinom na tubig. Nagulat pa siya nang maramdaman niyang yumakap ang binata mula sa likod niya.

Ipinatong nito ang baba sa kaliwang balikat niya. "Master, nagugutom na ako. Puwede mo ba akong ipaghanda ng pagkain? Please?" malambing na ungot nito.

"Teka nga, ano ba! Bitiwan mo nga ako," kumawala siya rito at nagtungo sa harap ng lababo. Ngunit lumuhod ito sa harap niya, yumakap sa kanyang baywang at tiningala siya.

"Sige na, Master. Hindi ka ba naaawa sa akin? Gutom na gutom na ang pet mo o," pagpapaawa pa nito ngunit halata niyang nang-aasar lang ito. Her eyes narrowed into slits when she saw a glint of mischief in his lovely eyes. Then, all of a sudden, an idea hit her. She couldn't help her smile.

"Oh sure, baby. You wait here and I'll go fix your food, okay?" malambing din na sabi niya. Napangiti ito. Akala mo ha...

Hinanap niya ang spare dog dish na hindi pa nagagamit ni Popo at tinungo ang lagayan ng dog food ng alaga niya. Pagkatapos ay bumalik siya sa kusina at inilapag ang dala niya sa harap ng binata na nakaupo sa isang silya. Umupo siya sa silyang kaharap nito. Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mukha nito nang tingnan ang dala niya.

"Ano 'to?"

"Ano pa? Eh di pagkain mo. Hindi ba gutom na gutom ka na? Go, I'll watch you eat," matamis ang ngiting saad niya.

Hindi makapaniwalang tinitigan siya nito na para bang sinasabing "Nasisiraan ka na ba?" ngunit hindi siya nagpatinag.

Maya-maya ay nagkibit-balikat ito at dumampot ng isang piraso ng dog food. Tinitigan nito iyon. "Mukha namang masarap ito," at walang anu-anong iniitsa sa nakabukas na bibig nito saka ngumuya. Tumango-tango pa ito na mukhang sarap na sarap sa kinakain.

Napanganga siya sa ginawa nito. Talaga bang kinain nito ang dog food ni Popo? "W-wait, did you just..."

"Gotcha!" anito at saka ipinakita sa kanya ang piraso ng dog food na akala niya ay kinain nga nito. Natawa ito nang malakas nang hindi siya nakakilos. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Buwisit! Naisahan siya nito!

Tumayo na siya at dinampot ang kanyang bag. Inilabas niya mula roon ang ilang papel at inihagis ang mga iyon dito.

"Ano 'to?"

"Eh di basahin mo."

"House and pet rules. Number one, bawal ang makulit. Bawal ang magulo. Bawal ang makalat...blah, blah, blah..." Iniwan niya ito at dumiretso sa kuwarto niya.

Nakaupo siya sa gilid ng kama at hinuhubad ang kanyang sapatos nang sumunod ito sa kanya. Nagulat siya nang bigla itong lumuhod sa harap niya at ipinatong ang mga braso nito sa kandungan niya. Pagkatapos ay inilapit nito ang mukha nito sa mukha niya. Lumayo siya nang bahagya dahil baka magdikit na ang parte ng kanilang mukha na hindi dapat magdikit sa sobrang lapit nito. Feeling close talaga ang isang ito!

"Mabuti na lang at nandito ka na. Hindi pa ako naliligo," nakangiting turan nito.

"Ano naman ngayon? Eh di maligo ka. Wala naman sa akin ang pampaligo mo," pagsusungit niya.

"Ikaw ang Master ko kaya ikaw dapat ang magpaligo sa 'kin."

"A-ano? Are you crazy?" Bakit ba feel na feel nito ang pagiging pet niya at gustong siya pa ang magpaligo rito? Mukhang may pinaplano na naman ang isang ito. Kinabahan siya.

"Why, scared now, honey?" panggagaya nito sa linya niya. Nakumpirma ang hinala niya nang makita ang kakaibang kislap sa mga mata nito. I knew it!

Hinahamon siya nito. Hindi niya ito bibigyan ng pagkakataon na makita na kinabahan siya. "Fine!"

Ngunit hindi pa rin ito lumalayo sa kanya. Still, his handsome face was just a few inches away from hers. With that kind of distance between them, she couldn't help but stare at his handsome features. Noong gabing nalasing siya, napansin na niyang maganda ang mga mata nito ngunit ngayon lang niya natitigan iyon nang mabuti. His eyes had the color of one of her favorites-dark chocolate. And she was like a helpless being drowning in the depths of his sinfully gorgeous dark brown eyes. Idagdag pa ang makakapal nitong mga kilay kaya lalong naging defined ang mga mata nito. At ang pilik-mata nito, nakakainggit dahil mas mahaba pa yata ang mga iyon kaysa sa kanya.
Patuloy na naglakbay ang mga mata niya sa mukha nito. Pababa sa matangos nitong ilong hanggang sa mga labi nitong nakakatuksong dampian ng halik. His lips looked soft and so damn kissable. Then she remembered she had kissed those gorgeous lips already when she got drunk. Napakunot pa ang noo niya sa pagpipilit na maalala ang pakiramdam ng mga labi nito sa mga labi niya ngunit hindi niya talaga maalala. Muli niyang tinitigan ang mga labi nito. Hindi na ito nakangiti nang mga sandaling iyon kaya hindi nakaligtas sa paningin niya ang napakaliit na nunal sa kaliwang bahagi ng upper lip nito. She was so fascinated with that little mole of his kaya sa mga labi lang nito nakatuon ang pansin niya. Kaya rin kitang-kita niya ang dahan-dahang pag-angat ng sulok ng mga labi nito. That made her more engrossed in studying his features.

"Did you find any factory defect on my face? Or should I say...on my lips?" nakangising sabi nito dahilan para maging kasimpula ng kamatis ang mukha niya. Ano ba kasing naisip niya at pinagmasdan pa niya ang mukha nito? "You can have a test, if you want, to know if it's working," nang-aasar pang sabi nito na umani ng pagkatalim-talim na tingin mula sa kanya.

Napakayabang talaga ng mokong na ito! I-test daw? Kung ingudngod ko kaya siya sa carpet ko? Nakakainis! bulyaw niya sa isip.

Ikaw naman kasi. Pakatitigan mo ba naman? Parang gusto mo nang lapain 'yong tao! balik ng kung sino sa isip niya.

Shut up! sagot niyang muli. Hala! Nababaliw na ba siya at pati sarili niya ay inaaway na rin niya?

Lalong lumawak ang ngiti nito at saka lumayo sa kanya. Kahit inis na inis siya ay hindi rin naman niya napigilan ang sarili na hagurin ito ng tingin. He was wearing only a simple white shirt and a pair of black boxer shorts. Wala itong sapin sa paa. But why the heck did he look so sexy when he's barefooted? Oh no! What am I thinking? Nababaliw na nga yata ako!

"Just tell me when you're ready, Master." There was a knowing smile on his face na para bang alam nito ang iniisip niya bago nagha-hum na nilisan ang silid niya.

Nakita na niya ang katawan nito nang nagdaang gabi ngunit hindi niya iyon gaanong napagtuunan ng pansin. Katamtaman lang ang built nito ngunit alam niyang isa iyon sa mga tinitilian ng mga babaeng humahanga rito. At siya...

Oh my God. Lord, help me please!

Napapikit siya dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Ano ba itong napasukan niya?

Popo's Kiss (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon