Part 27

21 1 0
                                    

           

"SA TOTOO lang, naiinis ako sa'yo," napabaling si Karly kay Muffin na nakaupo sa harap niya. Naroon sila sa coffee shop sa tapat ng Crazy Beat dahil nais raw siyang makausap nito.

            Hindi siya umimik habang diretso itong nakatitig sa kanyang mga mata. "Sinaktan mo ang Kuya Steph ko."

            Sinalubong niya ang titig nito at akmang ipagtatanggol ang kanyang sarili nang magpatuloy ito. "Hindi man kami totoong magkapatid ni Kuya Steph, mahal na mahal ko pa rin siya dahil kuya ko siya. Ang totoo, magpinsan lang kami. Pero nang sabay kinuha ni Lord ang parents ko when I was just eight, ang pamilya niya ang kumupkop sakin. Pareho kaming only child. Ngunit itinuring niya akong parang tunay na kapatid. Kaya masakit para sa'kin ang makitang nasasaktan siya. The night he learned about your engagement, noon ko lang ulit siya nakitang bad mood. Alam kong kilala mo ang kuya ko. Palagi siyang masaya at cool na cool lang. Kaya nagtaka ako kasi iba siya nang gabing iyon. Hindi siya makapag-concentrate sa pagtugtog. Alam kong may dinaramdam siya na hindi niya masabi.

            "Pero noong gabi ng engagement party mo, tinawagan ako ni Mikoy, ang bestfriend ni kuya at may-ari ng bar. Pagdating ko sa office niya, si kuya ang nadatnan ko. Lasing na lasing siya. Samantalang isinumpa na niyang hindi na siya iinom kahit kailan...dahil alam ko, sinisisi pa rin niya ang sarili niya sa pagkamatay ni Mandy. Kahit 'yong nakabangga sa kanila ang talagang may kasalanan, iniisip pa rin niyang kasalanan niya dahil siya ang nagmamaneho. At kung hindi sana siya nakainom noon, buhay pa raw sana si Mandy ngayon..."

            Napasinghap si Karly sa huling sinabi nito. Ganoon pala kalalim ang pagsisisi ni Steph sa pagkawala ni Mandy. "I-I'm sorry..." tanging nasambit niya ngunit hindi siya nito pinansin.

            "Napakahirap ng mga panahong iyon para kay kuya. Dahil sa pangalawang pagkakataon, nawala sa kanya ang babaeng pinakamamahal niya. Una, si Tita Ella. 'Tapos, si Mandy."

            "Tita Ella? W-what happened?" usisa niya.

            "Yes. Ang mama ni kuya. Sixteen siya noon and I was ten when Tita Ella died in a car accident. It was so sudden so we were all devastated when it happened. Lalo na si kuya. Hindi lang niya nanay si Tita Ella, she's his mentor, bestfriend, number one fan etc. Si Tita ang nagturo sa kanya ng all about music. Pinangarap ni kuya na maging sikat na musician dahil pangarap iyon ni Tita Ella na tinalikuran niya nang pakasalan niya si Tito Stefan. But when she died, he lost his hopes and dreams. Hindi niya pi-nursue ang pangarap niya. Pero hindi lang si kuya Steph ang nawalan ng buhay, maging si Tito Stefan. At ang way niya para makalimot ay ang pagtatrabaho nang husto. Ganoon pa rin ang pakikitungo nila sa akin, pero iba na sila sa isa't isa. Pareho silang nagkaroon ng sarili nilang mundo. Siguro dahil hindi nila alam kung paano ico-comfort ang isa't isa. Habang tumatagal, palayo sila nang palayo sa isa't isa. Until they became closed off with each other.

            "Then, nakilala ni Kuya si Mandy noong college siya. Magkatulad sila ni Tita Ella. Sinusuportahan nila si Kuya. Kaya nabuo muli ang pangarap niyang maging musician. Para kay Tita Ella, para kay Mandy. Pero tumutol si Tito Stefan. Gusto niyang kumuha ng masters si kuya pagka-graduate niya at magtrabaho siya sa kompanya. Pero ayaw ni kuya. Ipinagpatuloy niya ang gusto niya. Lalong tumindi ang gap nila ni Tito. Madalang na siyang umuwi sa bahay dahil busy siya sa banda niya. He was living his life because he was at the peak of his career. Then, that accident happened. He was more devastated than before. That time, sarili niya lang ang sinisisi niya. Then, one night pag-uwi niya sa bahay, ipinamukha sa kanya ni Tito ang pagkakamali niya—na naging makasarili siya. Nauwi sa matinding pagtatalo ang gabing iyon hanggang sa tuluyang umalis si Kuya ng bahay at hindi na bumalik. Hanggang ngayon...it's been what? Four years? Four years na silang hindi nag-uusap man lang. Pareho sila ng ugali, mataas ang pride, kaya wala sa kanilang naunang sumuko. At nasasaktan ako para sa kanilang dalawa dahil alam kong hindi natutuwa si Tita Ella ngayon. Gusto ko silang paglapitin ulit pero ayokong magalit din sa'kin si Kuya. Pero wala akong magawa..."

            Hinawakan ni Karly ang kamay ni Muffin na nakapatong sa mesa nang mapansin niyang naluluha na ito ngunit pilit nitong pinipigilan iyon. Nagpatuloy muli ito. "Hindi lang pagkamatay ni Mandy ang isinisi ni Kuya Steph sa sarili niya. Pati ang pagkakawatak-watak ng banda nila. Kaya tinalikuran niya ang musika. At alam kong napakahirap no'n para sa kanya dahil musika ang buhay niya. Dalawang taon niyang pinarusahan at pinagkaitan ng kasiyahan ang sarili niya. Hanggang sa nakilala niya si Rouie."

Bahagya itong napangiti, "Ang ugok na 'yon. Isang araw, pinuntahan niya si Kuya sa Crazy Beat at bigla na lang sinabing gusto niyang bumuo ng banda at hindi raw siya papayag na hindi maging miyembro ng banda niya si Kuya Steph. At ang mayabang na ungas na 'yon, babayaran niya raw ng malaki si Kuya! Nakipagpustahan pa sa pamamagitan ng billiards kahit hindi naman pala siyang marunong maglaro no'n," maging siya ay napangiti rin dahil kapatid nga talaga niya ang tinutukoy nito—kayabangan and all. "Gustong-gusto kong upakan 'yong baliw na Rouie na 'yon pero sobra ang pasasalamat ko sa kanya dahil tumugtog na ulit si Kuya Steph ng instrumento. Nabuo ang Frozels at alam ko, kahit paano nabuo muli ang buhay ni Kuya Steph..."

Now, she knew the story. Kahit paano ay naintindihan na niya kung bakit naglihim si Steph, kung paglilihim nga ba ang tawag doon. Hindi rin naman kasi siya nagtanong dito. May issues rin siya sa kanyang pamilya kaya naiintindihan niya ito. Ngayon, mas buo na ang loob niyang ipaglaban si Steph. Kailangan niyang humingi ng tawad sa masasakit na salitang nasabi niya. Hindi na siya makapaghintay na makausap ito.

            "Pasensya ka na, lumalabas ang pagka-iyakin ko," natatawang sabi ni Muffin habang pinupunasan ang luha nito.

            "Wala 'yon. I understand," aniyang binigyan ito ng  banayad na ngiti.

            "Pero, hindi 'yon ang dahilan at gusto kitang makausap. Ang totoo, gusto kong humingi ng pabor sa'yo," bigla ay seryosong saad nito.

            "H-huh? Ano'ng pabor?" Hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya sa seryosong tono nito.

            "Bago iyan..." tinitigan siya nito. "...mahal mo ba ang kuya ko?"

            Ginantihan niya ang titig nito. May kung ano siyang nakita sa mga mata nito. Maybe it was a test for her. If it was, she would want to pass this test. Because she wanted this woman to approve of her. Because she already liked this woman.

"Mahal ko siya," Napangiti siya habang ini-imagine ang mukha ni Steph. "Sa kaniya ko lang naramdaman ang mga feelings na nararamdaman ko kapag magkasama kami. I feel so alive when I'm with him. He makes me smile, he makes me happy. At ngayong naranasan ko na ang buhay na kasama siya, ayoko nang maranasan kapag wala siya sa buhay ko. I want to be that woman who would be by his side always. The one who never leaves. The one who stays..." madamdaming pahayag niya. Habang sinasabi niya ang mga salitang iyon ay parang slideshow na lumitaw sa isip niya ang mga sandaling kasama niya ang binata. Those moments that she would definitely keep and cherish in her heart...

            Matagal na sandaling wala itong imik. Ngunit nabasa niya sa mga mata nito ang tuwa sa sinabi niya. She earned this woman's respect and she was very happy to know that.

            "Good. Now, here's the favor," walang kangiti-ngiting anito. "Kung mahal mo talaga si Kuya Steph, pakawalan mo siya..."

            "What?" hindi makapaniwalang sabi niya nang mapagtanto ang sinabi nito. Nabingi lang ba siya o ano?

            "Let him go."

Popo's Kiss (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon