Part 11

20 0 0
                                    

BUSY si Karly sa trabaho nito nang gabing iyon kaya mag-isang nanonood ng telebisyon si Steph sa sala. Wala silang gig sa gabing iyon kaya nasa bahay lang siya. Ilang araw na siyang nananatili sa bahay ng dalaga ngunit hindi sila madalas na magkasama nito. At kung magkasama man sila ay puro pa bangayan at asaran ang nangyayari sa kanila.

Alam niyang kaya lang pumayag si Karly na tumira siya sa bahay nito ay upang makaganti ito sa kanya. Siya raw kasi ang dahilan kung bakit nawawala ang alagang aso nito. At siya mismo ang papalit sa nawawalang aso nito. Ngunit mukhang kina-career nito ang pagpapahirap sa kanya. Feel na feel talaga nito na isa siyang aso at kung anu-anong pangti-trip ang ginagawa sa kanya. Kahit na medyo naiinis sa mga pinaggagawa nito dahil medyo naaapakan ang pride niya, hindi niya iyon ipinapakita. Nag-eenjoy rin kasi siya sa pagiging aso nito lalo na kapag nakikita niyang natutuwa talaga ito. Mukhang nami-miss talaga nito ang alaga nito.

Speaking of Karly's missing pet, nagpakalat na sila ng flyers sa buong subdivision para mahanap iyon kahit alam niya na si Cherry ang nakakuha sa alaga nito. Isang gabi ay pinuntahan siya sa bar ng kapatid na lalaki ni Cherry upang sabihin na huwag na siyang mag-alala dahil hindi na manggugulo pa ang kapatid nito sa kanya. Matagal na palang na-diagnose na may psychological disorder ang babae kaya napagpasyahan ng pamilya nito na dalhin na ito sa Amerika upang maipagamot. Binanggit niya ang tungkol sa aso ni Karly rito at napag-usapan nilang ibabalik na lang nito iyon kapag nakaalis na si Cherry ng bansa. Iyon daw kasi ang napagtutuunan ng pansin ni Cherry sa mga nakalipas na araw. Kaya naisip niyang hangga't hindi pa niya naibabalik kay Karly ang alaga nito ay mananatili siya sa bahay nito.

Sus! Gusto mo lang makasama pa si Karly, panunudyo ng isip niya na ikinangiti lang niya.

Sa ilang araw na pamamalagi niya sa bahay ni Karly, parati siyang naiiwang mag-isa kapag araw dahil wala naman siyang pinupuntahang iba maliban sa mga practice ng banda. Kaya marami-rami na rin siyang nalaman tungkol sa dalaga. Mahilig itong magbasa. Mahilig ito sa iba't ibang klase ng music mula sa classic songs hanggang sa Pop at R&B. At marami pang iba.

He would admit she already caught his attention from the very first time they met. He already had a little crush on her way back then. At mukhang nadaragdagan iyon ngayong nakakasama niya ito.

Lalo siyang humanga rito nang malaman niyang magaling itong magluto. In fact, she loved cooking. Kahit pagod na galing sa trabaho ay ito pa rin ang nagluluto para sa kanila. Nagpiprisinta na nga siya na siya na ang gagawa ng mga gawaing-bahay ngunit ayaw nito. Pet daw ang kailangan nito, hindi katulong. Hindi niya akalaing kaya nitong gawin ang mga bagay na hindi tipikal na nagagawa ng mga babaeng lumaki sa karangyaan tulad nito. Ngunit nang minsang tanungin niya ito tungkol doon, sinabi nitong natuto itong mag-isang gawin ang mga iyon nang mamuhay ito nang mag-isa sa abroad habang nag-aaral doon.

Napangiti si Steph. Nakahiga na siya sa kanyang higaan sa sala-ang sofa na convertible into bed-ngunit ayaw pa naman niyang matulog. Doon siya sa sala natutulog dahil walang guest room ang bahay nito. Ang isa pang kuwarto roon ang nagsisilbing opisina ni Karly kung saan ito kasalukuyang nagtatrabaho. Bigla ay may naisip siyang gawin.

Para kasing gusto niyang makita ang dalaga at inisin na naman ito. Tila ba nami-miss niya ito kahit na nga nasa kabilang silid lang naman ito. Sa naisip ay agad siyang tumayo at tinungo ang pinto ng opisina nito.

"COME in," ani Karly kay Steph nang marinig ang katok sa pinto nang hindi iyon tinitingnan. Nakatuon ang atensyon niya sa kanyang ginagawa. Ni-re-review kasi niya ang kanyang mga designs para sa nalalapit na launching ng new set of wedding dress collection ng Hilda. Bukas na niya ipe-present ang mga iyon sa kanilang director upang maaprubahan na nito at nang masimulan na nila ng kanyang team ang paggawa. As the newly-promoted assistant head designer, dapat ay ma-impress niya ang lahat sa kanilang kompanya lalung-lalo na ang Auntie Divina niya.

Popo's Kiss (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon