Part 5

25 2 0
                                    

NAPANGITI si Steph pagpasok niya sa bahay na pansamantalang tutuluyan niya upang makaiwas kay Cherry. Ayaw man niyang iwan ang apartment niya ay wala siyang choice. Hindi niya maaatim na may ibang tao pang magugulo ni Cherry nang dahil sa kanya. Iniisip na lang niyang pansamantala lamang iyon dahil makakaisip din siya ng paraan upang tigilan na siya ng babae.

"Hmm...nice place," nasisiyahang sabi niya nang mapagmasdang maigi ang loob ng bahay.

Sino ang mag-aakalang ang sosyal, elegante at napaka-'unreachable' na prinsesa ng mga Laroza ay mas pipiliing manirahan nang mag-isa sa isang simpleng bungalow-style na bahay sa maliit na subdivision na iyon?

Noon naman tuluyang nagsink-in sa utak niya na makakasama niya sa iisang bubong ang may-ari ng bahay na iyon na walang iba kundi si Karly. Si Karly na pagdating sa kanya ay ubod ng sungit at suplada. Ngayon pa lang ay iniisip na niya kung magkakasundo ba silang dalawa.
The truth is, he didn't know how Rouie managed to convince his sister to agree with him. Ang sabi lang nito ay okay na ang lahat. Mapapanatag daw ito kung sasamahan niya ang ate nito dahil mag-isa lang iyon sa bahay niyon.

"Ako pa ang magtatanggol sa kanya kung sakali? Eh mukhang kayang-kaya akong lumpuhin ng babaeng 'yon." Napangiti siya nang maalala ang isinagot niya kay Rouie na ikinatawa lang nito.

Napagpasyahan niyang maglakad-lakad muna sa labas.
Nalibot na niya ang buong subdivision at na-impress naman siya na nakita. Simple at tahimik ang lugar kaya siguro doon napili ni Karly na manirahan.

Nakatayo siya sa harap ng isang bahay nang maramdaman niyang may kung ano sa gilid ng kaliwang binti niya. Nang lingunin niya iyon ay isang cute na aso ang nakatingala sa kanya. Malago ang balahibo niyon at may nakakabit na asul na laso sa leeg nito.

Sinubukan niyang iwan ang aso ngunit sumunod pa rin ito sa kanya. Kahit binilisan na niya ang paglakad ay nakasunod pa rin ito.

Nasa tapat na siya ng bahay na may pulang gate na malapit sa playground nang may isang babaeng lumabas mula sa gate ng katabing bahay niyon. At nanlaki ang mga mata niya nang mapagsino ang babaeng kasunod nito. Si Cherry!

Shit! Natatarantang hiyaw ng isip niya. "Ano'ng ginagawa ng babaeng iyan dito?"

Hindi siya maaaring makita nito dahil siguradong malilintikan siya. Kaya agad siyang naghanap ng mapagtataguan. Napansin niya ang poste ng kuryente sa kanyang tabi. May plastic na drum na may takip sa tabi niyon na marahil ay ginagamit na basurahan.

"Bahala na," at agad siyang pumuwesto sa likod niyon at nagtago. Mabuti na lang at may mataas na hilera ng mga halaman sa gilid ng basurahan.

"'Bye friend! See you next week. Attend ka, ha." Narinig niyang sabi ni Cherry sa kausap nito. Siya naman ay lalo pang sumiksik sa kanyang pinagtataguan.

"Sure. I won't miss your party."
Halos hindi siya humihinga habang pinapakiramdaman ang pagdaan ni Cherry. Pinagpapawisan na siya sa kaba. Ngayon niya pinagsisisihan ang pagiging mabait niya rito noon. Kung alam lang sana niya na may stalker tendencies pala ang babaeng ito, wala sana siya sa ganitong sitwasyon ngayon.

Shit! Gulat na sabi niya sa isip nang maramdaman niyang may pilit sumisiksik sa tabi niya. Paglingon niya ay ang maliit na asong kanina pa sumusunod sa kanya ang kanyang nakita.

"Huwag ka rito. Hindi ka puwede rito. Alis ka, alis," mahinang kausap niya sa hayop na kakawag-kawag lang ang buntot. Baka makita siya ni Cherry kaya itinulak niya ito palabas sa pinagtataguan niya.

"Grrr..." angil pa niya rito dahilan para kumahol ito. Nalintikan na!

"Oh, how cute!" boses iyon ni Cherry kaya nagtago siya nang maigi. "Why are you here, little puppy? Nasaan ang owner mo?" Tanging kahol lang ang narinig niya. Natatakot siyang sumilip dahil baka makita siya ni Cherry. "Are you hungry? Kawawa ka naman."

Ilang sandali pang nagtagal ang babae bago ito umalis dala ang tuta. Ngunit bago pa man ito makalayo ay tumunog ang cellphone nito. "Is he there? What? Hindi pa rin siya umuuwi diyan? Huwag kayong aalis diyan hanggang hindi ko sinasabi at tawagan n'yo agad ako kapag nakita n'yo siya, okay?" Iyon lang at umalis na ito.

Nasisiguro niyang siya ang tinutukoy nito. Pinalipas muna niya ang ilang saglit bago lumabas sa kanyang pinagtataguan. Alam niyang mukha na siyang siraulo sa mga pinaggagawa niya. But, what the heck? Wala na siyang pakialam.

Kahit sinong nasa katulad ng kanyang sitwasyon ay gagawin din ang ginawa niya. Sa ngayon, wala siyang magawa kundi ang mapabuntong-hininga.

Author's Note:

Hello everyone! Kindly leave your comments and suggestions na lang po if you have any. Thank you very much!

Keith Allison <3

Popo's Kiss (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon