Part 25

19 2 0
                                    

NAPABUNTONG-hininga si Karly. It's been three long days mula nang umalis si Steph ng bahay niya. Tama ba itong ginagawa niya? Naroon kasi siya sa kanyang kotse sa parking lot ng Crazy Beat—ang bar kung saan tumutugtog ang banda ni Steph.

Ang dahilan—alamin kung ano ba talaga ang nararamdaman nito para sa kanya. At nang sa gayon ay matigil na rin ang pag-iisip niya.

Bumalik sa alaala niya ang naging pag-uusap nilang magkakaibigan nang nagdaang gabi...

"Ano'ng sinabi mo?!" napapitlag siya nang sabay-sabay na reklamo ng mga kaibigan niya.

"God, Karly, ano ba'ng naisip mo at sinabi mo ang mga 'yon?" kondena ni Cara sa kanya. Palakad-lakad ito sa harap nila.

"Oo nga, Karly. Napaka-harsh ng mga sinabi mo. Kawawa naman si Papa Stephen," parang maiiyak na dagdag pa ni Arrah.

Napasimangot siya. Bakit ba parang mas kampi pa ang mga ito sa lalaking iyon? "Ano'ng harsh? Nagsabi lang ako ng totoo," ismid niya.

"Karly, dear, alam mo kung ano ang totoo. Sabi mo nga, anak pala siya ng may-ari ng Altemiraño Empire. So, hindi siya basta-bastang karaniwang tao lang. Kaya mali ka, friend. Baka nga mas mayaman pa siya kaysa sa pamilya n'yo," kontra naman ni Eriz na nakahilata sa couch niya.

"Oo na! Pero, kasi nasaktan talaga ako. Hindi n'yo ako masisisi kung ginusto kong protektahan ang sarili ko. Kung mas pinairal ko ang pesteng pride ko kaya nakapagsalita ako nang ganoon sa kanya," naitakip niya ang mga palad sa kanyang mga mata dahil nagbabanta na namang umalpas ang mga luha niya. "Akala ko kasi okay na kami. Inamin ko na sa sarili ko na mahal ko na siya, meeting my standards man o hindi. Pero nalaman ko na may mga bagay pala sa pagkatao niya na hindi niya kayang ibahagi sa'kin. I was so hurt! Pakiramdam ko, sasabog ang dibdib ko nang gabing 'yon. Feeling ko, hindi naman talaga ako mahalaga para sa kanya. Kasi, ni minsan, hindi niya sinabi sa'kin na mahal niya rin ako. First time ko ma-inlove nang ganito. Hindi naman ito itinuro sa school kaya hindi ko alam ang gagawin ko. At masakit pala talaga kapag hindi ka mahal ng mahal mo." Marahas na pinahid niya ang pasaway na butil ng luhang kumawala mula sa mga mata niya.

Nang tingnan niya ang kanyang mga kaibigan, puno ng simpatya ang mukha ng mga ito. maliban kay Arrah na nagpupunas na rin ng sariling luha. Maging si Yshi na akala niyang bato ang puso ay naluluha na rin.

"Sinabi ba niyang hindi ka niya mahal?" ani Cara.

"Hindi na niya kailangang sabihin. Alam ko na 'yon," aniya.

"D'yan ka nagkakamali. Ganyan talaga ang mga lalaki. They never talk about their feelings. But, that doesn't mean na hindi na nila tayo mahal. Hindi lang nila masabi. Same as that, sa'yo na rin nanggaling na feeling mo hindi ka niya mahal. Feeling mo lang 'yon. Ipinakita ba niya sa'yo na hindi ka mahalaga sa kanya? Hindi naman 'di ba?"

"Tama! You also said that he got mad when you told him Migo and you got back together. Nagselos lang 'yon!" segunda ni Arrah.

"At sino'ng sumaklolo sa'yo nang mapahiya ka noong engagement party n'yo ni Migo? Si Stephen," nakatitig sa kanyang wika ni Eriz. "Sinabihan niya kami na siya na ang bahala sa'yo at hindi ka niya pababayaan. So, hindi ka niya mahal?"

Nag-iwas siya ng tingin at itinuon iyon sa kanyang mga kamay. Unti-unti na siyang tinatablan sa mga sinasabi ng mga ito. "P-pero hindi niya sinabi sa'kin na anak siya ng kilalang tao at maya—"

"Hindi mo rin naman sinabi sa kanya ang tungkol kay Migo," putol ni Cara sa sinasabi niya.

"It's not important for me! Bakit kailangan ko pang sabihin 'yon sa kanya?"

"Exactly! Bakit pa nga ba niya sasabihin sa'yo ang tungkol doon? Baka kasi hindi rin naman iyon importante para sa kanya. Ano'ng alam natin?" balik sa kanya ni Cara.

Natigilan siya at napaisip. Paano kung ganoon nga ang dahilan ni Steph? At mali ang inisip niya?

Nasapo niya ang kanyang noo. "God, what have I done?"

"Sad to say, you screwed it up, honey," pang-aasar ni Eriz na hindi niya pinansin.

Inilibot niya ang tingin sa mga kaibigan. "Ano'ng gagawin ko?"

Hinawakan siya sa balikat ng kanina pa tahimik na si Yshi. "Remember what I told you that night? Just hear what your heart says."

Tumango siya saka unti-unting napangiti...

Kaya heto siya sa harap ng Crazy Beat. Nag-iipon ng sapat na lakas ng loob upang kausapin ang lalaking isinisigaw ng kanyang puso.

Popo's Kiss (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon