Part 12

19 0 0
                                    

PABAGSAK na naupo si Karly sa kanyang upuan sa loob ng opisina niya. masama ang timpla niya kaya hindi siya makapag-concentrate sa kanyang ginagawang trabaho. At mas lalo siyang naiinis dahil hindi naman siya ganoon dati. Ngayon lang naapektuhan ng bad mood ang pagtatrabaho niya.

Biglang sumingit sa isip niya si Steph at ang nangyari nang nagdaang gabi. Napangiti siya nang maalala ang takot nito sa syringe na hawak niya na ang totoo ay hindi naman talaga niya itinurok sa braso nito. Isa lang iyong ballpen na ang design ay katulad sa isang panturok. Pagkatapos ng nakakatawang tagpong iyon ay nagkwentuhan lang silang dalawa. Kaya tinanghali siya ng gising dahil doon.

Nawala ang ngiti niya at napalitan iyon ng simangot nang maalala ang nangyari kanina. Dahil tinanghali siya ng gising ay late siyang nakarating sa meeting nila. Pagkaupung-pagkaupo niya sa kanyang puwesto, agad niyang hinubad ang suot niyang blazer dahil medyo nabasa iyon pagbaba niya ng sasakyan. Umuulan kasi pagpasok niya. At dahil short-sleeved ang turtleneck blouse na suot niya, nahantad ang bahagi ng braso niyang kinagat ni Steph. Gayon na lamang ang pagkagulat ng mga kasamahan niya nang makita iyon.

"Oh my goodness! Karly, what happened to you?"OA na usisa ni Sitti—isa sa mga kasamahan niyang lantaran ang disgusto sa kanya. Para tuloy gustong umikot ng mga mata niya sa ipinapakitang kaplastikan nito kahit pa alam nitong alam niya na inis ito sa kanya.

Sinulyapan niya ang kanyang braso at muntik na siyang mapangiwi nang makita ang nangingitim na bahagi niyon. Alam niyang hindi naman mariin ang pagkakakagat ni Steph sa kanya ngunit nagkapasa pa rin iyon dahil sensitibo talaga ang balat niya. Madali talaga siyang magkapasa kagaya niyon. Bakit nga lang ba hindi niya napansin agad iyon para naitago na niya?

"Ahm, it's nothing. I just bumped on something," aniya saka pasimpleng tinakpan ng isang kamay ang pasa niya. Itutuon na sana niya ang kanyang atensyon sa kanilang director na nagsasalita sa unahan ngunit may nagsalita sa tabi niya.

"You bumped on something?" That was Rica, ang taong nakalaban niya sa posisyon niya ngayon bilang assistant head designer at siya ring pinakamalaki ang pagkadisgusto sa kanya. Alam na niya iyon sa simula pa lang dahil hindi naman nito iyon itinago sa kanya. At dahil nauna ito sa kanya na magtrabaho sa Hilda, marami itong kakampi sa pagkainis sa kanya sa di niya malamang kadahilanan.

"Let me see," tila concerned pang sabi nito at saka pinalis ang kamay niya. Ilang sandaling sinuri nito ang pasa niya saka siya hinarap. "Well, it looks like a bitemark to me, Karly. Someone bit your arm, sweetie?" painosente pang tanong nito na sadya yatang nilakasan ang boses upang marinig ng lahat ang sinasabi nito.

Mukhang plano nitong ipahiya siya sa harap ng lahat. Nang tingnan niya ang iba pa nilang kasama sa silid ay pulos may malisya at nandidiri ang tinging ipinupukol sa kanya ng mga alipores nito. Ang iba naman ay tila mga curious lamang at ang iba ay dedma lang.

"Enjoying yourself too much, Miss Assistant Head Designer?"inosente man ang tinig nito ay punung-puno naman ng malisya ang tingin nito sa kanya. Kung dati-rati ay dedma lang siya sa mga kagaya nito, bakit ngayon ay nangangati siyang tusukin ng drawing pencil niya ang mga mata nito? Magsasalita na sana siya kung hindi lang siya naunahan ng director nila.

"That's enough. We're having a meeting right now."

Nahuli pa niya ang pagpapalitan ng tingin at makahulugang ngiti ni Rica at ng mga alipores nito.

Kumukulo talaga ang dugo niya sa nangyari kanina. Ano na lang ang iniisip ng mga kasamahan nila tungkol sa kanya? Okay lang sana kung ang mga ito lang ang nag-iisip ng masama tungkol sa kanya. Kaya niyang balewalain iyon. Ngunit hindi kung pati ang mga taong inirerespeto niya ay magiging ganoon din. Pinaiwan siya ng kanilang director at sinabihan na huwag niyang ihalo sa trabaho ang personal niyang buhay. At labis siyang napahiya sa harap nito dahil hindi niya maipagtanggol ang kanyang sarili. Kaya hanggang ngayon ay inis na inis siya.

Paano pa kapag nakarating ito sa kanyang Auntie Divina? Nais pa naman nitong siya ang mamahala sa fashion house nito kapag nagretiro na ito. Wala kasing gustong mag-manage niyon sa dalawang anak nito na parehong lalaki kaya sa kanya nito iyon gustong ipamana sa hinaharap. Pumayag siyang magtrabaho rito dahil gusto niya ring magamit ang kanyang mga napag-aralan. Ang akala niya ay magiging madali lang iyon sa kanya ngunit hindi pala. Kinailangan niyang ilihim ang tunay na relasyon niya sa kanyang Auntie Divina maging sa kanyang mga pinsan upang hindi magkaroon ng problema sa pagtatrabaho niya roon. Nagsimula rin siya sa mababang posisyon partikular na sa pagiging simpleng errand girl ng mga empleyado roon para hindi masabing unfair kung ma-promote man siya sa mas mataas na posisyon. Kaya bakit ganoon na lang kung pagdiskitahan siya ng mga kasamahan niya?

Kailangan niyang mag-relax para makapagtrabaho na siya nang maayos. At isa lang ang kailangan niya. Tinawag niya ang kanyang sekretaryang si Ana at maya-maya lang ay sumungaw na ang ulo nito sa pintuan. "Yes, Miss Karly. May kailangan po kayo?" nakangiting tanong nito.

"Yes, I need a bowl of chocolate flavored ice cream. Now na."

Popo's Kiss (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon