Part 13

26 1 0
                                    

SUBSOB si Karly sa kanyang ginagawa. Kailangan niyang isa-isahin ang mga detalye ng kanyang mga designs bago iyon simulang buuin ng sariling team niya.

Nakayuko siya sa ilalim ng kanyang desk at hinahanap ang lapis niyang nahulog nang marinig niya ang tinig ni Ana. Ito ang siyang masasabi niyang pinakamalapit sa kanya roon.

"Miss Karly, may bisita po kayo."

Bahagya siyang sumilip sa ibabaw ng desk. "Okay. Papasukin mo," aniya at saka muling yumuko at hinanap ang kanyang lapis. Nakita naman niya iyon.

"Hi Master!" masiglang bati ng bisita niya na ikinagulat niya dahilan para bigla niyang maiangat ang kanyang ulo at mauntog siya sa kanyang mesa.

"Ouch..." mistula siyang isang bata na napaupo sa sahig dahil sa sakit.

Agad naman siyang dinaluhan ng salarin na parang alam na niya kung sino. At hindi nga siya nagkamali nang tingnan niya iyon na ngayon ay nakaluhod na sa harap niya.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Steph sa kanya.

Handa nang kumawala mula sa bibig niya ang galit na mga salitang nais niyang isampal sa pagmumukha nito. Ngunit bakit bigla na lang napapreno ang dila niya at tuluyang nag-emergency stop when she looked up at him and saw his eyes? Maybe, it was the sincerity and concern written all over his handsome face that made it. Napatanga na lang tuloy siya rito.

Unti-unting nawala ang kunot ng noo nito habang nakatitig din sa kanya. Itinaas nito ang isang daliri sa harap ng mukha niya.

"Ilan 'to?"

"One." Naguguluhan man ay sumagot pa rin siya.

"Ito?" tatlong daliri naman ang itinaas nito.

"Three."

"Ano 'to?" dalawang daliri ang ipinakita nito.

Medyo natawa na siya. "Eh, di two."

Ngumisi ito. "Mali! Peace 'to. Peace!" nahampas niya ito nang malakas sa dibdib dahil sa pang-titrip nito sa kanya.

"Nakakainis ka!" sa pagkamangha niya ay tumawa pa ito nang malakas saka hinuli ang kamay niyang inihampas dito. Pagkatapos ay inalalayan siya nitong makatayo.

Bakit ganoon ang naramdaman niya nang hawakan ni Steph ang kamay niya? Kakaiba. She couldn't give a name to that warm sensation she felt that went straight to her heart. At nang bitiwan nito ang kanyang kamay, bakit parang nanghinayang siya? Bakit?

Pasimpleng tumikhim siya upang maalis ang tila kung anong nakabara sa lalamunan niya. "A-ano ba kasing ginagawa mo rito?"

"Nandito ako para sabay tayong mag-lunch. Nagugutom na ako at gusto kong makasabay ang Master ko. Isa pa, hindi ka nag-breakfast kanina kaya naisip kong nagugutom ka na nang husto ngayon. Tara?"

Medyo nag-alangan siya dahil gusto niyang tapusin na ang kanyang ginagawa. Ngunit nang ilapit ni Steph ang mukha nito sa kanya at parang batang nagpaawa at nagsabi ng "Please?", naglahong parang bula ang pag-aalinlangan niya.

"Fine!" sumusukong sabi niya sabay tingin sa kanyang wristwatch. "Fifteen minutes pa before lunch break kaya doon ka muna sa labas. Hintayin mo na lang ako, okay?"

"Okay!" ngunit bago ito tumalikod ay masuyong pinisil muna nito ang ilong niya na ikinasinghap niya. Kahit kailan talaga, punung-puno ito ng sorpresa. Napahawak siya sa kanyang ilong at napailing na lang.

Kinikilig ka ba? Iyon na naman ang isang boses sa isip niya.

Hello? Ako, kinikilig? Hindi 'no!

Popo's Kiss (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon