Part 6

24 1 0
                                    

NAHILOT ni Karly ang kanyang batok pagpasok niya sa kanyang bahay. Nag-overtime kasi siya dahil malapit na ang launching ng new set of wedding dress collection ng isa sa pinakasikat na fashion house sa bansa-ang Hilda House of Fashion, na siya ring pinagtatrabahuhan niya.

Medyo nagtaka siya na makitang may isang malaking maleta sa kanyang sala nang mapadaan siya roon. Then, she remembered that she had a visitor. A girl named "Steph" na ayon sa kanyang nakababatang kapatid ay kaibigan daw nito. Tinawagan siya nito kanina upang makiusap na patuluyin niya muna pansamantala sa kanyang bahay ang kaibigan daw nito at pumayag na rin siya kahit na ayaw niya noong una. Sinabi na lang niyang kapag hindi niya nakasundo ang taong iyon ay dapat na paalisin nito iyon sa bahay niya.

"Speaking of that Steph, nasaan na kaya ang babaeng 'yon?" Hmm, baka lumabas lang.

"Popo, baby, I'm home," tawag niya sa kanyang alaga ngunit walang sumalubong sa kanya. Naglakad na lang siya patungo sa kanyang kuwarto para magpalit ng damit.

She didn't even bother to turn the lights on because all she wanted to do was to lie down on her comfortable bed. So she did and closed her eyes. Ngunit dagli rin siyang napamulat nang maramdaman niyang parang hindi siya nag-iisa sa kanyang silid.
Nakumpirma ang hinala niya nang paglingon niya sa kanyang kanan ay mukha ng isang lalaki ang bumulaga sa kanya. Isang tulog na tulog na lalaki.

A guy in my bed? Oh my God! There's a guy in my bed! hiyaw ng isang bahagi ng utak niya.

And gosh, he's topless! hiyaw rin naman ng kabila.

At tila natauhan na rin ang bibig niya kaya nakisali na rin iyon sa nangyayaring hiyawan sa loob ng isip niya. "Aaaaahhhhh..."

Dumampot siya ng unan at pinaghahampas niya ang lalaki habang sumisigaw pa rin.

"A-aray...teka lang...teka lang," tuliro pang sabi nito. Nahawakan nito ang unan na hawak niya bago pa niya iyon muling maihampas dito. Kaya binitiwan niya iyon at nagmamadaling pinindot ang switch na nasa gilid ng pinto.

"S-sino ka? Ano'ng ginagawa mo rito sa pamamahay ko? Ano'ng kailangan mo?" nakuha pa niyang tanungin ang trespasser kahit na tila kakawala na ang puso niya dahil sa lakas ng tibok niyon. Mahigpit din niyang hawak ang door knob kung sakaling kailanganin niyang tumakbo at humingi ng tulong.

"Karly, ano ba? Pinaghahampas mo ako ng unan para lang itanong iyan?" mukhang antok na antok pa ito dahil hindi pa nito halos maimulat ang mga mata nito. Para tuloy gustong uminit ng ulo niya.

"What am I supposed to do? I don't even know you!" sikmat niya rito.

"Ano? Hey, ako 'to. Si Steph."

Napasinghap siya. "I-ikaw si Steph?" hindi makapaniwalang saad niya. Ibig sabihin, ito ang 'Steph' na pansamantalang titira sa bahay niya? In other words, they would become 'housemates' for a period of time she didn't know how long. Hindi puwede!

"The one and only," kampanteng sagot nito.

"Lalaki ka?" nasabi niya bago pa niya mapigilan ang sarili.

"Obviously," sarkastikong sagot nito na mukhang hindi natuwa sa tanong niya.

Ngunit hindi ang sagot nito ang tuluyang nakapagpanganga sa kanya kundi ang mukha nito nang hawiin nito ang magulo at kulot na buhok nito. It's because this hunk with a great body and totally disheveled hair sprawled in the middle of her bed was also the man she had kissed and whom she had thrown up to a couple of nights ago. The one and the same man, really.

Nakakaloka.

Oh. My. Gosh. Can I faint?

Popo's Kiss (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon