Part 10

32 0 0
                                    

"WHAT?! You're getting married?!" halos sabay-sabay na sabi ng mga kaibigan ni Karly matapos niyang sabihin sa mga ito ang nalalapit na pagpapakasal kuno niya. Ganyang-ganyan din ang reaksyon ko nang sabihin sa akin 'yan ni Mama. Natawa na lang siya sa mga ito.

Naroon silang lahat na magkakaibigan sa kanyang bahay gaya ng nakagawian nila mula pa noon. Once a week they would have a bonding time-so-called Pitch Night-so they could catch up with their everyday lives. Originally, Bitch Night ang tawag nila roon. Ngunit dahil ang naging tambayan nila noon ay ang bahay ng pamilya ni Yshi, hindi sila puwedeng magsalita ng bad word. Ayaw ng ina ni Yshi na ma-adapt ni Yesha-ang nakababatang kapatid nito na may Down Syndrome-ang masasamang salita mula sa kanila. Hanggang sa nakasanayan na lang nila at naging biruan na rin sa kanilang barkada. Sa kanilang lima, si Yshi lang ang hindi nagmula sa mayamang pamilya. Simple lang ang pamilya nito kung kaya napalapit silang lahat sa pamilya nito lalo na sa kapatid nitong si Yesha.
"Ikakasal ka na? I'm so happy for you, Pitch!" tuwang-tuwang sabi ni Arrah na sinimangutan lang niya.

"Bakit parang ang bilis naman yata? You didn't inform us that you have a boyfriend at the moment. Ni wala kang ipinapakilala sa amin." Yshi questioned as she took a big bite from her slice of pizza. Yshi was the toughest among them and she was also a cynic when it comes to...almost everything.

Hindi siya sumagot kaya si Arrah uli ang nag-usisa sa kanya habang nilalantakan ang ice cream na nahalungkat nito sa refrigerator niya. "Speaking of boyfriend, you didn't have a boyfriend ever since I met you."

"Yeah, right. I am a certified 'No Boyfriend Since Birth'," naaasar na wika niya.

"At bakit nga ba isa kang certified 'No Boyfriend Since Birth'?" nakataas ang kilay na tanong ni Cara. She was always frank and straightforward. "At bakit sa dinami-rami ng mga nagkagusto sa'yo at nagtangkang manligaw noong college tayo, ni isa wala kang pinansin. At ang dami mong naka-date these past two years, ni isa wala kang nagustuhan? Ano ba kasing gusto mo?"

"Siyempre, ang gusto ko, iyong guwapo, mayaman, matalino at may sense kausap, mabait, masi-"

"Ah, so you want a perfect boyfriend," putol ni Cara sa sinasabi niya at binigyang diin pa ang salitang 'perfect'.

"Every girl wants a perfect boyfriend," depensa agad niya sa sarili.

"And there's no such thing as a perfect boyfriend, Karly, dear," singit ni Yshi. "A perfect jerk, puwede pa," dagdag pa nitong ikinatirik lang ng mga mata niya.

"Hey, my boyfriend is perfect!" angal naman ni Arrah.

"Matakot ka na. Sinasabi ko sa'yo, bakla 'yang boyfriend mo," pang-aasar ni Cara rito.

"You're so mean! And you're such a pitch!" nakasimangot na balik ng huli.

"Ah, basta! Ang lalaking mamahalin ko at pakakasalan ay dapat taglay ang lahat ng katangiang iyon. Dapat guwapo siya. Dapat din mas matalino siya kaysa sa akin. And he should be taller than me. Lastly, his salary should be higher than mine," dire-diretsong sabi niya habang isa-isang tinitingnan ang mga kasama niya.

"Okay, dream on." At pinagtawanan lang siya ng mga ito.

"Alam mo kasi, ang love para 'yang taxi. Maraming magdaraan sa harap mo. Kung masyado kang mapili, ikaw rin, maaagawan ka ng ibang pasahero. Sa huli, ikaw ang kawawa. You'll regret you just let them passed by," paliwanag ni Cara na sinang-ayunan ng iba pa.

"Whatever," aniya. But, she knew, deep inside bull's eye ang kaibigan niya.

"Wait. So, what exactly is your problem? Eh, hindi ba ang sabi mo ikakasal ka na," noon naman nagsalita ang kanina pang tahimik na si Eriz.

Popo's Kiss (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon