Part 22

15 0 0
                                    

"KARLY!"

Hindi pinansin ni Karly ang pagtawag na iyon sa kanya. Umiiyak na dumiretso siya sa kanyang kotse. Pasakay na siya nang may humagip sa braso niya at iniharap siya nito. Tuluyan na siyang napahagulgol nang maramdaman ang pamilyar na yakap na iyon kung saan siya nakapaloob.

"Sshh...It's okay. Tahan na," masuyong wika ni Steph habang hinahaplos ang likod at ulo niya. Lalo siyang napaiyak. Bakit ba ganoon ito? Isa nga ito sa mga taong nagdudulot ng sakit sa kanya ngayon.

Ngunit aminin man niya o hindi, masaya siyang sinundan siya nito. Masaya siyang iniwan nito ang babaeng kasama nito upang aluin at damayan siya. Dahil kapag kapiling niya ito, gumagaan ang pakiramdam niya.

Ilang sandali pang nanatili sila sa ganoong posisyon bago siya tuluyang kumalma. "I want to go home," maya-maya ay mahinang sabi niya.

Pinasakay siya ng binata sa passenger seat at ito na ang nagmaneho. Hindi sila nag-iimikan. Una, dahil hindi niya alam kung ano ang pwede niyang sabihin. Pangalawa, napakaseryoso ng mukha nito habang nagmamaneho. Para bang galit ito sa isang tao at nais nitong bugbugin iyon. Galit ba ito kay Migo dahil sa ginawa ng huli sa kanya?

Nag-iwas siya ng tingin. Malabong mangyari iyon. O kung ganoon man, sigurado siyang naaawa lang ito sa kanya. In short, she's just a mere charity work for him. Pasimple niyang pinahid ang luhang kumawala mula sa mga mata niya. Dahil hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya.

Namalayan na lang niyang nakahinto na ang kanyang kotse sa harap ng bahay niya. Naunang bumaba si Steph saka lumigid sa side niya. Binuksan nito ang pinto at hinintay siyang makababa. Ngunit nang nakatayo na siya sa harap nito, hindi niya maialis ang tingin sa gwapong mukha nito. Hayun na naman ang mabilis na tibok ng puso niya. Ang puso niyang tila sumisigaw ng "Tell him! Tell him what you really feel!"

Hindi niya kayang isigaw iyon. Ngunit nais niyang maiparating dito ang tunay niyang damdamin. So, just like what she did in that bar, she kissed him. Hinalikan niya ito nang buong alab. Na para bang sa pamamagitan ng halik na iyon ay malalaman nito kung gaano niya ito kamahal. Halatang nagulat ito sa ginawa niya. Ngunit nang kalaunan ay tumugon din ito sa halik niya ng kaparehong intensidad.

That same instant, she wished that time would stop. She wished that everything would vanish except the two of them. Ngunit hindi nga lahat ng hiling ay natutupad. Dahil tila siya ibinagsak sa lupa sa sumunod na mga salita ng binata. "I-I'm sorry...Lasing ka lang at hindi mo alam ang ginagawa mo," anitong bahagyang lumayo sa kanya.

Hindi siya lasing, nakainom lang at alam niya ang ginagawa niya. Kung paano nito nalaman iyon ay hindi niya alam. Isa lang ang alam niya, isa siyang malaking bigo.

Something caught her eye. Napatingin siya sa isa pang sasakyan na nasa harap nila nang bumukas ang pinto niyon at lumabas ang isang matangkad na lalaki. Migo...

"Karly...pwede ba tayong mag-usap?" alanganing tanong nito.

Ngunit bago pa man siya makasagot ay nakalapit na si Steph kay Migo. Inundayan nito ng suntok si Migo! Tinamaan ito sa mukha. Napahiyaw siya. "Steph, tama na!"

Pumagitna siya nang maghiwalay ang mga ito. "Ano ba'ng problema mo?!" baling niya kay Steph na hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. Nang hindi ito sumagot ay hinarap niya si Migo. "Halika na."

At hindi nililingon si Steph na nilisan nila ang lugar na iyon.

Popo's Kiss (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon