Part 15

18 1 0
                                    

TILA pareho pang ayaw maghiwalay at magpahinga nina Karly at Steph kaya napagpasyahan nilang mag-movie marathon pagkauwi nila sa bahay.

Nakaupo sila sa couch sa sala ng bahay ni Karly at kasalukuyang pinapanood ang isang Thai horror film. Ilang beses nang napanood iyon ng dalaga ngunit iyon daw ang gusto ni Steph sa mga nahalungkat nito sa DVD and CD rack niya.

Dumakot si Karly sa glass bowl na punung-puno ng cheese-flavored popcorn na nakapatong sa kandungan ng malaking teddy bear na napanalunan nila. Nakapuwesto ang teddy bear sa pagitan nila ni Steph na tahimik lang sa panonood habang manaka-nakang sumusubo ng popcorn.

Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin niya napagtutuunan ng pansin ang mga kakaibang nararamdaman niya lalo na kapag kasama niya ang binata o nasa malapit lang ito. Maybe, because she, herself, was not sure she could get the right answers. Those things were new to her. Hindi iyon kasama sa mga bagay na natutuhan niya sa ilang taong pag-aaral here and abroad. Kaya naguguluhan pa rin siya.

She sighed. Imbes na mag-isip siya nang mag-isip, bakit hindi na lang niya pansinin ang guwapong mamang ito sa tabi niya? Yes, inamin na rin niya sa sarili niyang guwapo nga talaga ito. At gusto niyang asarin ito. Napangisi siya sa isip.

She cleared her throat before she spoke. "Hoy, Popo. Bakit ba nariyan ka? Hindi naman kita pinapaupo riyan sa sofa. Hala, baba."

"Huh?" nagtataka man ay sumunod pa rin ito sa kanya. Umalis ito sa sofa at umupo sa carpeted na sahig. Isinandal nito ang likod sa sofa ngunit nananatiling nakatutok ang atensyon nito sa pelikula.

Aba at wala man lang reaksyon ang lalaking ito? Paano ba ako papansinin nito?

Umisod siya nang kaunti upang mapalapit sa puwesto nito. Dinampot niya ang isang throw pillow at inilagay sa kaliwang gilid nito. "Higa," utos niya rito.

"Ha? Bakit?"

"Basta humiga ka." Sumunod uli ito. Umunan ito sa throw pillow at akmang kukuha uli ng popcorn sa bowl nang tampalin niya ang kamay nito. Napatingin ito sa kanya. He looked puzzled and confused.

Pinigil niya ang mapangiti. Kinuha niya ang bowl at ipinatong sa kandungan niya. Then, she picked a piece of popcorn and aimed for his mouth. "Open your mouth."

Napangisi ito. "Ikaw ha. Nagiging sweet ka na sa akin ngayon. Baka iba na iyan." Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Mukhang nakuha naman nito ang nais niya kaya ibinuka nga nito ang bibig nito. She threw the popcorn and it went straight to his mouth.

"Hmm. Bakit parang mas sumarap nang ikaw ang nagpakain sa'kin?" wika nitong may panunudyo ang ngiti sa kanya.

"Ewan ko sa'yo." Kunwa ay inirapan niya ito ngunit sa loob-loob niya ay gusto niyang mapangiti.

Maya-maya ay iniunat niya ang kanang binti niya at ipinatong ang kanyang paa sa tiyan nito. Halatang nagulat ito sa ginawa niya dahil ramdam niyang natigilan ito. Maging ang mga muscles nito sa tiyan ay nanigas din. Patay-malisya naman siya kahit nakita niya sa peripheral vision niya na napatingin ito sa kanya. Ngunit maya-maya ay napangiti rin siya. She remembered Popo. Ganoon palagi ang puwesto nila kapag nanonood ng TV.

She then curled her toes and gently scratched her nails against his shirt-covered tummy. But she stopped when Steph grabbed her ankle. Nabigla siya sa ginawa nito. Hindi niya napaghandaan ang kakaibang init na hatid ng pagkakadikit ng mga balat nila lalo na ang tila kuryenteng nanulay mula rito papunta sa binti niya.

What was that?

"W-what?" aniyang napatitig dito.

"Stop it," seryosong utos nito. Hindi niya maipaliwanag ang hitsura nito na ipinagtaka niya. Parang may masakit dito na hindi niya maintindihan. Mukha rin itong may pinipigil na kung ano. Ano kaya'ng problema nito? Masakit kaya ang tiyan nito?

Popo's Kiss (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon