Part 7

26 0 0
                                    

"HINDI ka ba nahihilo sa ginagawa mo?" Hindi pinansin ni Karly ang tanong na iyon ni Steph at patuloy lang sa pagparoo't parito. Kanina pa niya tinatawagan ang magaling niyang kapatid ngunit nananadya pa yata ang hinayupak dahil hindi siya nito sinasagot.

"Alam mo, maganda ka sana. Kaso, napakasungit mo. Ni hindi ka ngumingi-"

"Shut up! Okay?" asik niya ritong pinipigilan ang inis. Hindi niya alam kung kanino o saan ba talaga siya naiinis-sa pang-titrip sa kanya ng kapatid niya o sa guwapong lalaking ito na inakala niyang babae dahil sa pangalan nito?

Bakit ka naman maiinis sa papable na iyan? Dahil nahihiya ka kasi hinalikan at sinukahan mo siya? untag na iyon ng kung sino sa isip niya na ngali-ngaling bulyawan din niya dahil nang-aasar pa.

She sighed and counted from one to ten. Kailangan niyang kumalma para makapag-isip siya. At isa lang ang naiisip niyang solusyon sa munting gulong ito.

"I'm sorry, but you have to leave now. I can't let you stay here." Iyon lang at iniwan niya ito sa sala ng bahay niya upang hanapin ang kanyang alaga na noon lang niya naalala.

Hinanap niya iyon sa bawat sulok ng bahay niya ngunit nang hindi niya iyon mahagilap ay nagsimula nang kumalat ang kaba sa sistema niya. Nawawala ba ang pinakamamahal niyang si Popo?

Binalikan niya sa sala si Steph at naabutan itong prenteng nakaupo sa sofa niya at mukhang walang balak na lumayas. "Hey, nakita mo ba ang alaga ko? Maliit lang siya and he has a blue ribbon on his neck." Dinampot niya ang picture frame kung saan may litrato ni Popo at ipinakita iyon sa binata.

"Ito ang alaga mo?" Naiikot niya ang mga mata niya sa tanong nito. "Oo, nakita ko siya."

"Okay, nasaan siya?"

"Ewan ko."

"What? Ano'ng ewan mo?" Nagsisimula na namang mag-init ang ulo niya.

"Hindi ko nga alam. Nakita ko siya sa labas kanina at may babaeng kumuha sa kanya."

"What?! Hindi mo man lang pinigilan 'yong babae? Bakit hinayaan mong makuha siya ng iba? Paano kung saktan siya? God, my baby." Kulang na lang ay sakalin niya si Steph dahil sa panggigigil niya. Kasalanan nito kaya nawawala ang pinakamamahal niyang alaga.

"Malay ko bang alaga mo pala 'yon." Sukat sa sinabi nito ay parang umakyat sa ulo niya lahat ng dugo niya sa katawan. Bakit ba pagdating sa lalaking ito ay umaabot agad sa boiling point ang dugo niya? Wala nang simmer-simmer pa, boil agad.

"Lumayas ka sa pamamahay ko. Dahil 'pag hindi ko napigilan ang sarili ko, sasakalin na talaga kita!" Ngunit ngumiti lang ito.

"What's the big deal? Aso lang naman 'yon," cool na cool pang sabi nito sa kanya.

"He's not just a dog, you jerk! He's everything to me! He protects me. Inaaliw niya ako kapag nalulungkot ako. He makes me happy and more. Kaya 'wag mong mamaliitin si Popo!" nakapamaywang na sabi niya rito.

"Iyon lang ang kaya niyang gawin? Kaya ko rin namang gawin ang mga ginagawa ng aso mo. In fact, I can do better. Ni hindi ka nga niya kayang kausapin. Ang tao kayang gawin ang lahat. Hindi ka lang aaliwin, kakantahan at sasayawan ka pa. Makakausap mo pa. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit mas gusto mong kasama ang isang aso kaysa sa tunay na tao tulad ko."

Pinagmasdan niya ang lalaki. Bakit kaya tila biglang nagkaroon ng kulay ang nakikita niya? Tama, iyon ay dahil pula lang ang nakikita niya at tanda iyon na kanina pa niya gustong makita na dumanak ang dugo ng buwisit na lalaking ito sa sobrang inis niya. Ngunit bago pa man siya maging isang kriminal ay natahimik siya. Wait, she just got an idea! Ito ang may kasalanan kaya nawawala si Popo, puwes humanda ito sa kanya.

"Talaga lang, huh," nakahalukipkip na sabi niya. "Okay. I'll let you stay. On one condition." She looked straight into his eyes and met his stare. "You'll take Popo's place. You'll be my pet and I'll be your master."

Tahimik lang itong nakatitig sa kanya kaya nagpatuloy siya habang umuupo sa one-seater sa tapat nito. "Susundin mo ang lahat ng sasabihin ko. Kapag sinabi kong 'upo', uupo ka. Aaliwin mo ako kapag gusto ko. Kakain ka lang kapag sinabi ko. In short, you'll do what Popo does. Hindi naman siguro mahirap gawin 'yon?" Ngayon ay unti-unti nang napalitan ng pagbubunyi ang inis niya. She felt triumphant dahil makakaganti na siya sa buwisit na lalaking ito.

Nagsimula ka ng laban, puwes ibibigay ko sa'yo ang hinahanap mo. Makikita mo, makikita mo!

"Why, scared now, honey?" She couldn't hide her smirk when he didn't speak. Mukhang naduduwag na nga ito. Dapat lang dahil hindi nito kilala ang totoong Karly na kinakalaban nito.

Ngunit unti-unting naglaho ang ngisi niya nang dahan-dahan itong lumuhod at lumapat ang magkabilang kamay nito sa sahig. He was now on all-fours position like a real dog. At hindi niya maitatanggi ang kabang bigla niyang naramdaman nang matitigan ang mga mata nito. And when he crawled to her like a sleek panther eyeing his prey, she couldn't help but sit upright. Pigil niya ang kanyang paghinga nang ilang hibla na lang ang layo ng mukha nito sa kanya. She felt intimidated and a little bit...excited? What the heck?

"Of course not, honey. I can do anything you want. Anything. Anywhere. Anytime...Master. Grrr..."

Ano raw? Naisip niya habang napapalunok nang wala sa oras.



Popo's Kiss (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon