Part 21

15 0 0
                                    

IT WAS the night of Karly's 'unexpected' engagement party. Well, for her, it was really unexpected. Hindi niya inakalang gagawin iyon ng kanyang ina. Nagdesisyon na naman ito para sa kanya at hindi siya kinonsulta.

Nakausap na rin niya si Migo tungkol doon ngunit maging ito ay walang kaalam-alam sa mga pangyayari. Kakauwi lang nito galing sa isang business trip abroad nang malaman ang tungkol doon. Nakiusap daw dito ang ina nito kaya hindi na rin nito natanggihan pa.

She sighed. Marami nang bisita ang naroon sa malawak na bakuran ng mansiyon ng mga Laroza. Everyone was very happy for them. Except her. She felt miserable. Bukod sa hindi pa naman siya pumapayag sa engagement na iyon, hindi pa rin sila nagkakausap ni Steph hanggang sa mga sandaling iyon. And that was what hurt her the most. Lalo pa at nakita niya itong dumating kasama ang banda nito at ng kapatid niya. Ni hindi siya nito pinansin nang tangkain niya itong kausapin. Kaya kanina pa siya naroon sa sulok at tahimik na umiinom. And seeing that jerk dancing and obviously flirting happily with that girl she didn't know who was making her shoot daggers in their direction through her eyes. Kung nakakamatay lang sana ang kanyang mga tingin...

"Engagement party mo pero mukhang gusto mong pumatay," wika ng kung sino na animo nabasa ang nasa isip niya na bahagyang nakapagpapitlag sa kanya. Si Yshi ang nalingunan niya sa kanyang tabi. Hindi siya nagkomento sa sinabi nito bagkus ay sumimsim sa kopitang hawak niya habang tahimik na pinagmamasdan pa rin ang pareha. But her mind was reeling.

Ang babaeng iyon ba ang laman ng puso ni Steph? Kaya ba ni hindi man lang siya nito pinapansin? But, what about her? What about that magical kiss they shared that meant a lot to her? Siya lang ba ang nag-assume na may nararamdaman din ito para sa kanya? Marahil ay ganoon nga. Ang saklap naman! And shit, 'cause it hurts, pinipigilang maiyak na naisip niya.

Ganoon nga siguro talaga. Kaya siya nasasaktan dahil marami siyang mga tanong sa sarili niya. Ngunit hindi niya alam kung alin ang mas masakit—ang kahit anong isip niya, wala siyang makuhang sagot sa mga tanong niya, o kahit anong pilit niya, hindi niya magawang tanggapin ang mga sagot na nasa harap na niya.

Naramdaman niya ang marahang pagpisil ng kamay ni Yshi sa balikat niya. "Just a piece of advice, girl. Men are jerks. That's a given fact. But, always remember, piliin mo iyong tao na makapagpapasaya sa'yo. Kaya bago ka tuluyang magdesisyon sa gabing ito, just hear what your heart says..."

Napatingin siya sa kaibigan. It was the first time Yshi spoke something like that kaya medyo nagulat siya. She always knew that her friend didn't believe in love. It seemed she was wrong. Yshi smiled at her and she forced herself to smile back. Ngunit agad ding naglaho ang ngiti nito nang mapadako ang tingin nito sa isang taong marahil ay papalapit sa kanila. Nang lumingon siya ay nakita niya si Migo ilang metro ang layo sa kanila. He had that weird expression on his handsome face that she couldn't put a name on. Ngunit hindi naman ito nakatingin sa kanya. Kung ganoon, kanino? Kay Yshi?

"A-ahm, excuse me. May nakita pala akong kakilala sa banda roon. See you later, Karly. C-congratulations," ani Yshi saka nagmamadaling nawala sa tabi niya. Noon naman lumitaw sa tabi niya si Migo. Parang wala pa rin ito sa sarili.

"Are you okay?"

"Uh, y-yes." At nahulog na ito sa malalim na pag-iisip. Maging siya ay gayon din.

Dapat ba niyang ituloy ang engagement na ito gayong may iba naman siyang minamahal? Na ang sinasabi mong mahal mo ay naroon sa piling ng ibang babae. Ano ba'ng dapat niyang gawin?

Noon naman pumailanlang ang boses ng kanyang ina sa mikropono. Tinatawagan sila ni Migo na umakyat sa nagsisilbing stage. Iginiya siya ni Migo patungo roon at ilang sandali pa ay inaanunsyo na ng kanyang ina ang engagement nilang dalawa.

Wala roon ang isip niya. Dahil mula sa kinatatayuan niya ay kitang-kita niya si Steph kasama ang babaeng iyon. Sobrang sweet pa ng mga ito sa isa't isa kaya naman parang nilalamukos ng isang invisible na kamay ang puso niya. Bigla na namang namuo ang luha sa gilid ng kanyang mga mata ngunit pinigilan niya iyon. Ayaw niyang magmukhang kawawa sa harap ng maraming tao. Kaya kahit nasasaktan ay pinilit niya ang sariling ngumiti. Then, she saw her friends. Concern was written all over their faces. Waring na-sense ng mga ito na may nangyayari sa kanya. Dahil doon, parang gustong sumabog ng dibdib niya. Nais na niyang umiyak sa mga ito.

Hanggang sa marinig niya ang boses ni Migo sa mikropono. "I-I'm sorry. But I-I can't do this," anito saka walang lingon-likod na iniwan siya sa stage.

Ilang sandaling walang kumikilos sa mga tao. Maging siya ay ganoon din. Hindi pa niya agad naintindihan kung ano ang nangyari dahil abala siya sa kanyang nararamdaman. Ngunit nang mag-sink in sa kanya ang ginawa ni Migo, nahiling niyang sana ay lamunin na siya ng lupa. Nagsimula nang magbulungan ang mga tao. Ang lahat ng atensyon ay nakatutok sa kanya. Maging ang nahihintakutang bulalas ng kanyang ina ay hindi nakaligtas sa kanya.

She couldn't bear this anymore. The hurt, the humiliation, the pain. Nagmamadaling bumaba siya ng stage at tumakbo palayo sa lugar na iyon. Hindi niya pinansin ang mga tawag ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Nais lang niyang makalayo roon. Malayo sa mga taong patuloy siyang sinasaktan...

Popo's Kiss (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon