Part 14

24 0 0
                                    

DINALA ni Steph si Karly sa Seafood Crush—isang seafood restaurant sa kahabaan ng Roxas Boulevard—upang doon mananghalian. Sa biyahe pa lang ay todo na ang pagbibida ng binata sa nasabing restaurant. Paborito raw nito iyon dahil sa masasarap na pagkain at cool na ambience. Natawa pa si Karly dahil halatang excited itong dalhin siya roon at ipatikim sa kanya ang mga pagkain doon.

Steph was right. Talagang katakam-takam nga ang mga pagkain sa Seafood Crush. Hindi na napigilan ni Karly ang kanyang sarili na kumain nang marami dahil sa mga inorder nito—naglalakihang hipon na niluto sa butter kaya sobrang creamy at napakabango niyon, stuffed pusit, higanteng lobster at mainit na kanin. Lalo siyang namangha nang hindi sila gumamit ng kubyertos at sa halip ay nagkamay na lang. Natawa pa sa kanya si Steph dahil hindi siya marunong mag-kamay. Mabuti na lang at tinuruan siya nito dahil siya lang ang gagamit ng kubyertos kung saka-sakali. Halos lahat kasi ng mga naroon ay nakakamay ding tulad nila.

She really enjoyed having lunch with Steph. Tawa siya nang tawa habang kumakain. Panay rin kasi ang kwentuhan nila ng binata na kakaiba rin ang sense of humor kaya napapatawa siya nito nang walang kahirap-hirap. And she wondered just why.

Maybe because Steph was a sensible conversationalist. Hindi ka mabo-bore kapag ito ang kausap mo. Hindi rin kasi ito puro hangin lang di tulad ng unang impresyon niya rito. Sabagay, napansin na rin naman niya noon pa na matalino itong tao. At napatunayan niya iyon nang sagutin nito ang tanong niya kung nakapagtapos ba ito ng pag-aaral. And she was not surprised to know that he graduated from Ateneo where he took up a business course. After that, he studied in a music school habang nagbabanda ito.

Nang minsang mapadako ang topic nila sa pamilya nito ay hindi ito nagkomento at mataktikang ibinalik ang usapan sa pagbabanda nito. She didn't mind at all. Maski siya ay ayaw ring pag-usapan ang tungkol sa pamilya niya.

Pagkatapos kumain ay nagpalipas sila ng oras at itinuloy ang pagkukwentuhan sa maliit na indoor garden doon din sa restaurant na kinainan nila. Napagpasyahan niyang huwag na lang bumalik sa opisina sa hapong iyon, sa pamimilit na rin ni Steph. Tumawag na lang siya sa kanyang sekretarya maging sa kanyang Auntie Divina na tumatawang pinayagan agad siya.

"Enjoy your date, my dear!" pahabol pa nito na ikinatawa na lang niya at saka siya napailing.

Nang bumaba na ang kinain nila, nagyaya si Steph sa ibang lugar.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" pangungulit pa niya rito. Ayaw niyang ipahalata rito ang kakaibang excitement na nararamdaman niya sa kaalamang magkakasama pa sila.

Hindi ito sumagot at nagpatuloy sa pagmamaneho. Ngunit dahil ang upo niya ay nakatagilid at nakaharap dito habang ang kanyang mga binti at paa ay nakatiklop sa ilalim ng kanyang mga hita, kitang-kita niya nang sumilay ang misteryosong ngiti sa mga labi nito.

"Saan nga?"

Saglit siyang tinapunan nito ng tingin. "Secret nga. 'Wag kang makulit." Nakangiti pang tugon nito.

Siya naman ay nawili nang pagmasdan ang profile nito. Ang guwapo talaga ng mokong na 'to, anang isip niya.

Oo na, inaamin na niya sa kanyang sarili na guwapo nga ang lalaking ito. Ano naman kasi ang mapapala niya kung itatanggi pa niya iyon?

Maya-maya pa ay inihinto na nito ang kotse sa harap ng isang establishment.

"Here?" nagtatakang tanong ni Karly kay Steph nang makita niya ang signage ng Star City.

"Yes, here," natatawang sagot nito nang mapagmasdan ang reaksyon niya. Ganoon pa rin ang ekspresyon niya nang bumaba ito ng kotse at makalipat sa side niya upang ipagbukas siya ng pinto.

Popo's Kiss (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon