Part 28

25 1 0
                                    

Six months later...

"WELCOME back, Miss Karly!"

Napangiti si Karly sa bating iyon ng assistant niyang si Ana nang sumunod ito sa office niya. "Kanina mo pa sinasabi iyan ah."

"Almost two weeks din po kayong wala rito kaya na-miss kita," pa-cute na wika nito. "Sayang talaga! Kung hindi lang nagkaproblema iyong passport ko, fresh from Paris din sana ako."

"Hayaan mo na. Next time, hindi na ako papayag na hindi ka kasama. And don't worry, hindi ko nakalimutan ang pasalubong ko sa'yo." aniya saka iniabot dito ang bitbit niyang paper bag. Tuwang-tuwang tinanggap naman nito iyon at nagpasalamat sa kanya bago siya iniwan.

Naupo siya sa kanyang silya at pinagmasdan ang kanyang opisina. Na-miss nga rin niya iyon pagkatapos ng kanyang business-slash-pleasure trip to Paris. Siya ang ipinadala ng kanya Auntie Divina kasama ang ilan pang director para sa Paris Fashion Week. But, because she was so busy in the past several months, she took the opportunity to unwind. Kaya lumagpas ng isang linggo ang pamamalagi niya roon. Kababalik niya lang nang nagdaang araw kaya ngayon lang ulit siya nakapasok sa opisina. And it's so good to be back home! Kahit na nga hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin siya.

Six months ago, noong huling pag-uusap nila ni Muffin, matapos nitong sabihin sa kanyang pakawalan niya ang Kuya Steph nito kung talagang mahal niya ito, hindi na ito nag-elaborate pa. Naiwan siyang gulong-gulo at hindi alam ang gagawin. Bumalik siya sa bar nang gabing iyon at pinanood si Steph na mag-perform sa stage. Sa tuwing magkakalakas ng loob siyang lapitan na ito at kausapin ay saka naman sisingit sa isip niya ang pabor ng pinsan nitong si Muffin. Hanggang sa mapagdesisyunan niyang hayaan na muna ito.

Ngunit pagbalik niya nang sumunod na gabi sa Crazy Beat, wala ang binata. Nag-quit na pala ito sa banda. Pinilit niyang makakuha ng impormasyon sa mga kaibigan nito kung saan makikita si Steph ngunit tikom ang bibig ng mga ito. Lalo na ang kapatid niya. Natakot siya. Ang sabi niya sa sarili niya: Hanggang dito na lang ba kaming dalawa? Ngunit hindi siya sumuko. Gabi-gabi siyang bumabalik sa bar sa pagbabaka-sakaling naroon ito ngunit parati siyang bigo. Hanggang sa tinigilan na rin niya ang pagpunta.

Moving on? It was so hard for Karly. Lalo pa't sa tuwing nasa bahay siya ay puro alaala ni Steph ang naiisip niya. Every part of her house, she had a beautiful memory of him. Naisip niya na bumalik muna sa mansyon upang huwag masyadong malungkot ngunit ayaw niyang mag-alala ang kanyang mga magulang. She knew they would blame theirselves. Lalo na ang kaniyang ina.

Ano bang nagbago sa buhay niya? Bukod sa naging sobrang busy siya sa work? Nag-iba na rin ang pakikitungo sa kanya ng mga officemates niya magmula nang malaman ng mga ito na pamangkin siya ng may-ari ng Hilda and technically, she was the boss' heiress pagdating sa kompanya. Well, except for Rica. Ang sabi nga ng mga kaibigan niya: Once a 'pitch', always a 'pitch'. Kaya hindi na siya nagtaka. Naging tighter din ang samahan nilang magkakaibigan dahil sa pagka-'brokenhearted' kuno niya. Naging mas maayos din ang samahan nilang mag-ina. Except for one thing: missed na missed pa rin niya si Steph. Marahil, wala silang naging closure kaya hindi pa rin siya matahimik.

Kaya naging mas close pa siya sa pamilya ni Nanay Lucy dahil naging habit na niya na once or twice a month ay dadalaw siya sa pamilya nito. Maybe, unconsciously, sa pagbabaka-sakaling matiyempuhan niya si Steph. But, in the span of six months, ni minsan hindi pa ito dumalaw kina Nanay Lucy. And that confused her more. Ngunit sa tuwina'y sinasabihan siya ni Nanay Lucy na maghintay at huwag susuko. When she asked her why, all that she said was that she truly believes that she and Steph were meant to be together.

Speaking of pamilya ni Nanay Lucy, kailangan na pala uli niyang dumalaw sa mga ito dahil marami siyang pinamiling pasalubong para sa mga ito lalo na kay Breena. Napangiti siya nang maalala si Breena. Nasa aktong pag-iisip siya ng magiging reaksyon ni Breena nang tumunog ang cellphone niya.

"Hello, Karlina, darling. I missed you," bungad na bati ng kanyang ina na ikinangiti niya.

"Hi, 'Ma. I missed you, too,"

"How's the trip?" sasagot na sana siya nang magsalita muli ito. "Mamaya ka na lang pala magkwento sa dinner natin. Be there, Karlina. Okay?"

"It depends 'Ma. Kung simpleng dinner lang ba iyan o bonggang welcome party para sa unica hija ninyo," biro niya.

"Oh you know me, darling! Bawal ang simple para sa unica hija ko," ganti nito.

She nearly groaned. "I knew it."

Natawa ito sa kabilang linya. "Be there, okay? May ipinadala na akong dress sa bahay mo," A protest bubbled in her chest ngunit bago pa siya makahirit ay nagpatuloy na ito. "But, of course, if you don't like it, don't wear it. It's your choice. But, I doubt that you'll never like it. Darling, that dress is so lovely! Bagay na bagay sa'yo, trust me." excited na wika nito.

"Okay 'Ma. I'll decide na lang later. For now, I have to work. 'Bye 'Ma! 'Love you." natatawang sabi niya saka pinutol ang tawag.

She reminded herself to be prepared, just in case. Alam niyang hindi basta-basta ang inihanda ng kanyang ina para sa kanya. With that in mind, she focused on her work.

Popo's Kiss (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon