Part 24

18 1 0
                                    

KARLY felt numb inside. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya kapag nakaharap niya si Steph. Kung sana, tulad nang mga nakaraang araw na bigla na lang itong nawala, hindi siya mahihirapan sa pagtatago ng damdamin. Si Popo lang ang kasama niya at alam niyang maiintindihan siya nito.

But, she was wrong. Pagpasok niya sa kanyang bahay, nakita niyang nakaupo si Steph sa couch sa sala. Tumayo ito nang makita siya. Ngunit wala siyang balak na pansinin ito. Dumiretso siya sa kusina at kumuha ng baso at tubig na maiinom.

"Ang lalaking 'yon—" ani Steph.

"Wala na. Umalis na," putol niya sa sinasabi nito.

"Ano'ng sinabi niya? Humingi siya ng tawad sa'yo?" hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ito. "Pinatawad mo naman siya? Pagkatapos ng ginawa niya sa'yo kanina? Iniwan ka niya sa harap ng maraming tao nang ganoon lang! Sinaktan ka niya!"

Nagpanting ang mga tainga niya. Ang kapal naman nito para sabihin iyon patungkol kay Migo gayong ito nga ang patuloy na nananakit sa kanya. "Ano ba'ng pakialam mo? Ano naman sa'yo kung magkaayos kami? At lalong wala kang pakiaalam kung makipagbalikan man ako sa kanya!" she bluffed.

Mukhang napikon ito sa sinabi niya. Base sa ekspresyon ng mukha nito, tila nais siya nitong yugyugin upang matauhan siya. "Nag-iisip ka ba? Pagkatapos ng ginawa niya sa'yo, makikipagbalikan ka sa kanya? Karly, hindi siya karapat-dapat sa'yo!"

Napikon na rin siya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa baso. "At sino'ng karapat-dapat sa akin? Ikaw?"

Natigilan si Steph sa sinabi niya. Natawa siya nang pagak. Bumuka ang bibig nito ngunit hindi niya ito hinayaang magsalita. "Ang taas din naman ng tingin mo sa sarili mo! Para sabihin ko sa'yo Stephen Cruz, si Migo lang ang nararapat para sa'kin. Why? Because he's perfect for me! He's handsome, nice and a real gentleman. He has a company to run. He's rich and his family is well-known in the society. He can give me everything I want in life! Everything I deserve. Dahil ako ang prinsesa ng mga Laroza. At ikaw, sino ka ba? Isa ka lang drummer ng isang banda. Sumikat ka noon but now it's over. Ni hindi ko alam kung saang lupalop ka ng mundo nanggaling. You can't have a decent place to live in kaya ka nga nakikitira sa'kin di ba? And you can't even have your own car! Dahil sigurado akong mas mataas pa ang sweldo ko sa kinikita mo. Kaya wag na wag mong iisipin na karapat-dapat ka sa'kin dahil kahit kailan, hindi mo mahihigitan si Migo!" she blurted out without even thinking. As soon as the words came out, she regretted them big time. But it was her precious pride talking.

May kung anong emosyon ang dumaan sa mukha ng binata na nanatili lang sa kinatatayuan nito. He was hurt! Sa kaalamang iyon ay nanikip ang dibdib niya. She wanted to run to him and take back all the hurtful words she said. She wanted to comfort him but she strengthened her resolve. Dahil bigla ring nawala ang sakit sa mga mata nito at naging blangko ang mukha nito. Kinabahan siya lalo na nang dahan-dahan itong lumapit sa kanya.

"May nakalimutan ka pang sabihin. Nakalimutan mong ang tingin mo nga lang pala sa 'kin ay isang estupidong kapalit ng alaga mo. Isang asong susunod sa lahat ng gusto mo. Na isang sabi mo lang, mapapaikot mo na ako sa mga kamay mo.," tumigil ito sa harap niya. And tears welled in her eyes when she heard his next words. "Sana naging masaya ka. Dahil naging masaya ako sa mga panahong iyon. Naisip ko, pwede na akong magmahal muli. Na natagpuan ko na ang taong pwede kong pag-alayan ng lahat ng mayroon ako. At tatanggapin niya kung ano at sino ako. Iyong ako lang. Buong-buo..." her heart ached so much hearing these words from him. What did he mean by that? Was it possible that—

Hindi niya napaghandaan nang marahas na hilahin siya nito palapit dito at siilin ng halik sa mga labi. This kiss was different. Not the kiss she liked. Not the kiss she missed. Marahas iyon. Mapagparusa. Ramdam niya ang sakit na nararamdaman nito sa paghalik nito sa kanya. Ngunit nang handa na siyang tugunin nang masuyo at nang-aalong halik ang halik nito ay saka naman parang napasong binitiwan siya nito. "Mukhang nagkamali ako..."

Then he was gone. And now, she was left all alone.

Dumulas ang baso sa mga kamay niya. Kasabay ng pagkabasag niyon ay ang pagkawasak rin ng puso niya. She closed her eyes. And her tears started to fall...

Popo's Kiss (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon