Part 26

21 1 0
                                    

PUMUWESTO si Karly sa bahagi ng bar kung saan kita ang stage nang hindi siya mapapansin. Napagdesisyunan niyang antayin na lamang matapos ang pagtugtog ng banda ni Steph bago niya ito kausapin. Kasalukuyan kasing nasa stage ang mga ito.

Nagtaka siya nang matapos ang isang kanta ay nagsialisan ang mga miyembro ng Frozels maliban kay Steph na iniwan ang drum kit nito. Umupo ito sa stool na nasa gitna ng stage. May bitbit itong acoustic guitar at may mic stand sa harap nito.

"Hey, crazy people. Let's stop being crazy muna. Gusto kong mag-senti, eh. Broken-hearted kasi," biro nito na ikinatawa ng mga tao. Kumabog naman ang dibdib niya.

Brokenhearted ito? Dahil ba sa kanya?

"Tonight, I'll sing a few songs. Nilayasan ako ng banda ko eh. Kaya pagtiyagaan n'yo na lang muna ako ha." Then he flashed his ever charming crooked smile to everyone. Napangiti at nag-cheer ang mga lalaki na mukhang idol pa yata ang binata. Nagtilian naman ang mga babae.

Kinabahan siya. Narinig na niya itong kumanta noon. But not right in front of this crowd. Not when he was being the way he was before. Being a singer, a musician, by heart. Mula nang mamatay si Mandy, ngayon lang uli ito kakanta.

"But before that, I'd like to dedicate this particular song to a very particular girl who has been very special to me. I hope she's listening and she'll like it. Here we go..." he started strumming his guitar as he closed his eyes and felt the music.

She couldn't keep her eyes off his handsome face. Lalo na at tila ba ang lungkot lungkot nito. Then the lyrics of the song struck her hard.

"I remember all my life...raining down as cold as ice...shadows of a man, a face through a window cryin' in the night, the night goes into morning just another day...happy people pass my way...looking in their eyes, I see a memory, I never realized how happy you made me. Oh Mandy well, you came and you gave without taking, but I sent you away. Oh, Mandy well, you kissed me and stopped me from shaking, and I need you today. Oh, Mandy..."

Mandy...

Hanggang ngayon ba ay si Mandy pa rin ang itinitibok ng puso nito? Kahit matagal nang wala sa mundo ang babaeng iyon?

Parang hindi siya makahinga kaya nagmamadali siyang lumabas ng bar. Nasa labas na siya nang may tumawag sa kanya. Nalingunan niya ang isang maliit na babaeng kakaiba ang hairstyle—maikli sa isang side at mahaba naman sa kabila. May highlights na blue pa ang buhok nito at nakasuot ito ng shirt na may print ng cupcake sa gitna, mini skirt at combat boots. Mukha itong high school student na naligaw roon. Ngunit kilala niya ito.

Si Muffin.

Popo's Kiss (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon