Part 16

15 1 0
                                    

ISANG linggo ang matuling lumipas mula nang gabing hinalikan ni Steph si Karly. Isang linggo na ring hindi maintindihan ni Karly ang kanyang mga nararamdaman patungkol sa binata.

Nang gabing hinalikan siya nito, bigla na lang itong umalis. Paglabas niya sa sala nang gabing iyon ay malinis na roon at tanging isang maliit na note ang natagpuan niya sa ibabaw ng couch.

"Lalabas lang ako. Huwag mo na akong hintayin," iyon ang nakasaad sa note.

Hindi rin naman siya makatulog kaya hinintay niyang umuwi si Steph. Ngunit nagising na siya kinaumagahan na nasa couch pa rin ay walang bakas na umuwi nga ito. Hindi niya naiwasan ang mag-alala para rito ngunit sinaway niya ang kanyang sarili.

Ano ba'ng karapatan mo na mag-alala para sa kanya, Karly? Hindi ka naman niya girlfriend, kastigo niya sa sarili.

Master niya ako kaya natural lang na mag-worry ako, pagtatanggol din niya sa kanyang sarili.

Hanggang sa maguluhan siya dahil maging sa kanyang sarili ay nakikipagtalo siya.

Kinagabihan ng araw na iyon ay umuwi rin si Steph sa bahay niya. At parang walang nangyari na bumalik ito sa pagiging pet niya.

If she would just admit it to herself, alam niyang nasaktan siya dahil tila balewala rito ang halik na pinagsaluhan nila. But knowing herself, she would never admit it to him, most especially, show him that she was hurting. Kaya pinilit niyang ibalik sa dati ang pakikitungo niya rito. She was, again, the strict Master. Sana lang ay magtagumpay siya.

Sa araw na iyon ang launching ng bagong wedding dress collection ng Hilda kung saan i-introduce ang mga designs niya. Kaya naman maaga pa lang ay naghahanda na siyang umalis.

Narinig ni Karly ang sunud-sunod na pagbahing ni Steph. Kasalukuyan siyang nasa harap ng kitchen counter at umiinom ng kanyang kape. Mula roon ay kitang-kita niya si Steph na nakaupo sa couch habang nanonood ng balita sa tv. Kanina pa ito bumabahing kaya nag-aalala na siya.

"Are you okay? May sakit ka ba?" concerned na usisa niya rito.

Lumingon ito sa kanya. "Ah wala ito. I'm okay." He smiled to emphasize his point. Na agad ding nawala nang muli itong bumahing.

Nilapitan niya ito saka sinalat ang noo at leeg nito. Medyo mainit nga ito. "Medyo mainit ka. Mag-pa-check-up ka na kaya."

He chuckled as he held her hand. Tumingala ito sa kanya. "Ano ka ba? Okay lang ako. Ang lakas-lakas ko nga eh. See?" Itinaas nito ang magkabilang braso at saka nag-pose sa harap niya. She couldn't help but laugh.

Natatawang inilapat niya ang kanyang palad sa pisngi nito. "Ikaw talaga. Ang yabang-yabang mo." Itinulak niya ang mukha nito na ikinatawa nito nang malakas.

Tinalikuran na niya ito at binitbit ang kanyang bag. "Kung ayaw mong magpa-check up, uminom ka na lang ng gamot. May mga gamot doon sa first aid kit sa banyo, kumuha ka na lang. I have to go."

Nasa may pintuan na siya nang tawagin siya nito. Sumunod pala ito sa kanya at huminto sa harap niya. "Karly."

"Hmm?"

"Thank you." Then he smiled sheepishly. Parang gusto niyang matawa sa hitsura nito ngunit nagpigil siya. Sa halip ay pabirong inirapan niya ito at akmang lalabas na nang matigilan siya sa ginawa nito.

He hugged her from behind at inilapit ang bibig sa tainga niya. "Good luck sa event ninyo and congrats na rin. At...mag-iingat ka." Iyon lang at binitiwan na siya nito at saka bumalik sa sala.

Hindi na siya nag-abalang lingunin pa ito. Her heart was beating wildly inside her chest. And it was beginning to scare her.

Posible bang nagkakagusto na siya sa alaga niya?

No! That couldn't be happening!

Popo's Kiss (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon