18

666 30 9
                                    




"Bes.. ubos na tissue ko..  bakit kaba umiiyak?" Galit na sabi ni Mace sakin . Habang dinadampot ang mga tissue na siningahan ko.


Tangina kasing Elmo yan.. di ko din alam bakit ako umiiyak. Para kaming nag break na ewan.




"Haay.. alam mo mag bar nalang tayo..  Para naman mawala kahit papaano yang ka dramahan mo." Pinag ayos na ako ni Mace kahit tinatamad ako ay ginawa ko pa din.



"Julie..." kinalabit agad ako ni Lance. Andito din siya? Bigla nanamang kumabog ang dibdib ko.  Ano bang nangyayare? "Ayos ka na ba? " pag aalala niyang tanong niya. Nakasalubong ko kasi siya ng pagkatapos ng pag uusap namin ni Elmo.





"Oo.. salamat nga pala sa panyo.  Ibabalik ko nalang sayo bukas.." tumango lamang siya at ngumiti. Nailang ako sa ngiti niya.



"Tara babe.." hinila na ako ni Mace at inilayo niya ako kay Lance.



"Alam mo, wag kana munang lumandi.. Mag party party muna tayo. Tutal parehas naman tayong single.." masayang pahayag ni Mace at sumayaw pa sa gitna ng dance floor.




Siraulo talaga ito. Iwan daw ba naman ako? Badtrip. Uminom nalang ako ng mga pang girls drinks nila . Ayokong mag lasing paniguradong mag papaka wasted nanaman itong butihing kaibigan ko.







"Nasan si Mace?" biglang tabi sakin ni Lance at umorder ng kanyang drinks. Ngumuso lamang ako sa dance floor.


Agad naman niya iyong na gets kaya . Umiling nalang siya at tumawa ng mahina. Bigla naman kumabog ang dibdib ko dahil sa pag tawa niya .





"Bakit ka nga pala umiiyak nung makasalubong kita?" tanong niya matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa.





"Private.. " umiling pa ako. Tumango lamang siya at uminom ulit sa kanyang inumin.



"minsan kaylangan mong sabihin ang nag papabigat sayo.. Kasi minsan nakakagaan ng nararamdanan iyon. Pero kung talagang private . Okay lang.. Siguro kaya mo naman sulusyonan.." sabi niya ng may panibagong katahimukan ang bumalot samin.



"Alam mo.. Andami mong alam.. Uminom ka nalang.. Wag mo na akong pansinin kasi di talaga ako mag s-share .." natatawang sabi ko at uminon ulit ng drink ko.






Lumingon ulit ako sa dance floor at nakita ko si Mace na may kasayaw na matangkad na lalaki. Natawa naman ako ng kumindat pa siya sakin at sinabayan ang indak nung lalaki.








"Excuse me... " tumayo ako ng makita ko si James na akay akay si Elmo . Anong nangyari dun?





"Saan ka pupunta?" lumingon ako kay Lance na tumayo din.




"Dyan lang.. " sabi ko at iniwan ko na siya . Sinundan ko si James na hirap na hirap makadaan sa makapal na tao. Miski ako naman ay hirap din makalabas.









Nang makalabas na ako ay nawala sila sa paningin ko. Hinanap ko sila . Pati ba naman dito hirap paring hanapin dami kasing tao pati narin ibang Marlboro  girls.







"Nasan na ang mga yun?" hinanap ko sila . Nakita ko si James na kasama na si Nadine habang si James at akay parin si Elmo.





Nakita kong may lumapit kay Elmo na babae. Kumunot ang noo ni James pero napatingin ako sa pag bitaw ni Elmo at lumapit sa babae.













Parang dinurog ang puso ko ng halikan siya ni Elmo katulad ng pag halik niya sa akin. Tangina ganto pala kasakit . Bwiset na puso 'to ano ba ..










Nanlaki ang mata ni James ng makita ako. Tatakbo na sana ako palayo ng bigla akong hinila ni Lance at niyakap niya ako.







Fuck it.. Ngayon lang ako umiyak ng dahil sa lalaki. Simula ng umalis si Papa. At ngayon tangina si Elmo na ang nag paiyak sakin.








"Andito lang ako Juls... " sinuklian ko ang yakap niya. Kahit ngayon lang  kaylangan ko ng masasandalan. "Iiyak mo pa Juls.. "








Inilayo niya ako sa lugar na iyon at nag drive lang siya. Nakarating kami sa di mataong lugar at meron doong nag iisang bench at puno kung saan  nakatirik.











"Safe heaven ko ito.. Kaya iiwan muna kita .. Baka gusto mong mag isip isip or mapag isa." sabi niya matapos niya akong iupo sa upuan at tumalikod na siya.












"Salamat Lance.." sabi ko ng tumalikod na siya ng tuluyan.












•••••••••
















"Salamat sa paghatid sakin Lance.. Ingat ka pauwi." ngumiti siya at tumango lamang sakin at kumaway.












Pag pasok ko sa loob ay andoon si Mace at nakaupo habang nag kakape. Lumingon siya sakin at seryoso lamang ang kanyang muka.










"So Lance's the new guy?" umirap lang ako at umupo sa katabi niyang bangko.








"Manahimik ka.. Wala akong gana para dyan.. " lumingon siya sakin at umiling.







"lumapit sakin si James at tinanong kung saan ka pumunta. And sabi ko umalis ka kasama si Lance. At antaray ng lolo mo nag walkout .." napatingin na ako sa kanya at umiling.





"Mag papahinga na ako..."











Naglinis na ako ng katawan. Pag katapos ay naka tanggap ako ng text galing kay James.








James:

Please Julie... Pwedeng mag usap kayo ni Elmo ... Kasi ngayon nalang ulit siya nag paka gago ng ganto. Alam kong wala ako sa lugar para mag salita. Pero please lang..







And di ko na sinabi kay Elmo na kasama mo si Lance baka mag pakamatay na ang kaibigan ko.







Lalong gumulo ang utak at puso ko. Sabi ng isip ko si Lance ang tipo ng lalaki na hindi ako sasaktan. Ang lalaki na kaya akong mahalin ng buo.





At sabi naman ng puso ko si Elmo.. Kahit patayin niya ng paulit ulit kaya niya parin itong ayusin. At kaya niya pa ring buhayin.








"Ang gulo...." gusto kong sundin ang isip ko pero salungat ang puso ko. Di sila nag kakasundo.











To be Continued.....

Playing Games, Breaking HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon