41

713 39 6
                                    




"Anak, namiss kita.." agad akong sinalubong ng yakap ni Mommy ng makita niya ako. Tumingin siya kay Lance na may halong pag tataka.





"Ah, Mommy si Lance uhm.. An--"




"Lance De Leon  po Julie's boyfriend." napatingin ako kay Lance ng banggitin niya iyon. Di siya tumitingin sa akin at naka pokus lamang angbkanyang tingin kay Mommy.







"Nice meeting you Ma'am.." nag lahad siya ng kamay kay Mommy agad naman iyong tinggap ni Mommy.





"Halika na at nag handa ang daddy mo ng pag kain. At nag aantay din ang kapatid mo."  nawala ang atensyon ko kay Lance ng sabihin iyon ni Mommy sa akin.









Di siya tumingin sa akin at yumuko lamang . Tangina sinasabi ko na nga ba kaya akong umuwi dito sa bansang 'to walang katahimikan.









"Private lunch ang gagawin namin Lance kaya umalis ka na.."naasar kong sabi . Dahil sa mga nangyayari ngayon . Tumingin si Lance sa akin at tumango nalang , konting diin nalang sa gatilyo ko kusa na akong puputok .









After 5 years nakabalik na din ako dito sa lugar na ito. Pagkatapos ng limang taon tumapak ulit ako sa bahay ko.





Nilibot ko ang paningin ko nakita ko agad si Daddy na nakatayo sa double door na pintuan namin habang nakapamulsa.







Tinitigan ko lamang siya habang nakangiti siya sa akin . Di ko sinuklian ang kanyang mga ngiti kaya kusa na itong nawala.










Mag katapat na kami ng lumabas ang bangungot ng buhay ko. Gusto kong magalit at sabunutan siya pero para saan pa?




Ngumiti siya ng malademonyo sa akin . Ayokong may lumandas na kahit anong luha sa aking mga mata. Ayokong kaawaan at mag mukang mahina. Kaya tinaasan ko siya ng kilay at tumingin sa mata niya.








"What are you doing here?" kumapit lamang siya sa braso ni Daddy na ngayon ay nag aalangan kung mag sasalita ba o hindi.







"Anak, magkapatid kayo.." sagot ni Mommy na nasa likod ko. Bumilis ang tibok ng puso ko ng sabihin iyon ni Mommy.







"Nag lolokohan ba tayo?" sigaw ko sa kanila "Ano yan lang ba ang gagawin natin dito? Ang mag labas kayo ng mga sinikreto niyo sa akin? Ano ilabas niyo na parang isang bagsakan lang at ng makabalik na ako sa state."sigaw ko ulit lumapit si Mommy at hinawakan ang balikat ko pero agad ko itong kinalas.








"Tanggapin mo nalang na mag kapatid tayo." singit naman ni Jane na hanggang ngayon ay nasa tabi ni Daddy.








"Tanggapin? Mag kamatayan na pero di ko tatanggapin na kapatid kita. " sigaw ko at agad akong pumasok at nilagpasan ko silang lahat.







Dumiretso ako sa kwarto ko . Halatang alaga pa ito at walang binago. Naupo nalang ako sa kama habang bumabalik ang memorya ng nakaraan.








Agad ko kinuha ang telepono ko ng maalala ko ang anak ko. Pero agad ko din itong ibinaba ng maalala kong tulog pa ang mga iyon.









Nag iwan nalang ako ng mensahe kay Mace na tawagan ako kung sa kaling hanapin ako ng kambal.









Hiniga ko ang sarili ko sa kama at natulog na . Pagod na pagod na ako isip , katawan pati emosyon ko pagod na .










~•~•~•~•~








Ilang linggo na akong andito pero wala parin akong mahanap na trabaho. Ayokong tanggapin ang alok ni Daddy miski ni Lance na hanggang ngayon ay kinaiinisan ko pa din.








"Hi babies , miss ko na kayo.." kaway ko sa mga anak ko na ngayon ay nakasimangot."Hey, you two don't frown ang pangit niyo na.." biro ko pa na hindi tumalab agad naman na sumingit si Mace.








"Namimiss kana kasi nila Julie. Lalong lalo na itong si Ema na gusto pa akong pakantahin ng Let it go.. Eh di naman kagandan ang boses ko.. Mag sisimula palang ako nagagalit na si Kuya Jan-Jan.. " napahagikgik naman si Ema na ikinangiti ko . Habang lalo namang sumimangot si Jan-Jan sa kwento ni Mace.







"Baby , pwede ba kaming mag talk ni kuya in private?" agad namang tumango si Ema at dumila pa ito sa kuya niya . Agad naman siyang binuhat ni Mace dahil alam niyang pikon si Jan-Jan sa asaran.









"What's wrong? Bakit ka nakasimangot?" tinignan ko lamang siya na nakayuko "Kuya.."




Tumingin siya sa akin na may kalingkutan ang mata Huling beses kong nakita ang pares na ganyan ay limang taon na ang lumipas.











"I missed you Mommy, I can't sleep at night tapos Ema will always cry kasi namimiss ka na niya." napatingi ako ng habang tinitignan ko lamang siya.







"Just Hug her kuya . The bearhug one. At hihinto na siya don't worry uuwi na si Mommy okay?" agad naman tumango si Jan-Jan na halatang may gusto pa siyang itanong.










"Mommy.." sabi ko na nga ba di niya matitiis iyon at sasabihin niya rin ito sa akin. "Who's Elmo.?" napahinto ang buong sistema ko ng marinig ko ang tanong ng aking anak.











"And i found a ring sa cabinet ko at naka crave doon is Julie And Elmo.." paano ko ipapaliwanag na yun ang daddy niya na si Elmo ang daddy niya.











"And sino po ba ang Daddy namin?" lalong wala akong maisagot kay Jan-Jan  na ngayon ay titig na titig sa akin.









"Julie.. Sinong kausap mo dyan.."





Huli na ang lahat ng maibaba at maisara ko ang tawag di ko alam kung sino ang uunahin kong tignan.







"Mommy who is she.?"





Shit , shit, shit this life..








To be Continued.


An: Happy JuliElmo Day guys 🎉🎉 SIX na ang JuliElmo 😂🔪🙊

I'm glad na marami paring Faneys na nag aabang ng biyaya. And i hoped na mag kita kita tayong lahat sa finals .





JuliElmo SIXcredibleYears makisama po tayo sa pag papatrend ng ibang Faneys.



JuliElmo BirthdaySIX
JuliElmo SIXnaKayo

Ayan talaga ang mga unang trip na Hashtag kaso baka mag soco si Ate girl at mapag sabihan tayo 🎉🙌😂

2012-2014 👌
2014-2016 👌

Tatlong taon na sagana at tatlong taon na nganga para sa atin 😂👋✌


👌+👌 = SIX . SIX YEARS NA TAYONG TIGANG CHAROT.


OKAY BYE HUMAHABA NA ANG DALDAL KO.

JuliElmo SIXcredibleYears 🎉🎉🎊👍💗💗💗😍

Playing Games, Breaking HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon