46

679 41 16
                                    




"James." pag kauwi ko galing mall ay agad akong dumiretso sa condo at agad  kong tinawagan si James.




"Ano nanaman?" bwiset ang tono na bumungad sa akin. "Marami pa akong gagawin ano bang kaylangan mo ?"







"Yung info. na patungkol kay Julie gusto kong makuha .. Baka bukas dumalaw ako sa opisina mo.."





"..." walang sumasagot kay tinignan ko kung binabaan ako ng ugok kong kaibigan. Itinapat ko ulit sa aking tenga at rinig ko ang bulong niya. "isang linggo naman ang leave niya.. kaya pwedeng dumalaw .." kumunot ang noo ko sa mga pinag sasabi ni James.







"Hoy. Ugok ano? Pupunta ako bukas. Tsaka may ikukwento ako sa iyo. Kaya mag tatagal ako. Para sabay na tayong pumunta sa building ni Daddy para sa meeting ."








"Oo na.. Bukas mag text ka nalang bye." agad binaba ni ugok ang tawag kaya na iling nalang ako sa asar.










"Sir, andito po si Ma'am Alice.." tawag ng aking sekretarya sa intercom . Ano naman ginagawa ng ate ko dito? Alam ko paalis na siya at ngayon ang flight niya papuntang Europe .






"Sige .. Papasukin mo.." hinilot ko ang batok habang pinasadahan ko ng tingin mga papeles na nasa harap ko. Napatingin nalang ako ng pumasok si Ate pinto.










"I thought ngayon ang alis mo? Anong oras na." tumingin siya sa akin at naupo sa sofa sa opisina ko.











"Maaga pa! And dumaan na din ako sa building ni Daddy para mag paalam . And sayo.. I just want to give you something." nakatingin lamang siya sa aking mata at may kinuhang brown envelope si Ate sa kanyang bag. Kumunot ang noo ko ng ilapag niya na ito sa aking lamesa at umakmang lalabas na.











"Ano 'to?" humarap siya na masama ang Aurang makikita mo dito.







"Pwede bang tigilan mo na ang kabaliwan mo kay Julie? At tantanan mo na ang pag papahanap ng impormasyon sa kanya? Siguro enough na yang nasa loob niyan." iritang sabi niya at binuksan na ang pinto ng opisina ko. "Aalis na ako.. Sana naman pag balik ko hindi kana nag papakatanga sa isang babaeng walang kwenta?!" tanging sabi niya at pabagsak ang pag kakasara ng pintuan.










Kinabahan ako ng mapatingin ako sa envelope na ibinigay ni Ate. Pero di ko ito pinansin at agad kong binuksan iba't- ibang litrato iyon ni Julie at Lance na may bitbit na baby.









Nasa ibang bansa iyon. Puro sila nakatawa at masaya . Tangina ibig sabihin totoo?  Naikakasal na sila na may anak na sila?






Tangina . Ako nanaman ang talo dito? Tangina kelan ako sasaya katulad ng mga ngiti at tawa ni Julie sa mga litrato na ito.












Ansakit. sobrang sakit.. Bakit ko pa nga ba siya inaantay kung siya nagiging masaya na samantalang ako nilalalamon ng konsensya ko sa pag kawala ng anak ko. Tapos sila masayang pamilya may anak?








•~•~•~•~•~













Kinabukasan ay nag punta na ako sa opisina ni James at agad akong dumiretso sa floor ng opisina niya. Napatingin ako sa table ng sekretarya niya at walang nakaupo doon.








Napailing nalang ako at binuksan ang pinto ng opisina ni James na ngayon ay tutok sa monitor ng computer niya.








Nawala saglit ang tingin niya ng makita ako at bumalik naman agad. "Kaylangan mo? Busy ako sa pag gawa ng presentation ko para kay Tito." sinamaan ko lang siya ng tingin at binagsak ang envelope na binigay ni ate sa akin kahapon.








Nawala ang kanyang tingin ulit sa monitor at binaling ang tingin sa inilapag kong envelope. Pag katapos ay tumingin siya sa akin na nag tataka.







Naupo ako sa bangko na nasa harap ng table niya at tinignan ko nalamang siya.







"Ano 'to?" di ako sumagot at tinignan ko lamang siya , kumunot ang noo niya at agad naman niyang binuksan ang envelope. "Saan mo nakuha 'to?"










"Bakit wala ang mga ganyan sa info. Na ibinigay mo? Bakit puro nung nag tatrabaho na siya?"di sumagot si James at niluwagan angnpag kakaayos ng kanyang neck-tie .









"Pare ano kasi... " huminga muna siya ng malalim at tumingin sa akin "Pare ang komplikado kasi..." pinipigilan ko ang galit ko na sumabog . Nahampas ko nalang ang lamesa niya.







"Tangina James .. Kaibigan kita tapos tinago mo sa akin ang ibang impormasyon ? Ano ? Nag lolokohan nalang ba tayo dito?"







"Pare, kung alam mo lang .. Wag kang maniwala sa mga litrato na yan.. " aniya






"Tangina James wag maniwala? Kingina may pamilya na siya.." sigaw ko . Napahawak si James sa kanyang batok at hinilot ito.








"Wala akong karapatang mag salita.. Wala ako sa pusisyon.."




Kinuwelyuhan ko na siya kaya napatayo siya . Tanging seryoso at di papatol ang aura ni James kaya itinulak ko nalang siya.









"Tangina pare alam mo ba.? May nakita ako sa batang lalaki. Ang gaan ng loob ko sa kanya pare alam mo yan na kahit sa anak mo di ko magawang kausapin o hawakan. Pero tangina yung batang lalaki na nakita ko ambilis niya akong napaamo. Tapos habang inaayos niya ang sintas ng sapatos niya lumitaw ang kwintas niya.. Tangina pare naka pendant doon ang singsing ma binigay ko kay Julie noon." napaupo na ako habang nag kukwento sa kaibigan ko.















"Tinanong ko siya kung saan nanggaling yun . Pag hawak ko palang sa braso niyo parang ramdam ko na agad ang pangungulila ko . ..." yumuko ako at naalala ko nanaman ang nangyari ng araw na iyon.









"A-Anong... s-sinagot s-sayo..?" ngumiti ako sa kanya at umiling .










"He kick my balls pare.." natawa ako at natawa na rin ang kaibigan ko. "Tapos iniwan niya na ako . Sumakit nanaman ang puso ko nung iniwan ako ng bata.." umiling nalang ako .








Naputol ang pag kukwento ko ng tumunog ang tetepono ni James. Agad niya itong sinagot habang nakatingin sa akin na namumutla.










"Ano.? Nasaan ka na? Wag na diba next week pa pasok mo?... Ano di ko naman kaylangan ngayon.. Huh.? Ano papasok ka-- hello? Hello?" kumunot ang noo ko ng makitang natataranta ang kaibigan ko. Huh.? Paniguradong pupunta si Nadine kaya kinakabahan ang loko.













"Elmo pwedeng uma--"








"James anong ga--"









Totoo ba 'to?





To be continued.

Playing Games, Breaking HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon