Epilogue

616 15 0
                                    


"Daddy napaka OA mo.." sigaw ko kay Daddy ng sunduin niya ako sa school.

"Emily Marie Annie.." nanlaki ang mata ko ng banggitin ni Daddy ang buong pangalan ko kaya napayuko nalang ako. Ang daya talaga.


"Parang Condo lang.. Bakit si Kuya meron na ako wala? Tapos binilan pa siya ni Lolo ng kotse.. Take note yung bagong unit ng Monterosport .. Ang daya.."  maktol ko kay Daddy.. Paano 3rd year college na ako hatid sundo parin ako pero siya kuya Jan pinalipat na ni Daddy sa bago niyang condo.

"Paano kita bibigyan ng Condo unit kung ang baba ng grades mo? And paano ka bibigyan ng lolo mo ng kotse kung isang beses ay pinagamit ka ng Mercedes Benz eh pinang Fast and the furious mo?" humalukipkip nalang ako at sumimangot.


"Kung gusto mong makuha ang mga gusto mo.. Susundin mo ang kasunduan natin.." I saw his evil grin kaya nanlaki ang mata ko.


"No way.." singhal ko kay Daddy.. Ano ipapatapon niya ako sa Mansyon ni Lolo sa CDO ? Tapos makakasama ko nanaman yung anak ni Mang Kanor na si Miguel? Well pogi with matching shining abs .. Pero ayoko napaka suplado at sobrang sakit mag salita at manglait. Sabihan ba naman akong pangit nakuuuu.. Pag naaalala ko talaga yun kumukulo ang dugo ko.



"Okay.. Madali naman akong kausap.. Dito ka wag kang lalabas ng bahay . At susunduin ko si Elly pauwi na ang mommy mo." padabog akong umakyat sa kwarto ko. See? Kaya ayoko dito nakakasakal na.. 3rd year college na ako pero trato nila sa akin parang high school kaasar.


Haay, gusto kong mag over night sa condo ni Kuya I'm sure andun si Blue my love. Matagal ko na siyang gusto pero si Kuya Jan epal. Pag napunta ako doon hinaharangan niya agad yung pag uusap namin ni Blue.


Hay.. Kelan kaya ako magiging malaya..




---





"Pare, tara na tapusin na natin yung thesis natin para di na tayo masyadong magahol." tumango lang ako at agad na pinatunog ang kotse ko. Nasa likod ko si Blue , Carl , Mico , Thunder at Lightning kambal wag na kayong mag tanong. Barkada kami simula 1st year college.

"Si Blue atat maka punta sa condo ni Jan para makita si Ema.. Ayieere.." tinignan ko ng masama si Thunder. Siya ang Joker sa grupo at si Lightning at ako ang seryoso habang si Blue at Carl ay medyo napapagitnaan ng seryoso at maloko habang si Mico at Thunder ay tandem sa katarantaduhan.

"Siraulo.. Parang kapatid lang din ang turing ko kay Ema . Gusto ko lang talaga matapos na ang thesis para mahaba ang oras natin kung Sakhalin paulanan ng redmark ng mga prof natin ang gawa natin."

"Yeah right.." natatawang sabi naman ni Carl.

"John Allen Nico Magalonaaaaaaaa.." holy shit.. Natataranta akong tumakbo papasok ng driver side pero huli na ang lahat dahil nakayakap na sakin ang bunsong anak ni Ninong James na si Princess Era .. Fuck it..

"Era.. Ano kasi aalis na kami .." mapapagalitan ako ni Ninong kung sakaling paiyakin ko ito. At masasapok ako ni Ema pag pinaiyak ko ito kasi bestfriend daw sila.


"Pwedeng sumabay?" God help me matagal na akong nag pipigil ng nararamdam sa batang ito. Bata pa ito kahit na I like her di pwede kasi huhusgahan ako siya pati narin ang relasyon namin. Fuck it ano ba iniisip mo Jan? Mapapatay ka ng daddy mo sa iniisip mo.


"Ano.. Sa kuya mo nalang ikaw sumabay kasi.. Ano.. May gaga--"

Napatingin ako ng yumuko siya sa harap ko at kinurot kurot ang mga daliri niya. "Nauna na si kuya kasi may date pa siya.. S-Sige.. m-mag t-taxi nalang a-ako.." tumalikod na siya napabuntong hininga nalang ako at hinila ang siko niya. Napaharap siya sa akin at namumula na ang pisngi at ilong sa pag iyak. Damn it.

Niyakap ko siya ng mahigpit.. Fuck it bahala na kung sino ang humusga..






---



"Daddy, bakit ang tagal niyo." sabi ko kay Daddy ng makapasok na ako sa kotse. Inayos ko ang glasses ko . Oh I forgot! Ako nga pala ang pinakamagandang anak ni Daddy Elmo at Mommy Julie Elly Mae Magalona.. Shhh lang kayo kasi baka magalit si Ate Ema na ako ang pinakamagandang anak.


"El, sinundo ko pa kasi ang ate mo.." nanlaki ang mata ko .


"Akala ko po ba na kay lolo na siya sa CDO iuuwi? Daddy magiging OA nanaman ang pananamit at ayos ko. Si Kuya Jan nalang sa bahay.." minsan lang kami mag kasundo ni Ate Ema kasi naman lagi nalang siya iritable sa ayos ko. Anong masama sa maluwag na T-shirt at tokong na short? Si kuya nga agree siya ayaw niya. Tapos pag nasa bahay lagi niya akong nilalagyan ng make up . Tapos nagagalit siya pag ayaw ko eh sa nangagati yung muka ko.




"Lumayo ka nalang sa linya ng ate mo alam mo naman 'yun mana sa mommy mo stubborn and hard headed.."

"Lagot ka kay Mommy pag narinig niya iyang sinasabi mo." natatawa kong sabi . Umiling nalang si Daddy at natawa nalang din.

Pag karating namin sa bahay ay napakatahimik. Kaya dumiretso na ako hanggang sala ng makita ko si Ate na abala sa phone niya. Dahan dahan akong pumunta sa kusina ng mag salita siya.

"Hi, El.. Miss me?" ngumisi ng nakakaloko si Ate patay naloko na simula na ng delubyo ng buhay ko.




"El.. " nqpatingin ako sa bukana ng kusina at andun si Mommy na may bitbit cookies . Di ko na tinignan si Ate at tinulungan si Mommy. "Kamusta ang school..?" napabuntong hininga nalang ako as usual na bully nanaman ako dahil sa ayos ko. Ayaw kong sabihin ito kila Daddy or Kay kuya at ate kasi paniguradong susugod sila sa school with matching dramatic entrance.


"Anak kasi ayusin mo na ang sarili mo. Kaya din kayo mag kasundo ng ate mo kasi sa kilos mo."


"Mommy, dito ako komportable tsaka ayoko naman pong ipilit ang sarili ko para tanggapin ako ng tao ayokong baguhin ang sarili ko para sa kanila. Di ba nga kung saan ako masaya dun kayo?"



"Masaya ka nga ba?" napayuko nalang ako . Masaya nga ba ako? "Anak, simula nung iniw-"

"Mommy mag papalit na ako tsaka mag papahinga na ako. Pagod na po kasi ako.." ngumiti lang ng pilit si Mommy at tumango.





Bago ako makapasok sa kwarto ko kay lumabas naman si Ate Ema sa kwarto niya.
"Moved On na baby girl.. Ayokong nakikita kang nahihirapan ng ganyan." tumingin lang ako sa kanya at pumasok na sa kwarto ko at nag kulong.


~~~~~

A/n: May isa pa  siya kaya kalma lang okay? Inuna ko muna yung POV ng mga anak nila tapos yung next POV nalang ni Julie.

Thanks sa suporta mula sa simula hanggang sa matapos ko na siya sinuportahan niyo pa din ako. Sorry kung natagalan. Ang hirap kasi tapusin kaya natagalan ako.

I Love you guys thanks sa inyo.. ❤❤❤😘

Hanggang sa MULI?! 😂🙊😮👊✋✌

Playing Games, Breaking HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon