67

809 29 18
                                    

Alice's POV




"Tita Alice.." nagising ako ng may yumugyog sa aking balikat . At agad na pabangon ng makita ko ang anak na babae ng kapatid ko.






"May monster po ba sa dream mo? Kasi narinig po kita na nag scream tapos tinatawag mo po ako.." nakayukong sabi niya sa akin. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit.. "Are you okay tita.?" hinalikan ko nalang ang noo niya habang yakap ko siya ng mahigpit . Mabuti nalang at panaginip lang ang lahat.. Inilayo ko siya sa akin at ngumiti. "bakit ka po umiiyak.. Galit po ikaw sa akin?" umiling ako at niyakap ko ulit siya.


"Masaya lang si Tita.." 


"Ema .. Anak.." napasilip si Elmo sa kwarto ko at nakita ko ang pag laki ng mata niya.



"Go, hinahanap kana ng Daddy mo.. " ngumiti ako sa kanya gumaan ang pakiramdam ko ng ngumiti siya sa akin. At humalik sa aking pisngi.

"Bye bye Tita.." ngumiti ako at kumaway.. Nakatingin ako kay Elmo ng may ibinulong siya sa kanyang anak at ngumiti . Agad naman umalis pumasok si Elmo sa aking kwarto at naupo sa gilid ng kama ko.


"Ate-"


"I'm sorry.. sa mga sinabi ko .. Gusto ko lang sabihin na ... " di ko alam kung paano sasabihin sa kapatid ko ang tungkol kay Luke.. Natatakot ako para sa pamilya niya pero mas natatakot ako sa kayang gawin ni Luke.

"Elmo, baliw man kung pakikinggan ... pero nasa panganib ang buhay nila Julie.. Di ko alam kung kelan .. Kaya gusto kong palipasin niyo muna ang buwan na ito.. Sige na.." nilakasan ko na ang loob ko para masabi lahat iyon kay Elmo.



"Ate naman... Pwede ba.."

"Hindi.. Makinig ka.. Si Luke Mendez? Di ko alam ang atraso ni Julie sa kanya .. Maghihiganti siya Elmo kaya parang awa-"


"Ano nanaman ate? Plano niyo? Tama na ate.. Tama na.. Ito na ang huling pag uusap natin tungkol sa walang kwentang bagay.." napayuko nalang ako ng padabog niyang ibinagsak ang pintuan ng kwarto ko.


Napatingin ako sa telepono ko ng tumunog ito at unregistered na number ang tumatawag. Inabot ko ito at tinitigan.. Alam kong siya 'to ..



"Mag paalam ka na Alice.." nabitawan ko ang telepono ko ng marinig ko ang tinig niya.



******


Julie's POV

"Julie.." napatingin ako sa aking likod ng may tumawag sa aking pangalan. Napayuko nalang ako ng makita ko si Ate Alice iyon. "Aalis ka ba ngayong araw?" napatingin ako sa kanyang itinanong.

"Uhmm.. A-Ano.. Mag susukat ng g-gown pa-para sa ka-kasal.." mahinang sabi ko .. Napatingin ako sa kanya ng mapansin kong kumunot ang kanyang noo at namutla siya.

"C-Can you.. Can you just call ... yung designer mo na dito nalang sa bahay instead sa kung saan.." nabigla ako sa sinabi ni Ate Alice.

"Hi Tita.. Look.." napatingin siya kay Ema ngunit na nanatili ang tingin ko sa kanya. "Ang ganda po ng dress ko diba?" napatingin na ako sa aking anak na umikot pa sa harap ng ate ni Elmo . Ngumiti siya sa anak ko at tumango.



"Ayan Miss Julie.. ang ganda.. " sabi ng designer ng aking suot na gown sinabi ko kasi na wag na masyadong gandahan kahit simple lang ayos na di naman mahalaga yung susuotin ko ang mahalaga ay ang makasal ako kay Elmo at makasama ko siya habang buhay.


Kinabukasan ay makikipag kita kami ni Elmo sa mag catering ng pag kain . Mas gusto kasi namin na all Filipino foods ang ihahanda. Sumangayon naman sila Mommy at Daddy ganoon din ang Daddy ni Elmo.

Naging abala na kami sa mga sumunod na araw inasikaso namin ang list ng mga guest pati nadin yung mga Abay.

"Julie.." napahinto ako sa pag luluto ng pancake ng mga bata . Ngayon araw kasi ay di na kami pwedeng mag kita ni Elmo.


"Bakit po?" pinatay ko muna ang kalan at hinarap ulit ang ate ni Elmo.

"I'm sorry for everything.. And congrats .." mahinang sabi niya pero sapat na iyon para marinig ko.




"Salamat po.." ngumiti siya sa akin at nilapitan ako . Niyakap niya ako sa sobrang gulat ko ay di ko magawang suklian ang yakap niya.



"Wag ka nang mailang .. Call me ate.." tumango nalang ako at ngumiti . Time heals everything..




Kakatapos ko lang patulugin ang kambal ng mag text si Elmo .

Elmo:

I miss you !! 😢😬

Me:

Makikita mo na ako bukas. 😊

Elmo:

Sino ba kasi ang nag pauso ng bawal magkita bago ang kasal . 😬😠


Me:

Sumunod nalang tayo . Wag kanang mag inarte dyan Mr. Magalona 😂😝

Elmo:

Fine. Mrs. Magalona 😘💜


Napailing nalang ako sa kalandian ni Elmo. Dalawang araw na simula ng ibawal na mag kita kami.


And tomorrow is the big day for the both of us.


To be Continued.

AN: Tatapusin ko nalang po ang kwento na 'to at di na ako ulit ako gagawa ng story ng JuliElmo.

Dalawang bagay lang ang sasabihin ko SORRY and THANK YOU.

Sorry kasi nag promise ako na di ako bibitaw . Sorry nag paka talkshit ako. Sorry kung iiwan ko din kayo sa ere katulad nila. Sorry talaga!

And Thank you kasi sinuportahan niyo ang ginawa kong story kahit na di naman kagalingan. Thank you sa lahat lahat..



I love you guys ❤❤ and goodbye. ❤

Playing Games, Breaking HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon