23

732 32 9
                                    






"Elmo , Birthday ni Mike ngayon same same lang... Ano call?" sabi sa akin ni James habang nasa locker room kami.





Kinuha ko ang bola at inayos ang Jersey Short ko pinag iisipan ko pa kung sasama ako. Kasi gusto kong pumasyal kasama si Julie ngayon.





"Ano.? Call? Sabihin mo na kung sasama ka .." tanong niya habang palabas na kami ng locker room. Biglang nag ring ang phone na nasa gym bag ko. Kinalkal ko ito at nakita ko ang phone ni Julie.





Oo nga pala nakalimutan niya ito pinatago niya kasi habang nag lulunch kami. Nakalimutan niya kunin sa akin.






Pag silip ko kumulo bigla ang dugo ko.. Tangina bakit tumatawag ang hayup na 'to sa cellphone ni Julie?




Lance Calling.......



Sagutin ko ba o Hindi? Shit nakakapang init talaga ng dugo..




"Uy.. " tumingin sa sa cellphone at nakita kung sino ang tumatawag ay nanlaki ang mata at tumingin sa akin. "Fuck.. Pare my HD kayo ni De Leon? Kaya siguro ayaw ni Julie sayo.. Tsaka pare dapat sinabi mo sa akin ang kala--" binatukan ko siya kaya naman naputol kung ano man ang sasabihin niya .






Nakakairita kasi.. Tinignan niya ako ng masama "Bagay talaga kayo ni Julie parehas kayong sadista.." sabi niya at iniwan na ako. Nag ring ulit kaya sinagot ko na.




"Elmo..." nag bago ang aura ko ng marinig ko ang boses ni Julie. Pero teka number ni Lance ang gamit so therefore mag kasama sila? Tumataas nanaman ang BP ko.  "Uy, yung phone ko nasa iyo.. Nakalimutan kong kunin kanina na--"





"Sinong kasama mo?" bobo ka talaga Elmo malamang Yung hinayupak na lalaki ang kasama niya.



"Si Lance.. Ano kasi .. Nakasalubong ko siya ta--"






"Nasan ka? Pupuntahan kita.. " putol ko sa sasabihin niya pa.







"Sa building ng Engineer.. " sabi niya pinatay ko na ang tawag at tumakbo papunta kung nasaan siya.



Wala na akong pake kung pagalitan ako dahil malalate ako sa practice namin. Kaylangan kong puntahan si Julie.







Malayo palang kita ko na silang dalawa kinakausap siya ni Lance habang tawa siya ng tawa. Fuck it minsan lang siya tumawa ng ganyan sakin.




Kinurot ang dibdib ko ng bigla siyang hawakan ni Lance sa bewang at kiniliti pa. Tawa naman ng tawa si Julie habang hinahampas ang braso ni Lance.









Nasuntok ko ang nasagilid kong pader at may dumaang freshmen student. Hinarang ko ito at inabot ang cellphone ni Julie.





"Paki abot dun.." sabay turo ko sa pwesto nila Julie. Di na ako tumingin baka makapatay ako. Tumango naman ang lalaki sa sinabi ko.. "ibigay mo ito kay Julie.. Pag hindi mo inabot ito.. Hahanapin kita at mag tago ka na hanggat may lupa pa.." sabi ko namutla naman ito at tumango ng sunod sunod .








••••••






"Pare naman ayusin mo yung laro mo.." sigaw ni James sakin. Tinignan ko lang siya ng masama at nag peace sign lamang siya.

Inagaw ko ang bola at tumira sa three points pero di pumasok .. Ipinasa ulit sakin ng kakampi ko ang bola sumubok ulit ako at di pumasok.





Pumalya nanaman ako at sa sobrang asar ko . Sumigaw at umupo na ako sa bench sa sobrang frustration ko.







"Ano ba ang nangyayari sayo?" lumingon ako kay James at umiling. "Iba kinililos mo.. Tsaka pati mga shooting mo wala? Pare ayos kalang ba?" tumango nalang ako at yumuko.



Tanginang buhay kasi 'to kakaloko na .. Julie naman ano ba ang ginagawa mo sakin? Nababaliw na ako sayo.









Nag papahinga muna kami maya maya ang nag simula ulit kami. Pinasa ulit sakin ang bola at napansin kong nakatayo si Julie sa bench kaya nanlaki ang mata ko.








"Pare.. Aagawan ka na..." sigaw ni James.. Parang naging double meaning sakin ang sinabi ni James kaya hinigpitan ko ang hawak ko sa bola para di ma agaw sakin.








Sinalaksak ko sila at nag lay up.. Pumasok na ang bola at pumasok na ito.




"Pare pumasok din.. Sa wakas.. " sigaw ni James at pumasan pa sakin . At ginulo ang buhok ko.










Tumingin ako kay Julie na naka ngisi at umiiling pa . Tumingin naman si James sa direksyon na tinitignan ko kaya naman lumingon sa roon at ngumiti ng mapang asar.









"Kaya naman pala.. Naka shoot na andito si Babe niya..  Inspired na ang loko.." sabi niya .






Nakaupo lamang si Julie buong practice namin kaya ginanahan ako. Tangina ang bilis talaga mag bago ng mood ko pag si Julie na ang kausap o nakikita ko. Kanina galit ako sa kanya tangina bakit isang ngiti niya lang nawawala na ang galit ko.













Naupo na kami sa  dahil tapos na ang game namin ng biglang may nag abot sakin ng inumin. Umangat ang ulo ko at sinimangutan ko lang siya.








"Di ko kaylangan niyan. " malamig na sabi at lumipat ng pwesto hinanap ko si Julie pero wala siya sa inupuan niya kanina.






Tangina ano yun? Hologram? Pakshet naman ..akala ko si Julie na di maganda 'to..








Sinundan parin ako ni Jane hawak ang inumin na inaabot niya sa akin.







"Tantanan mo na ako pwede ba?"gigil na sabi ko habang papunta na ako sa locker room namin.







"Elmo please.. Patawarin mo na ako.." pag mamakaawa niya at hinawaka pa ang braso ko marahas kong tinanggal angbpag kakahawak niya.








"Tantanan mo na ako pwede ba?"nabubwiset na talaga ako. Punipigilan ko lang pumatol sa babae.
















"Sige... Titigilan na kita.. sa isang kundisyon kiss me.." sabi niya at pinahid ang luha niya.








"Ano ako tanga? "







"Titigilan na kita.. Isang halik lang katulad ng halik na ipinaramdam mo sa akin nung nasa bar.." sigaw din niya.



Umiling nalang ako at hinila ko siya palapit sakin at hinalikan ko siya sa huling pag kakataon.







Yumakap siya sa leeg ko at nag bibitaw na ako ay hinigpitan niya pa at nilaliman ang bawat halik niya.




Nag may narinig kaming bumagsak na bagay at ng itulak ko na siya palayo ay nakita ko ang pag takbo paalis ni Julie .






Fuck it hindi pwede..











To be Continued...



A/n: Bitin? Sensya na ganun daw talaga hahaha.. Para mas maganda next chapter. 😉





And no UD for tom . Aalis kasi kami so baka di ako makapag type and wag kayong mag alala try kong mag draft kung kaya ko pa.


And sa gustong makausap ako ngayon.. Tara usap tayo sa PM sagutin ko lahat ng gusto niyong malaman.  😁😁





Kausapin ko kayo promise... ✋✋


And sa mga boboto ngayong eleksyon.. Guys vote wisely dyan nakasalalay ang paglubog ng pilipinas .. Charing hahaha.. 😂

Playing Games, Breaking HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon