21

710 34 5
                                    







Palabas palang ako ng bahay para kunin ang motor ko. Nasira kasi ang sasakyan ko. At wala ang sasakyan ni ate.




"Elmo.." napatingin ako ng may tumawag sakin ikinunot ko ang noo ko ng makita ko si Jane na papalapit sa akin. Paano naka pasok ang isang 'to?






"Pwede ka bang makausap?" tanging sabi niya habang nakayuko. Umiling nalang ako at binuhay ko na ang makina ng aking motor.






"Please... Just hear me out.. Moe..." narindi nanaman ang tenga ko dahil sa sinabi niya.





"Hear you out.? Seryoso ka ba dyan? Eh tangina di pa ba sapat yung mga narinig kong ungol mo.. ? Habang pinapaligaya ka ng hinayupak kong kaibigan?" napaatras siya ng marinig niya na akong sumigaw. Nanginig din ang katawan niya sa takot. Kinontrol ko nalang ang galit ko .







"Umalis ka na dito at papasok pa ako.." tinitigan ko lang siya na di umalis sa pwesto niya. "Umalis kana.."






"Pwedeng sumabay na ako? Sayo.?" darn it .. Ano ba talaga ang gusto ng babaeng 'to. Di pa ba sapat ang sakit na binigay niya sa akin noon.






"Kung ayaw mo tangina aalis na ako.." sabi ko nalang . Nakita ko sa side mirror ko na tumatakbo siya.



"Ouch.." narinig kong sigaw niya huminto ako at nilingon ko siya. Nakaupo na siya sa lapag at hawak ang tuhod niya na nag pipilit pa siyang tumayo.






Umiling nalang ako at binalikan ko na siya. "Sumakay ka na.. sa clinic mo nalang ipagamot yan at late na ako.." iritang sabi ko at sumakay naman siya.













"Elmo... Pwedeng--.."



"Mag tanong ka na lang at papasok na ako.." iniwan ko na siya at nag mamadaling umalis.











•••••••








Pag pasok ko sa room ay wala pang prof kaya ligtas pa ako. Nakita kong nakasimangot si Julie habang kumakamot ng ulo si James.









Lumapit na ako sa kanila . Umiwas naman si Julie. habang si James ay nag tataas baba ang kilay sa akin habang nakangising aso.











"LQ ba kayo ng babe mo pare? Ang init kasi ng ulo.." mapang asar na sabi ni James na nakatikim nanaman ng batok kay Julie. "Ouch... That's foul... Isa pang batok mo papa--" di niya itinuloy at tumawa nalang.








"Ipapa ano?" hamon naman ni Julie sa kaibigan ko.







"Ipapahalik kita kay Elmo... Hindi basta halik.. French Kiss beybhe.." namula ang pisngi ni Julie. At di iyon naka ligtas sa aking paningin.








"Shut it Reid ..." sabi nalang niya at nag salpak ng earplug niya. At humarap sa ibang direksyon.




"Julie.." harang ko sa kanya habang palabas na siya sa room. Halatang umiiwas siya sa pag mamadali niya. "Can we talk? Please.." tinitigan niya ako at tumango.





Dinala ko siya sa parking lot. Halatang nag tataka ang muka niya ng di niya makita ang kotse ko.










"Nasan ang kotse mo?" tanong niya at inikot ang paningin niya. Umiling ako na lalong iki nakunot ng kanyang noo.








Lunapit na ako sa motor ko at sumakay. Tinignan niya ako at umiling pa siya.








"Seryoso? Papasakayin mo ako ng motor na naka dress? Nahihibang ka na ba?"  tinignan ko siya mula ulo hanggang paa . Umiling nalang ako ng makitang napaka ikli ng kanyang dress.










"Next time mag jeans ka huh?" sabi ko at kinuha ko ang extra v-neck t-shirt ko sa kanya. "Ayan.. Ipatong mo sa binti mo.. Sa susunod na mag suot ka ng kanyang ka ikli.. Babalutan na kita ng kumot." namula ang pisngi niya at sumakay na siya.





"Yumakap ka na sa bewang ko.. Baka mahulog ka.." natatawang sabi ko. Paano ba naman halatang na iilang pa siya sa akin.











"Excuse me... Aaaaaaaaahh..." sigaw niya at tuluyan nang yumakap sa akin. "Hayoooooop kaaaaa Magalonaaaaa.." natawa naman ako ng lalong humigpit ang yakap niya.











"Relax... Wag mo ma syadong higpitan babe.. Di ako makahinga.." natatawang sabi ko higpit kasi ng yakap niya.






"leche ka.. mamatay ako ng maaga sayo.. Mag dahan dahan ka kasi.." napipikong sabi niya sa akin.









"Where here..." inikot niya ang buong paningin niya sa paligid. Napa ngisi nalang ako ng nag tataka siyang tumingin sa akin. "Nakain ka ba sa gantong lugar?" tanong ko.








Umirap nalang siya at humalukipkip at di nag salita. Umiling nalang ako at hinawakan ko siya sa bewang at hinila papalapit sa akin. Di naman siya umangal which is a good sign.









Bumili kami ng samalamig at kwek kwek pati narin ng fishball at kickyam . Tinitigan niya lang angnpag kain at sinabi ko sa kanya kung paano kainin. Halata kasing di talaga siya kumakain.









Umiling nalang ako ng halos maubos niya na ang mga binili ko. Bumili nalang ulit ako at nag hati naman kami.










"Thanks kasi dinala mo ako dito.." ngumiti lang ako at tumango pabalik na kami sa motor ko ng tawagin ko siya.





Lumingon siya sakin . Ngumiti ako at lumapit nagulat pa siya ilapit ko na ang aking muka at halikan ko ang labi niya hindi naman siya lumaban at nanatili siyang tikom.








"Messy eater ka pala babe.. Inalis ko lang ang sauce sa gilid ng labi mo.." sabi ko at sumakay na . Sumunod naman siya na medyo halatang namumula ang pisngi.









"Juls.. Totoo ang sinabi ko na gusto kita.. Walang laro sa sinabi ko..  Please just one chance and i can prove to you na totoo ang sinasabi ko."







Tahimik lamang siyang nakatingin sa akin at kaya tinignan ko rin siya. Ngumiti ako andito na kami sa harap ng bahay nila.






"Pasok ka na.." sabi ko at ginulo ang buhok niya pinalo niya lang ang kamay ko at ngumiti.








"Ingat ka.." sabi niya at pumasok na . Tangina kinilig ako dun. Nag tatatalon ako at sumayaw pa ng kung ano ano..











@SuperElmo

Thanks for today.. love you 💜











To be Continued...



A/n:

No update for tom. Busy po kasi ako.. Baka sa sunday or monday nalang ang next UD .


Thanks po.. 😊

Playing Games, Breaking HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon