54

885 47 35
                                    


Nang tawagin ni Em-Em na mommy si Julie ay parang may punyal na tumama sa aking puso. Kita ko sa mata ni Julie ang saya ng mayakap niya na si Em-Em pati ang saya sa mata ng bata ay nakita ko din. May kung anong pag dududa akong nararamdaman.




Hanggang sa iniwan na kami nila Daddy sa loob ng conference room . Matagal namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.





Parang piniga ang puso ko ng malaman kong buhay ang anak namin. Pero agad akong kinain ng galit ko ng maalala ko ang mga sinabi ni Lance na mag papakasal sila ni Julie.






"Marry me or Marry me.." tanong ko sa kanya. Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na wag siyang yakapin na wag siyang mapitan habang naka tayo na siya at umiiyak sa harap ko.








Nang sumang ayon na siya sa alok ko ay lumabas na ako ng conference room at dumiretso sa opisina ni Daddy. Nasa pintuan palang ako ay rinig ko na ang hagik gik ng aking anak. Para itong musika sa aking tenga.







Napahinto sila sa pag haharutan ni Daddy ng makita ako. Agad naman kumawala si Em-Em kay Daddy at lumapit sa akin.







"Where's Mommy?" di ko siya sinagot bagkus ay niyakap ko nalamang siya ng mahigpit na mahigpit. At hinalikan ko ng paulit ulit ang kanyang noo. Kusa nang tumulo ang luha ko ng mayakap ko ng mahigpit ang anak ko. Nasan ang isa kung kambal sila?






"Mister.." namuo nanaman ang galit ko sa tinawag sa akin ng anak ko.




"Ema.." napahinto ako at lumingon sa pinto . Tumakbo agad si Em-Em kay Julie na ngayon ay nakaluhod upang mag pantay sila.







"Diba matagal niyo nang tinatanong ni Kuya Jan-Jan kung nasaan si Daddy.." tumayo ako at tinitigan si Julie na ngayon ay nag papaliwanag.





"Yes.. Pero diba andyan naman si Papa Lance.?" nanlaki ang mata ko sa tawag ng anak ko kay Lance. Hayop na lalaki yun balak pang mag paka ama sa mga anak ko? Tangina niya mapapatay ko siya pag nag kita kami. Hinawakan ni Daddy ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.








"Pero mas better kung makita mo ang totoo mong Daddy right?" tumango si Em-Em kay Julie habang naka kunot ang noo.





Tumingin si Julie sa akin . Kita ko agad sa kanyang mata na nahihirapan siya kinunutan ko lamang siya ng noo. Nang humarap na si Em-Em sa akin ay sa anak ko na binaling ang aking tingin. Lumuhod ako sa kanya ng unti unti na siya lumapit sa akin.







Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ako sa mata.
Halos maduling na ako pero nagawa ko padin siyang titigan, mag kadikit na ang ilong naming dalawa.








"I got your eyes.. your nose.. your lips.. Daddy... " naluha ako sa mga sinabi ni Ema sa akin at yumakap siya sa leeg ko ng mahigpit . Agad ko namang sinuklian ang yakap niya.








"My Princess.." bulong ko agad siyang humarap sa akin at nakangisi. "Why.?"






"Sinong Disney Princess Daddy?" tumawa ako at binuhat ko siya.



"All of them.!" pumalakpak siya at tumawa ng malakas.







"Dad.." napahinto kaming lahat at tumingin kami ng sabay sabay sa pinto ng opisina ni Daddy. At nakita ko ulit yung batang lalaki na nakita ko sa Mall.



Playing Games, Breaking HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon