57

904 41 24
                                    


"Mommy ! I want pink goggles.. " tumingin ako kay Ema na pinapakita ang pink na goggles na hawak niya. Napag pasyahan kasi namin ni Elmo na isama na sila sa Cebu. At first ayoko talaga kasi walang mag babantay sa kanila dahil trabaho ang pinunta namin doon. Dahil mapilit si Elmo ay kumuha siya ng kasambahay nila sa bahay ng Daddy niya.






"Anak.. Diba may orange ka pang goggles ? " ngumuso siya sa akin at binitawan ang hawak niya.






"Oh , bakit naka simangot ang prinsesa ko?" napatingin ako kay Elmo at kay Jan-Jan na nakangisi. May tinatago ang dalawang ito!







"Daddy i want pink goggles.." bulong nito sa Dadddy niya na akala mo ay di ko narinig. Tumingin si Elmo sa gawi ko at sinamaan siya ng tingin.





May binulong si Elmo kay Ema di ko iyon narinig . Tumingin ako sa anak namin na humahagikgik na sa tuwa.




"Anong sinabi mo?" tangong ko habang nag iikot ikot na kami sa loob ng mall bibilhan ko kasi ng swim wear ang mga bata.






"Nothing.." kinurot ko ang kamay niyang nakahawak sa bewang ko kaya inalis niya iyon at tumingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay bumuntong hininga nalamang siya at tumingin sa mata ko.





"Sabi ko bibihin ko iyon mamaya.." sinamaan ko siya ng tingin "Wag mong i-spoil yung mga bata .. Di pwedeng lahat ng gusto nila nasusunod."




"Okay hindi na.." di ako nag salita at kumuha nalang ng mga kakainin ng bata habang paalis.





"Papa Lance..." napahinto kami ni Elmo sa sigaw ni Ema . Tumakbo ni Ema papalapit kay Lance kaya agad ding tumakbo ni Elmo para pigilan si Ema.








Agad na binuhat ni Elmo si Ema na nag tataka sa ginawa ng daddy niya. "Anong ginagawa mo dito?" lumapit na ako at hinila ang damit ni Elmo . Baka makita ng anak niya yung galit niya.






"Bakit sayo ba 'tong mall na 'to?" nakangising sabi ni Lance , tumingin ako kay Elmo na sumama lalo ang aura.








"Elmo may bata.." bulong ko na pilit kong hinihila ang laylayan ng damit niya.








"Jerk.." bulong ni Jan-Jan tumingin ako kay sa anak ko at pinanlakihan siya ng mata.





"Halika na.." hinila ko na ang braso ni Elmo para makaalis na kami doon.







"Mag iingat ka magalona..." sigaw ni Lance . Huminto sa pag lalakad si Elmo pero hinila ko na siya papalapit sa akin.






"Daddy are you mad?" nakayukong tanong ni Ema sa kanya. Tumingin ako kay Elmo na nawala ang galit na Aura at hinalikan ang pisngi ni Ema.







"No.." malambing na sabi ni Elmo kay Ema.




"Yes, kasi nakaganto ka .." ikinunot niya ang noo niya "And naka ganto ka" nag pout pa si Ema kaya natawa kami ni Elmo.











~•~•~•~








"Mommy.. I'm sleepy pa.." napailing nalang ako .








"Anak aalis na tayo.. At nag aantay na si Daddy sa car!" kukusot kusot pa ang mata ni Ema na nag pabuhat sa akin.






"Mommy, Ninong James is already down stair! " tumango ako at lumabas na kami ng kwarto. Agad kaming sinalubong ni James.








"Nasan si Elmo?" ang sabi niya siya ang susundo sa amin.




"Aah.. Ano.. Inutusan ni Tito?" inirapan ko nalang siya . Halatang may tinatago ang mga siraulong 'to.











"Hi Nadz.. " bati ko kay Nadine na nasa front seat at naka kandong ang kanyang anak na lalaki na si Yuan.






"Sarap ng tulog ni Baby girl .." tumango ako pinauna ko nang papasukin si Jan-Jan na busy sa pag lalaro ng kanyang bagong bili PSP ni Elmo.









"Hey Young man here's your neck pillow .."  sinukbit niya na ito sa kanyang leeg.







Sumakay na ako at naupo . Inutusan ko siya Jan-Jan na isuot ang kanyang seat belt at ganoon din Ng ginawa ko.








"Let's go.. Para maka pag check in tayo ng maaga sa airport." tumango ako sa sinabi ni Julie.








Pag ka lapag ng eroplano sa Cebu ay wala paring paramdam si Elmo. Di ko nalang siya masyadong inisip at inabala ko nalang ang sarili ko sa pag babantay sa mga bata.








"Mommy can i swim??" di mapaglagyan ang saya ni Ema habang nakatingin sa pool . Andito kami sa hotel na pinareserve ni Elmo .








"Later nalang baby . Magpapahinga muna kasi may meeting din sila Mommy." tumango naman ang mga anak ko at kumain na ulit.










"Nadz ikaw na bahala sa kambal ko .." tumango naman sa akin si Nadine ng iwan ko na sa unit niya ang kambal na nakikipag laro kay Yuan.







Sabay na kaming umalis ni James habang nasa daan ay may napansin akong nakatingin. Sinubukan kong hanapin iyon at nanlaki ang mata ko. Anong ginagawa niya dito?









"James , pwedeng mag CR muna ako?" tumango si James kaya umalis na ako.








Habang nag lalakad ako ay walang mapag lagyan ang kaba ko. Napahinto ako ng may marinig akong pamilyar na boses.










"Pwede ba wag na tayong mag lokohan Elmo.. Mahal mo pa ako.." nanlaki ang mata ko kaya sinilip ko na sila.







Nanlaki ang mata ko at nabagsak ko ang hawak kong bottled water sa nakita ko. Nag hahalikan sila ni Jane?







"E-Elmo..."napahinto sila sa kanilang ginagawa . Lumapit ako at parehas ko silang sinampal.









Walang salitang gustong lumabas sa bibig ko kaya tumakbo nalang ako paalis.



Tangina ang sakit!








to be continued

An: Yung deal guys alam na.. 👊💪💪👍

Playing Games, Breaking HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon