48

724 43 14
                                    



Nang makita ko si Julie na pumasok sa loob ng opisina ni James ay agad akong naestatwa . Kumabog ng napakalakas ang puso ko ng mga oras na iyon.


Ganun pa din siya maganda . Nakayuko lamang siya noong tinititigan ko . Totoo bang may anak sila ng hinayupak na yun? Bakit parang lalo yatang na hubog ang katawan niya.


Fuck.? Bigla nalang sumagi sa isip ko ang mga litrato at kumulo ang dugo ko. Naiinis ako sa sarili ko na hanggang ngayon mahal ko pa rin siya . Samantalang siya may mahal nang iba may anak pa sila. Tanginang buhay 'to.



Tumayo ako , payuko siya ng payuko habang unti unti akong lumalapit sa kanya. Dinaanan ko lamang siya na parang wala lang kahit na gustong gusto ko na siyang yakapin ng mahigpit at iuwi sa condo ko at ikulong siya sa bisig ko. Pero hindi pwede .. ayokong maging makasarili lalo na ngayong may anak na siya at kaylangan siya ng mga ito.






Unti unting dinudurog ang puso ko sa mga naiisip ko kaya nag pasya nalang ako lumabas para makahanap ng tamang hangin. Di na kasi ako makahinga sa sakit ng nararamdaman ko.






Padabog kong isinara ang pinto ng opisina ni James at dumiretso ako sa water dispenser at nainom ng tubig.






Naalala kong may meeting nga pala at kaylangan namin ni James na pumunta doon. Kaya binalikan ko sila.


Pag bukas ko ng dahan dahan ay di inaasahan ang nakita ko. Kaya padabog kong binuksan ng malaki ang uwang ng pinto. Tanginang James to ayos makayakap kay Julie..



"PUTANGINA" Sigaw ko kaya napakalas si Julie at yumuko . Habang ang siraulo kong kaibigan ay nakangisi pa. Gusto kong gilitan ang leeg niya kaso baka mapatay ako ni Nadine.




Sinabi ko lang ang tungkol sa meeting at agad kong isinara ang pinto ng opisina niya. Medyo rinig ko pa ang pag tawa ni James kaya lalong sumama ang aura ng muka ko.






Tanginang James yun antagal bumaba. Kanina pa ako nag hihintay sa kanila dito sa parking. Nag dadalawang isip ko kung papanikin ko ba ulit o mag aantay ako.





Napalingon nalang ako ng marinig ko ang pag tawa ni James kaya umayos ako ng pag kakatayo habang ang dalawa kong kamay ay nakasuksok sa aking bulsa.



"Oh, akala ko nauna kana?"  sabi ng aking hinayupak na kaibigan habang pinipindot ang alarm ng kanyang kotse. Tumingin siya kay Julie at akmamng kukunin ang gamit ni Julie. Oh no.. Oh fucking no..."Amina yung gamit mo Ju-"






"Sa akin na siya sasabay. Mauna kana doon James para makapaghanda ka pa."mahinahong sabi ko kahit nanggigigil na ako sa kanya kaya pinutol ko na ang sasabihin niya.




"But bro.. I need my secretary.." sinamaan ko siya ng tingin ng sabihin niya iyon . Ang gago ngumiti pa . Kung wala si Julie nasapak ko na siya sa muka.





"Shut up ! And be gone.."sigaw ko sa kanya . Napayuko si Julie ng sumigaw ako sa harap niya. Oh no babe wag kang matakot napipikon lang talaga ako kay James. I'm sorry! Gusto ko na siyang yakapin at mag sorry pero natatakot ako.






"James...."napatingin kaming dalawa ni James ng mag salita si Julie habang nanginginig ang kanyang boses."Sayo na ako sasab-" nag init lalo ang ulo ko sa sasabihin ni Julie. Tangina ayoko mang aminin pero fuck I'm fucking Jealous di niya ba napapansin? Fuck it.







"Sa akin that's final.." mababa pero madiing sabi ko. Ayoko siyang sigaw at ayoko din na matakot siya sa akin . Kinakabahan ako na baka lalo lamang siya lumayo sa akin.




"Jerk.." bulong niya at padabog na binuksan at isinara ang pinto ng kotse ko. Tumawa si James kaya sinamaan ko siya ng tingin. Bwiset na 'to.





"Ingat pare.. Tsaka muna ikwento pag tapos na kayong mag you know usap tungkol sa PAST.."  siraulong ito nangasar pa? Agad siya pumasok sa sasakyan at pinaandar ito paalis. Umikot na ako at sumakay sa kotse ko.












Nakasimangot lamang siya habang naka halukipkip at nakatingin sa labas. Tangina kung nakakamatay ang katahimikan sa pagitan naming dalawa kanina pa ako namatay.









Nawala lamang ito ng tumunog ang phone ko habang nasa deck ito napatingin si Julie doon kasabay ako . Nataranta ako ng makitang si Jane ang tumatawag. Kaya agad ko itong sinagot . Tumingin ako sa kanya at kalungkutan ang tangi mong mababasa sa mata niya.






Bakit ka nalulungkot Julie? Diba may mapapangasawa at mga anak kana ? Bakit ka nasasaktan?  Nasasaktan ka nga ba?





"Hello.?" nagising ako sa pag iisip ng kung ano ano ng mag salita na siya sa kaibilang linya.






"Can we talk?" napahinga ako ng malalim at tumingin kay Julie na ngayon ay kagat kagat ang ibabang labi. Oh how i missed to kiss that lips. Shit ano ba 'tong iniisip ko.









"Busy ako bye.." ibinato ko na sa backseat ang phone ko at ipinokus ang aking mata sa kalsada. Katahimikan nanaman ang bumalot sa pagitan naming dalawa.







Nawala nanaman ito ng tumunog naman ang kanyang telepono. Agad niyang kinalkal ang kanyang bag at inilabas . Nilingon ko siya nag taka ako ng nanlaki ang mata niya.






"Sagutin mo ang ingay ng tunog.." pagkukunwari kong galit. Kahit ang totoo ay gusto ko lamang na marinigang kanyang tinig pati naring ang kanilang pag uusapan.






"H-Hello..? U-uhm a-ano .. O-okay sorry.. B-bawi ako.. Y-Yeah i miss you too alrea-- aray naman.." napatapak ako sa break ng marinig ko ang mag sinasabi niya. At padiin din ng padiin ang hawak ko sa mainibela.






"tss." tanging sabi ko at itinuloy ang pag mamaneho malapit na kami sa building ko. At di ko na masyadong inintindi ang sinasabi niya kahit na pikon na pikon na ako.







"Okay .. Andito na kasi si Mo-- okay tatandaan ko yan.. Bye.. I love you t-- bwiset ka talaga nananadya ka ba?" sigaw niya at pinutol na ang linya.







"Nandito na tayo .. Wag ka nang makipag landian dyan sa kausapa mo." tanging sabi ko at lumabas na ng sasakyan. Dumiretso na ako sa elevator ng maaninag kong nag aantay si James sa pag labas ni Julie sa kotse ko .


"tss.." 







Pag karating ko sa conference room ay kumpleto na ang board members . Umayos na ako ng upo ng umikot ang swivel chair ni Daddy. " Nasaan si James.?"



"I don--" naputol ang sasabihin ko ng mapatingin ako sa isang tao . Tangina anong gingawa niya dito? Ngumiti ng nakakagago bago umayos ng upo ng bumukas ang pinto.






Napatingin ang lahat ng pumasok si James kasama si Julie na nakayuko. Masama ang tingin ni James sa akin kaya umiwas nalang ako.






"So siya ang secretary mo James.?" tanong ni Daddy.





"Yup tito.. Can we start na po?" tumango si Daddy at tumayo naupo naman si James sa tabi ko at sa tabi niya si Julie .




Tinignan ko ang lalaking katitigan ni Julie kaya nag init lalo ang ulo ko. Tangina may balak ang gagong 'to.









To be continued.

An: bitin nanaman? I know sinadya ko lang HAHAHA 😂✌
Sarap basahin ng mga rant niyo eh HAHAHAHA 😆😂😂✌😝


THANKS SA PAG VOTE AND HAPPY 9K READS . THANK YOU DIN PALA SA MGA BUMUBOTO .. I LOVE YOU GUYS 😍😘😘


AND SA MGA NEW FOLLOWERS!
HI GUYS THANK YOU DIN 😘😳💖😁😁

Playing Games, Breaking HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon