31

774 36 15
                                    




"Huh.?" anu daw ? Bulong na may pakpak? Napkin ? Diba yung sa lamesa iyon? Table napkin?



Ano bang pinag sasabi nitong si Julie. Tumingin ulit ako sa kama na may dugo. Ayos lang ba talaga siya.




"Julie.." kalampag ko sa pinto ng CR pero ungol lamang ang naririnig ko. Kinatok ko ulit siya.



"Tangina ka Elmo... Ang sakit nang puson ko bilhan mo na ako ng napkin .. Whisper na may wings..." sigaw niya nataranta naman akong mag suot ng damit at dali dali akong tumawag ng house keeper na babae.






Nag punta agad ako sa pinakamalapit na Mall para makabili ng napkin na sinasabi ng mahal ko.






Pag pasok ko sa Super market ay agad kong hinanap kung saan ang napkin. Tumingin agad ako ng whisper na wings pero andami nito at nalilito na talaga ako.




Nilapitan ako ng babae. Napansin niya sigurong para akong tanga na nakatingin sa mga ito.






"Sir, ano po ang kaylangan niyo.." humarap ako sa kanya at nakita kong namumula ang muka niya. Tangina lahat nalang? Kanina yung babae pinag tanungan ko kung saan nakabili ng sapin sapin . Ngayon siya naman.






"Ah, ano kasi miss .. Sabi kasi ng Asawa ko whisper na may wings daw .. Eh di ko naman alam kung ano yun.." kamot ulo kong sabi umiwas naman siya ng tingin at kumuha ng isang balot at inabot ito sa akin.






"Ayan po ang sinasabi ng asawa niyo sir.. Kung gusto niyo sir bumili din po kayo ng all night pads ng Whisper para komportable po siya.." inabutan niya pa ako ng isang balot . Agad ko naman itong tinanggap. Tumango na ako sa kanya at umalis na siya.






Kumuha pa ako ng mga tatlong balot para kahit papaano kung sakaling may gantong eksena may stock siya sa condo ko.







Pag dating ko ay kakalabas lamang ng house keeper . Ngumiti nalang ako at tumango lamang siya sa akin.





Pag pasok ko sa kwarto ay nasa loob parin siya ng banyo. Kinatok ko siya agad niya naman itong binuksan at isang nakasimangot na Julie ang salubong sakin.






"Bakit nalukot nanaman iyang muka mo?" kinuha lamang niya ang paperbag na pinaglalagyan ng mga napkin . "Aaaw.. Shit. shit.shit.. Sakiiiit.." sabi habang hawak hawak ang kamay kong sinubukang iharang sa pag sara ng pinto.






Nanlaki ang mata niya at agad na lumabas ng banyo . Na nakatapis ng twalya kong color blue iniwas ko ang tingin ko pero tangina di ko mapigilan. "Ayos lang 'to sige na pumasok ka na.. " umupo ako sa paanan ng kama . Napalunok nalang ako ng umupo na siya sa kandungan ko nakasuot na siya ng round neck t-shirt ko at boxer ko . Tangina ang hot ..






"T-Tara.. t-tulog n-na ... t-tayo.." sabi ko na pilit kong ginagawang normal ang aking tono ng pananalita.






"Sorry kanina.. Kasi naman ang tagal mo .. And thank you din .." sabi niya na humalik halik ng paulit ulit sa aking pisngi.







"I love you.." ngumiti siya at kinurot ang ilong ko tapos ay yumakap sa aking leeg.






"I love too.."








••••••









"Mag kakaroon tayo ng play.." pahayag ng prof namin . Sinulyapan ko si Julie na sinusulat ang notes na nasa white board . Pawis na ang gilid ng kanyang noo kaya agad ko naman inilabas ang aking panyo at punasan ang kanyang gilid ng noo.







Inipit ko sa kanyang tenga ang mga buhok na sagabal sa kanyang muka. Agad naman siyang ngumiti sa akin . "Thank you.." ngumiti ako at hinalikan ang kanyang ilong habang naka talikod ang prof namin.






Hinampas niya ako at mahinang natawa katulad ko. Tumingin ako sa gilid niya at nakita kong nakatitig si Jane sa direksyon namin ni Julie.







"10 person each group." pahayag naman ng prof namin napatingin naman kaming lahat .





Di niya nalang sinabing two groups lang . Tutal twenty one lang kaming lahat. Ewan ko lang kay Jane kung saan siya sasama .





"Miss. Oineza kanino kang group sasama. Maganda itong play nagagawin para kahit papaano ay may makasundo ka since kalilipat mo lang nung first sem..." tinignan namin siya ni Julie . Tapos ay tumingin sakin si Julie at yumuko.






"Ah, Ma'am sa group nalang po nila Miss San Jose.." napatingin ang lahat kay Julie na hanggang ngayon ay nakayuko.





Tangina.. This is Madness.. "Miss San Jose?" ngumiti lamang ng pilit si Julie at bumaling sakin at ngumiti habang unti unting kumapit sa braso ko.







Kinalma ko ang buong sistema ko . Naramdaman siguro ni Julie na tututol ako kaya agad niya akong hinawakan.








Hindi maganda ang nararamdaman ko sa mga mag dadaang araw. Ramdam ko iyon at natatakot ako.






Pero hindi lalaban ako para kay Julie..









To be Continued..


An: Bitin.? Hindi naman diba? Hahahaha 😂😂

Hanggang dyan muna mag handa handa na kayo sa pagbabago .. Papatayin na tayo ni DU30 hahaha.. Mga ADIK..



ADIK sa wattpad at kila Julie at Elmo 😂😂✌🔪🔫🔫



Bye.. Till next Update 💋💋😘😝

Playing Games, Breaking HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon