64

748 25 0
                                    

Kanina pa aligaga si Elmo tumawag kasi ang kanyang sekretarya at may isang board member na gustong makipag meeting sa kanya.


"Saglit lang ako.." tumango nalang ako kay Elmo matapos niyang humalik sa aking noo. Ngumiti nalang ako sa kanya habang palabas siya ng kwarto. Mag tatlong linggo na kami dito sa mansyon ng kanyang ama. Kahit na gustuhin ni Elmo na umalis na kami ay pilit na nag mamakaawa ang Ama niya na makasama pa ang kambal.

Nag ligpit nalang ako ng kalat ng kambal dahil tinawag sila ng lolo nila para turuan mag laro ng sungka. Lumabas ako ng kwarto at rinig ko ang tawa ni Ema pati narin ang mahinang pag tawa ng Ama ni Elmo. Lumapit ako ng konti para di ko sila maistorbo napangiti ako sa muka ni Jan-Jan na litong lito habang nakakunot ang noo habang si Ema ay nasusundan ang tinuturo ng kanilang lolo.


"I hate sungka.." natawa ako ng mahina sa pag reklamo ni Jan-Jan. Kinuha niya nalang ang kanyang gadget at doon itinuon ang atensyon . Habang si Ema at ang kanyang lolo ay nag laro nalang .





"Mommy.." napatingin ako kay Ema na tumakbo palapit sa akin agad naman akong lumuhod para salubungin ang siya ng yakap. "I'm hungry na.." sabi nito ng kumawala sa yakap ko at hinimas pa ang kanyang tyan.




"Pero.. Diba kakakain lang natin ng Tuna sandwich ? " sabi naman ng Ama ni Elmo at ngumiti sa akin agad ko namang sinuklian ang ngiting iyon.



"I'm still hungry..."ngumuso pa ito at nag pa cute sa akin.



"Okay, anong gusto mo?"




"Uhmm... I want pasta.." masayang sabi nito at tumalon talon pa.






--*---*--






Alice's POV





Pag lapag ng eroplanong sinakyan ko ay agad akong dumiretso pauwi sa bahay ni Dad. Gusto ko munang mag pahinga bago ko simulan ang dapat simulan.



Pag pasok ng sasakyan ko sa gate ng bahay ay may nakita akong dalawang bata na nag lalaro sa play ground namin dati ni Elmo. Napababa ako ng sasakyan .. Letse talaga ang mga kasambahay dito pati mga anak nila dito pinag lalaro.






"Hoy.." sabay napalingon ang dalawa sa akin at may kung anong mabigat na bagay ang tumabon sa dibdib ko. "S-Sino k-kayo?? K-Kaninong a-anak k-kayo?"nag tinginan pa sila bago humarap sa akin.




Napatingin ako sa muka nila and its familiar pati ang hubog ng muka ng batang lalaki pati na din ang mga features nila..




"Mga apo pasok na ka- Alice.?"
Napatingin ako kay Daddy . Agad nag takbuhan ang mga bata sa kanya at nag tago pa sa binti niya. "Anong ginawa mo?" galit ang tono ni Dad kaya napataas ako ng kilay.




"Wala.. And wait.. Apo? Pati anak ng kasambahay kinupkop mo na? " iritang sabi ko kay Daddy.





"Umayos ka ng pag sasalita mo Alice.. Pamangkin mo ang pinag sasalitaan mo .."  nanlaki ang mata ko at napatingin ako kay Dad tapos sa dalawang bata na nasa likod ng binti niya.






"Pamangkin.?"




"Oo. Pamangkin.. dahil anak ni Elmo ang mga batang ito.." paanong may anak si Elmo?




"Sige na pumasok na kayo sa loob at ayos na ang niluto ng mommy niyo.." sabay sabay kaming napatingin ng bumukas ang gate at pumasok ang sasakyan ni Elmo.






"Daddyyyy.." tumakbo ang batang babae habang ang lalake ay marahang nag lalakad lamang. Bumaba na si Elmo sa kotse at agad na binuhat at hinagkan ang batang babae.





Playing Games, Breaking HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon