52

760 50 34
                                    







3 days na akong binabagabag ng salitang Dad . At number iyon ni Julie! Hiningi ko kasi kay James yung number ni Julie. Di ko akalain na may number ako kay Julie. Shit ano ba 'tong nararamdaman ko?


"Pare.." napatingin ako kay James ng pumasok siya sa opisina ko na may pasa sa muka. Kumunot ang noo ko, saan kaya nakipag basag ulo ang siraulong ito. Oh baka si Nadine ang may gawa.





"Kaylangan mo?" naupo lamang siya sa sofa ng opisina ko at huminga muna siya ng malalim bago mag salita.






"Pare, gustong sumama ng inaanak mo at ng misis ko sa Cebu! Pwede bang sayo sumabay si Julie.?" mabuti nalang at di pa ako nakakahigop ng kape ko kundi naibuga ko na iyon.




Tangina bakit kinakabahan ako? Pakshet naman parang gusto kong hilahin ang araw sa sobrang saya.







"S-Sige b-ba!" tangina bakit nauutal ako? Ngumisi lang si James kaya binato ko sa kanya yung ballpen ko. "Siraulo.."





"Dude, wag mong ipahalata na excited ka. At taeng tae ka nang makita si Julie." bago ko pa siya mabato ulit ay dali dali siyang lumabas ng opisina ko.






Nakina pa ako palakad lakad dito sa park. Wala kasi masyadong ginagawa sa opisina . Mahilig lang akong pumunta dito pakiramdam ko kasi narerelax yung utak ko.





Na alala ko nanaman yung bakanteng lote namin noon. Matagal tagal ko nang hindi iyon napupuntahan. Naupo ako sa swing at siniso ko ang sarili ko.








Nilibot ko ang paningin ko at puro batang nag hahabulan at pamilya ang nakikita ko. Di ko maiwasang mainggit . Ngumiti nalang ako ng mapait at tumingin sa langit na medyo makulimlim ngunit sumisilip parin ang araw.








"Anak, binabantayan mo ba si Daddy? Kung oo.. Salamat! Sana si Mommy mo rin , tulungan mo naman na bumalik na siya kay Daddy.." napayuko ako matapos ko iyong ibulong. Tumayo na ako at nag lakad lakad muna bago muna ako bumalik sa opisina.










"M-Mamu.... " napatingin ako sa umiiyak na batang babae na nasa  slide . "Where are you? M-Mamuuu.." puro luha ang muka niya pero makikita mo agad na maganda ang kanyang muka.






"Hey are you lost?" tumingin siya sa akin? Nag aalangan siyang mag salita at kausapin ako. Kaya tumango nalang siya sa akin. Lumuhod ako sa harap niya at inayos ko ang buhok niya.







Napatitig ako sa pares ng kanyang mga mata. Posible bang makaramdam ka ng ganto kahit kakikita niyo palang.  Bakit ang gaan ng loob ko sa kanya?







"What's you're name?" tumingin siya sa akin at umiling. Yumuko siya kaya umupo na ako para mas mapantayan ko siya. Tumingin naman siya sa akin at ngumuso napaka pamilyar ng kanyang pag nguso kaya natawa ako.








"Okay.. My name is Elmo Magalona.. What's yours ?" ngumuso siya na parang nag pipigil ng kanyang pag ngiti.






"Like Elmo the Muppet? sa Sesame Street? Is that you??" napangiti ako ng mag salita siya sinakyan ko nalang ang kanyang sinasabi at tumango. Lumaki ang mata niya at tumawa. Bawat tawa niya ay parang nadidiligan ang aking puso. Posible ba na sa saglit naming pag uusap minahal ko na agad ang batang ito.








"Dapat quite ka lang kasi malalaman nila.." tumango siya sa akin at ngumiti " So what's your name?" Humalakhak siya kaya natawa rin ako pinipilit ko kasing gayahin ang boses ni Elmo the muppet.










"I'm Em-em." ngumuso siya at kumunot ang noo "My mom and my kuya always calling me Ema ! Its pangit kaya.." sabi niya pa at dumila.








Napatingin siya sa cotton candy na dumaan halatang gusto niyang kumain ng ganoon. "You want that?" tumingin siya sa akin at tumango.





"Yes... but... Mom will turned into a monster pag nag eat kami ng mga street food.." lumungkot ang muka niya. Natawa naman ako kaya tumingin siya sa akin ng nakasimangot. Tinikom ko ang bibig ko at pumunta ako sa manong na nag titinda ng cotton candy.










Binalikan ko siya na luminga linga . "Here.. Masarap yan don't worry di kita isusumbong kay Mommy mo!! Secret lang natin yun.. And gusto mo hanapin natin ang mommy mo?"








Kinuha niya ang cotton candy na inabot ko sa kanya at tumikim . Tumingin siya sa akin at ngumiti ng labas ang ngipin.









Dinala ko siya sa malapit na Mall baka sakaling may makakitang kakilala or what . Sinabi ko na din sa mga guard na nawawala ang batang kasama ko kung sakaling may mag hanap at tawagan lang ako. Nag iwan ako ng calling card sa mga guard na sinabihan ko.








"I'm tired na.." kalabit niya habang nakaupo kami at humikab na siya. Agad ko na siyang binuhat at may tumawag sa akin.








"Yes?" sagot ko sa sekretarya ko.







"Sir, last meeting na po.. bago kayo umalis ng cebu andito na po ang ibang board members.." napatingin ako sa batang ngayon ay tulog na sa balikat ko.









"Okay, mag order ka sa Jollibee.." sabi ko at ibinaba na ang tawag.








Ipinasok na siya sasakyan ko kaya medyo nagising siya. Napatingin siya sa akin paiyak na siya kaya agad ko siyang kinarga para di na matuloy. "Mamu?"







"Wait lang tayo okay? For the mean time pupunta muna tayo sa opisina ko para sa meeting tapos . Kakain tayo ng Jollibee.." tumango siya at nahiga ulit sa balikat ko.









Nakarating kami sa opisina , panay at tingin ng mga empleyado ko kaya nag tatago si Em-Em sa aking leeg.









Pag kapasok ko sa opisina ay nandoon si Daddy na kumunot ang noo at tumingin kay Em-Em .







"Who's that?" tumingin ako kay Dad at umiling lamang. Naupo na ako sa upuan ako at kinandong ko si Em-Em na yakap na yakap pa din  sa leeg ko.







"Hey, don't be shy.. Oh here oh mag play ka muna.." di umaangat at kanyang ulo habang tinatanggap ang phone ko.





Tumingin ako kay Daddy na daig pa nakakita ng multo sa putla habang tinitignan si Em-Em na busy na sa pag kalikot ng phone ko.







"Dad.?"  tumingin siya sa akin kaya kinunot ko ang noo ko. Inayos niya ang neck tie niya bago mag salita.







Umangat ang ulo ni Em-Em at napatitig kay Daddy. Sumilay bigla ang ngiti niya ng makita niya si Daddy kaya nag taka ako.








"Grandpa ...." masayang sabi ni Em-Em at kumawag sa aking pag kakakandong at tumakbo kay Daddy. Shit naguguluhan na ako..








"Elmo.." napatingin kami sa kaapasok lang na si James . Napatingin din siya kay Daddy na ngayon ay yakap na si Em-Em . Namutla din ang muka ni James.







"Ninong..." masayang sigaw ni Em-Em kaya lalo akong naguluhan.





Grandpa ? Ninong? Kilala nila si Em-Em? Fuck?!







To be Continued..


An: Yan na mga inday sa mga walang sawa sa pag PM na mag UD na ako 😂 sabi kasi sa inyo sa Monday na eh..



Hala sige mabitin tayo pare pareho.. HAHAHA 😂😂😂


Ciao 😂😂😝✌💖

Playing Games, Breaking HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon