53

783 50 27
                                    





"Julie..." napakunot ako ng noo ng biglang tumawag si Mommy sa akin at nangangamba ang kanyang boses.





"Bakit po My.?" tumingin ako sa orasan sa opisina . Maya maya lang ay mag uumpisa na ang meeting.





"J-Julie.. a-anak.. si Ema n-nawa wala .." kumabog ng malakas ang puso ko.. Shit.. "J-Julie.."





"Nasan kayo Mommy?" pilit kong kinakalma ang sistema ko kahit na na nginginig na ang kamay ko.






"Nasa park kami kanina.. Tapos tumawag ang daddy mo.. Sabi ko wag siyang aalis sa swing na inuupuan namin .. Then pagkatapos naming mag usap ng daddy mo wala na siya... Anak .. Sorry.." hagulgol na kwento ni Mommy sa akin. Shit sana naman walang mangyaring masama sa anak ko..





Sasabihin ko na kay Elmo please God wala sanang mangyaring masama.. Sasabihin ko na talaga  please lang..






"Julie, tara na at tinatawagan na ako ni Ti-- shit bakit ka umiiyak? At namumutla?" agad na hinipo ni James ang aking noo. "Ayos ka lang ba ? Shit Julie mag salita ka.." napahagulgol na ako sa kanya at agad niya na akong niyakap.







"James, tulungan mo ako.. nawawala si Ema.. James natatakot ako.." sunod sunod ang mahihinang mura ni James habang inaalo ako.






"Saglit tatawag ako ng mga tutulong sa ating mag hanap. Tatawagan ko din si Nadine. Okay.? Kumalma ka muna Julie.. Dadaan din tayo kay Tito para humingi ng tulong.." kinabahan ako sa sinabi ni James kaya napatingin siya. "Wag kang mag alala .. Mukang di pupunta si Elmo.." tumango nalang ako , pero nandoon pa din ang kaba ko.





Palakad lakad si James habang may mga tinatawagan sa telepono . Agad ko ding tinawagan si Mace at si Mommy na kasalukuyan nang nag hahanap.






"Tara na Julie .. Lets go.. " tumango ako kay Nadine habang inaalalayan akong tumayo "Wag kang mag alala mahahanap natin si Ema .. Marami na tayong nag hahanap sa kanya.." naiyak nanaman ako. Shit paano kung masamang tao na punta ang anak ko? Di ko talaga mapapatawad ang sarili ko.




Karma na ba 'to sa akin? Kasi tinago ko sila at di ko sinasabi kay Elmo? Pag nakita ko si Ema sasabihin ko na talaga kay Elmo.








"Julie, Tumahan ka na.. "nasa loob lamang kami ng sasakyan. Makulimlim ngayon. Mas lalo akong natatakot dahil takot si Ema sa kulog at malakas na ulan.







"Nadz, paano kung di makita si Ema? Di ko mapapatawad ang sarili ko .. Ang sama ko talagang ina." tumango ako at niyakap ako ni Nadine nasa likuran kami ng sasakyan. Habang si James ay sunod sunod ang sagot sa mga tauhan niya na nag hahanap kay Ema.







"Hindi Julie.. Mabuti kang ina.. Diba nga napalaki mo sila ng tama at mababait? Mahahanap natin ang anak mo." gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinabi ni Nadine kaya yumakap ako  sa kanya.









"James anong balita?" tanong ko ng medyo matanaw na namin ang building nila Elmo. Medyo traffic kaya natatagalan kami.






"Shit, halika na Julie .." sabi ni James at bumaba na kami at tinakbo na namin ang building . Pag tapak palang namin ay lumakas na ang kabog ng aking puso.









"Ayos ka lang?" tumango ako at sumakay na kami ng elevator . Agad pinindot ni James ang floor na pag tutunguhan namin.













Playing Games, Breaking HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon