24

714 31 0
                                    




"Earth to Julie Anne San Jose .." napatingin ako sa screen ng laptop ko . Kausap ko nga pala si Mace. "Kanina ka pa matamlay.. What happened? Ayos ka lang ba.? Sobrang lutang mo.." kumento niya.




Na alala ko nanaman ang babaeng kahalikan ni Elmo sa Locker room. Alam ko kasing nag tampo siya dahil sinabi na rin ng freshmen student na nag abot ng phone ko.





Pinanonood ko buong practice game niya at first wala siyang laro kaya nag pasya akong magpakita na para naman ganahan na siya.





And gumana nga pumasok lahat ng shooting niya. Kaya ng matapos ang practice game nila ay bumili ako ng Gatorade niya . Kasi alam kong wala nanaman siyang dala.






Tinanong ko si James pag balik ko dahil narin wala si Elmo sinabi naman ni James na pumunta na ng locker room nila.







Pag pasok ko ay ang eksenang nakita ko ay ang paghapit ni Elmo sa Babaeng napaka pamilyar sakin. Nanlaki ang mata ko ng halikan siya ni Elmo at yumakap naman ang babae sa leeg niya. Sumikip ang dibdib ko sa eksenang iyon.








Parang dinudurog ito. Akala ko ba papatunayan niyang totoo ang sinasabi niya? Mukhang laro parin ang ginagawa niya. Tangina kasi bakit ba ako nag papauto ? Bakit ba ako nag papadala sa kilig?










Nabitawan ko ang hawak ko ng laliman pa nila ang bawat halik nila. Tumakbo na ako paalis.






Rinig ko ang pag tawag ni Elmo pero dumiretso ako ng takbo papunta sa gate at agad na pumara ako doon ng taxi.











"Hoy.. Ano ba ? May ka usap ba ako? Kasi i feel like I'm talking to a zombie.. Ano ba?" bulyaw sakin ng kaibigan ko. Inirapan ko nalang siya at sumandal sa headboard ng kama ko.










"Kamusta na si Tita?" pag iiba ko ng usapan. Ayoko nang isipin si Elmo lalo lang sumisikip ang dibdib ko. At natatakot na ako sa nararamdaman ko, ayoko kasing matulad kay Mama na durog na durog nung pinalaya niya na si Papa.








"Ayun.. Kinakaya niya na kasi may nakakatulong na siya kay Colton . Ikaw? Kamusta ang loverboy mo?" na alala ko nanama ang bwiset na eksena na nakita. Parang gusto ko tuloy mag ka amnesia bwiset para limot ko lahat sa sakit na nararamdaman ko.








"Wala.. Sige na may gagawin pa kasi ako.. Bye love you babe.. Ingat ka dyan." sabi ko ng tuloy tuloy at di ko na siya hinayaang mag salita at pinatay ko na ang linya ng tawag naming dalawa.











Fuck this life..









•••••••




Pag pasok ko sa school kinabukasan ay matinding kaba ang nasa loob ko. Di ko malaman ang dahilan kung bakit at naasar na ako. Di naman kasi ako ganto ka kabado pag pumapasok.











Dumiretso agad ako sa classroom ko at andun na si Elmo na tahimik lamang na nakayuko. Habang si James ay abala sa kanyang cellphone.








Umupo nalang ako at di ko na sila binigyan ng atensyon pa. Nag lagay ako ng earplug kahit wala namang tutog . Gusto ko lang makaiwas sa kanila. Nakita ko kasing mag sasalita silang parehas.












"Bakit nag iinarte ang girlfriend mo pare?" tanong ni James nag patay malisya muna ako. Kahit sa loob loob ko gusto ko nang gilitan ang leeg niya.














"Nag selos lang pare alam mo naman na mahal na mahal ako ng babe ko.." sa peripheral view ko ay kitang kita ko ang pag kindat niya.








Uminit ng matindi ang pisngi ko.. Shocks taena kang Magalona ka tantanan mo ako. Yumuko nalang ako ng pa simple para itago ang nangangamatis kong muka.













Sarap patayin ng magkaibigan na ito.. Dudugtungan pa sana ni James ng dumating na ang prof namin. Inalis ko na ang nakasalpak sa tenga ko at umayos ng aking pag kakaupo . Ganun din naman ang ginawa ng dalawa.















Natapos ang klase namin na wala akong natutunan. Bwiset kasi yung dalawang katabi ko walang ginawa kundi ang mag landian.









Palabas na ako ng hablutin ni Elmo ang mga librong bitbit ko kukunin ko sana ng ngumuso siya sa akin.








"Subukan mong kunin hahalikan kita.. Halika na sabay na tayo mag lunch.." naka ngiti pang sabi niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin . At nauna na akong mag lakad.









Kahit punong puno na ako pinipigilan ko ang masigawan siya. Pag kaupo ko siya naman upo niya sa tabi ko may kasama pang akbay.










"Anong gusto mo babe?" tanong niya at di ko nalang pinansin. Nag beep ang phone ko at nag text si Lance.





Lance:

Lunch.?





Nag aalangan akong sumagot dahil narin katabi ko si Elmo at alam kong nakita niya na si Lance ang kausap ko.








Bigla nalang nawala ang phone ko . Dahil narin sa inagaw ito ni Elmo at kita ko ang pag bura nito sa text ni Lance.










"Ano bang problema mo?" sigaw ko sa kanya. Nakakapikon na kasi.







"Anong order mo?" halatang ayaw niya sabayan ang init ng ulo ko.







"Sumagot ka anong problema mo? Bakit nag seselos ka? Wag kang mag selos kasi may girlfriend ka na diba? Yung k-kahalikan mo sa locker room niyo? Ano bang inaarte mo?" hinihingal na sabi ko at pinipigilan ko na wag bumuhos ang luha ko.













"Ju-"







"Hindi... Wag mong banggitin ang pangalan ko.. At wag ka na ring lalapit pa sa akin..." sigaw ko at inagaw ko sa kanya ang cellphone ko at binitbit ang mga gamit ko.












Pinilit kong wag bumagsak ang luha ko. Tumakbo na ako palabas ng school at umuwi. Di ko na pinasukan ang mga susunod kong klase kasi paniguradong lutang lang ako.









Sumakay na ako ng taxi at doon ko na binuhos ang buong emosyon ko. Wala na akong pake sa Driverb pahikbi ko na ring sinabi kung saan ang address ko.








"D-Dyan n-nalang k-kuya..." inabot ko na ang 500 ko "Sayo na ang sukli kuya.." tumingin siya sakin. At ngumiti










"Alam mo ma'am.. Tangatanga ang nag papaiyak sa mga katulad mong babae.." sabi niya habang pababa na ako. "Salamat ho dito Ma'am.. Lahat po nadadaan sa mabuting usapan.."









Pumasok na ako at pinatay ko ang cellphone ko at nag mukmok sa kwarto ko. Gusto kong ilabas tong nararamdaman ko kaso malayo naman si Mace.











Siguro nga nahulog na ako...



Lalo akong naiyak ng maiisip ko iyon.













To be Continued....

Playing Games, Breaking HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon