43

684 39 8
                                    


Pag katapos kong makausap si James ay agad akong pumasok sa kwarto rinig na rinig ko mula sa labas ang pag tawa ni Mommy habang kausap ang Kambal.





Napalingon si Mommy sa gawi ko at agad na nawala ang kanyang ngiti. Humarap agad siya sa dalawa na ngayon ay nag kukurutan ng pisngi sa harap ng camera.




"Mga Baby mag uusap lang sila mamu at mommy okay? Tatawag ulit si Mamu later. " tumango ng sabay ang dalawa at nag call ended na.





"Limang taon mong tinago ang mga apo ko?" walang emosyong sabi ni Mommy habang nakaupo sa kama ko.





"I'm sorry.. Naksidente ako nung araw na malaman kong buntis ako. " nakayuko kong sabi kay Mommy kahit si Mommy lang ang pag sabihan ko. Gusto ko nang bawasan ang bigat na dinadala ko.





"May bumundol sa aming itim na sasakyan ako ang nahagip dahil agad na hinigit ni Elmo si Jane. Puno ako ng galit ng araw na yun kaya wala akong sinabihan. And when the doctor said na maayos ang lagay ng baby. Pinasabi ko na wag sabihin kahit kanino sabihin lang niya na nawala ang anak ko." maya maya ay naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Mommy . Doon ko na nabuhos lahat ng sakit na daladala ko.







"Sasabihin mo ba kay Elmo?" tinignan ko lang si Mommy at umiling . Ayoko natatakot ako na kunin niya sa akin ang mga bata at ayoko na mang gulo pa sa buhay niya.






"May karapatan siya sa mga bata wag mo namang ipag kait iyon sa kanya. "



"My. Natatakot ako.. Paano kung kunin niya sa akin yung kambal natatakot ako sila lang ang meron ako."






"Dalhin mo rito ang mga bata.." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mommy. "Ipapaayos ko ang mga papeles nila kay Mace at ipapagawa ko na sila ng VISA ." lumabas na si Mommy ng kwarto ko at napaupo nalang ako sa lapag. Habang malakas ang kabog ng puso ko.








May tumatawag sa telepono ko kaya agad ko itong sinagot kahit na number lang ang nakita ko.





"Hello.?"





"Julie , if you want a job kaylagan ko ng secretary.." narinig ko sa kabilang linya ang boses ni James paano niya nalaman ang number ko?




"Kasi.. One month l-"




"Di mo sasabihin kay Elmo ang tungkol sa kambal? Julie ayokong makielam pero kung aalis ka rin pag katapos ng buwan na ito . Ibaba ko na ang tawag at agad kong tatawagan si Elmo at sabihin ang lahat lahat sa kanya."





Kumabog nanaman ang aking dibdib ng sabihin iyon ni James . Tangina wala na akong kawala kay James.








"No, no.. Please sige na ako na ang kakausap kay Elmo please let me think.." pag mamakaawa ko.






"Okay, just call me pag nakapagdesisyon ka na. " agad na binaba ni James ang tawag . Tangina naiipit na ako sa dalawang bato.



Si Mommy iuuwi dito ang kambal tapos yung kay James pa. Ano na ang gagawin ko ? Paniguradong ipag tutulakan ako ni James sa hinayupak niyang kaibigan . Habang si mommy sabik sa apo.









•~•~•~•







Tinawagan ko si James matapos ang isang linggo. Gusto ko nang tumakas pero may pamasid masid sa paligid ng bahay. Shit ka talaga James.





"Yes?" halata ang saya sa boses niya ng tawagan ko siya. Napairap nalang ako .








"Tatanggapin ko na ang trabahong inaalok mo.."







"Talaga?" excited niya sabi "Well mag simula ka na bukas .. Mag i-text ko nalang sayo ang Add--"








"Wait, kaninong secretary? " tumawa siya sa kabilang linya kaya kumabog ng husto ang dibdib ko sa kaba.







"Wag kang mag alala kakahanap lang ni Elmo ng secretary kaya ako ang magiging amo mo.. Nag seselos kasi si Nadine sa secretary ko kaya pinapatanggal niya . Kaya nag hahanap ako ngayon at tamang tama kaylangan mo .." napahinga ako ng malalim ng sabihin iyon ni James. Di pa ako handa na makita o makausap si Elmo.








"James , bakit ang ingay mo .." nanginig ang kamay ko ng marinig ko ang boses na iyon kumabog ng malakas ang puso ko gusto niya na yatang kumawala. Fck








"Wala pare masaya lang akona nakahanap na ako ng bagong sekretarya. Alam mo na nagagalit na si Kumander.." gusto kong ibaba pero di ko magawa gusto ko pang marinig ang pag uusap nila.










"Talaga ? Baka lalo lang mag selos si Nadine sa pinalit mo? "







"Sira alam kong aprub si Nadine dito . " masayang sabi naman ni James "Baka kunin mo pa nga eh.." kinilabutan ako sa sinabi ni James kaya pinatay ko na ang linya.








"Mommy, can wait to see you na.." masayang mahayag ni Ema na ngayon ay nagaasyos na si Mace ng gamit ng kambal pati narin ng kanya.







"Really? Maiinit dito sa Philippines walang snow .." ngumuso siya pero agad namang ngumiti




"It's okay Though .. I want to try a new environment  .." natawa si Mace ng sabihin iyon ni Ema . Si Jan-Jan ay busy sa pag gaya ng pag tutupi ni Mace .









"Kuya, ikaw excited ka din ba ?" lumingon siya sa akin at may naaninag akong nakasuot sa kanyang leeg pero di ko nalamang ito pinansin.






"Sort of.." simpleng sabi niya kaya tumingin si Mace sa kanya ganoon din ang ginawa ko.









"Kids baba na kayo doon nakahanda na yung food niyo kaya kain na kayo doon." agad na tumayo si Jan-Jan at inalalayan na bumaba ng kama si Ema mag kahawak kamay silang lumabas ng kwarto.









"Kamusta?" tanong agad ni Mace ng makalabas na ang kambal. "Nag kikita ba kayo ni Elmo?"







"Hindi pa .. Sana nga di pa ako handang makita siya at makita siya ng mga bata.."







"Paano sila Jane at Daddy mo alam na ba nila ang tungkol sa dalawa?" umiling ako at huminga ng malalim.






"Lilipat ako ng Condo ko dati sa BGC doon na din kayo dumiretso ng kambal tapos tatawagan ko nalang si Mommy kung nakarating na kayo." tumango nalang si Mace.








"Ayos lang ba ang trabaho mo?"







"Oo, nakakaisang linggo palang naman ako kaya di masyadong busy."





"Buti at hindi kayo nag kikita ni Elmo?" umiling ako sa kanya .






"Minsan lang daw pumunta si Elmo sa building ni James . At si James ang madalas na dumadalaw kay Elmo kaya wag daw akong matakot." tumango si Mace .






"Sige na ikiss mo nalang ako sa mga bata bye.." pinatay ko na ang tawag at nahiga ulit ako sa kama.









"God .. Ikaw nang bahala kung sa kaling mag kita ang mag aama ko.."









To be Continued..

Playing Games, Breaking HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon