65

635 23 0
                                    



Abala ang lahat sa bahay dahil ngayon namin kakausapin ang pamilya ko at pamilya ni Elmo tungkol sa kasal. At kanina pa ako di mapakali sa pag iisip kung anong sasabihin nila Mommy at Daddy na bumabyahe na ngayon papunta dito sa bahay ng Ama ni Elmo.




"Ayos ka lang ba? Bakit parang di ka mapakali dyan.. Namunutla ka.." hinawakan ni Elmo ang kamay ko at binigyan ako ng nag aalalang tingin.

"Kinakabahan ako.. Paano kung di sila sumang ayon? Paano kung ayaw nila..?" hinalikan ni Elmo ang noo ko pababa sa aking ilong pag katapos ay hinalikan niya din ang mag kabilang pisngi ko.

"Papayag sila.. Di na tayo mga bata kasi gumagawa na tayo.." sinapak ko ang braso niya nakakaasar babanat pa ng ganun kitang kinakabahan na nga yung tao.. "Joke lang.." tawa niya pa sa akin . "Mahal kita at kung may tutol man pakakasalan parin kita." nginitian niya ako at sinuklian ko naman ang kanyang pag ngiti.


"Mommy.." napahiwalay kami ni Elmo ng pumasok si Ema sa kwarto. "Hinahanap ka po ni Mamu." kumabog na ang dibdib ko sa sinabi ni Ema andyan na sila Mommy.. Binuhat na ni Elmo si Ema at sabay na kaming bumaba.

"Julie, Anak!" masayang salubong ni Mommy sa akin ng makita niya ako tumingin ako kay Daddy na nakangiti habang hawak si Jan-Jan so ibig sabihin sinabi na ni Mommy ang tungkol sa kambal. Tumingin ako kay Mommy at tumango siya habang nakangiti.


"Magandang Hapon Mr and Mrs San Jose .. Ako nga pala si Ely or mas maganda kung El nalang .." tumango sila Mommy at nag kamayan pa.


"Di na natin kaylangan maging pormal El, kilala na natin ang bawat isa.." nakangiting sabi naman ni Daddy.


"By the way.. Nasan pala ang isa mong anak?" nanlamig ang buong katawan ko sa tanong ng Daddy ni Elmo. Mabuti nalang at hawak ni Elmo ang bewang ko.



"Umuwi ng state.. Mas gusto niya na daw doon.. Eh yung panganay mo?"

"Tulog pa.. Halika na at kumain muna tayo.. Para makapag kwentuhan tayo.." anyaya naman ng ama ni Elmo sa magulang ko.





Nang sumapit na ang gabi ay nakaayos na ang lamesa sakto para sa bilang namin . Nakahanda na ang lahat sa hardin nila Elmo doon napili ng kanyang Daddy.


Napatingin ako kay Ate Alice na kanina pa di mapakale sa kinauupuan niya. Abala ang mga magulang namin sa pag uusap kaya di napansin ang pagiging aligaga ni Ate Alice.



"So.. Para saan nga ba ang dinner na ito ? " tanong ni Daddy. Hinawakan ni Elmo ng mahigpit ang aking kamay kung saan nakasuot ang sing sing na ibinigay niya sa akin.


"Uhm..  Ma'am and Sir.. Hihingin ko po ang approval niyo para sa pag papakasal namin ni Julie.." sabi ni Elmo at hinalikan ang kamay ko.

Kinabahan ako nag katinginan si Mommy at Daddy . Pinunasan ni Mommy ang gilid ng kanyang labi gamit ang tissue .

"Mom.. Dad..."



"Balae ..." tanging sabi ni Daddy at humarap sa daddy ni Elmo. At nag kamayan pa sila napahinto lamang kami ng tumayo si Ate Alice at umalis bigla.


"Elmo.." tumango si Elmo sa akin at tumango. Tumayo kami bago mag paalam sa aming mga magulang para kausapin si Ate Alice.






Nakita namin siya na naninigarilyo sa labas ng bahay hinawakan ni Elmo ang kamay ko at sabay naming pinuntahan ang ate ni Elmo. Nang maramdaman niya ang presensya namin ni Elmo ay napalingon siya sa amin at pinatay ang kanyang sigarilyo.



"Ate.."



"Elmo, wag niyo nang ituloy ang kasal.." nagulat ako sa sinabi ng ate ni Elmo.


"Ano nanaman ate? Tutol ka? Wala akong pake.. Kung ayaw mo edi wag kang pumunta.. " nag taas na ang boses ni Elmo kaya hinawakan ko ang braso niya at hinaplos ito para pakalmahin siya.




"Elmo, may hindi magandang mangyayari.. Sige na sumunod ka na sa akin ayokong mapahamak mga pamangkin ko o kahit sino.. Sige na.."  halatang takot ang tono ng ate ni Elmo na ikinakunot ng noo ko.






"Shut up ate... Alam kong galit ka kay Julie kaya ka ganyan.. Pero sorry nalang kasi di ako maniniwala sa mga kwento mo.. Halika Julie.. Ayokong mag mukang pinipilit natin siya.. Di siya mahalaga sa kasal.."






"Elmo please.." hinila na ako ni Elmo at hinahabol pa kami ng ate niya at sinusibukang hawakan ang braso niya ngunit iniiwas niya lang 'to sa Ate niya.






Bigla aking kinabahan sa mga sinabi ng ate ni Elmo. Merong di magandang mangyayari? Diyos ko wag naman sana..







"Ayos ka lang.?" napatingin ako kay Elmo . Kakatapos lang naming ihatid sila Mama sinama nila ang kambal ibabalik naman daw nila kinabukasan. Wala na kaming nagawa dahil gusto din naman ng kambal.






"Yeah.. namiss ko agad yung kambal.." hinalikan ni Elmo ang tuktok ng ulo ko "Wag na tayong mag lokohan Julie.. Kilala kita... iniisip mo parin ba yung mga sinabi ni Ate.?" huminga ako ng malalim bago tumango ng dahan dahan.





"Okay.. Para kalma ka sa kasal mag papahigpit ako ng seguridad .. Okay?" ngumiti ako at tumango. "Bukas kakausapin ulit tayo ng mga organizer ng kasal tapos diba yung designer ng gagamitin mong gown ay bukas mo din kakauspin?" tumango ako "Oh.. Sakto mag kita nalang tayo pag tapos mong kausapin ang designer para sabay na tayong mag dinner.." niyakap ko nalang si Elmo at siya naman at hinalikan ng paulit ulit ang aking noo.







"Good night .. I love you Julie.."






"I love you too , Elmo.."






To be Continued.

Playing Games, Breaking HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon