63

849 24 0
                                    



Nagising ako sa maliliit na halik na ibinibigay ni Elmo sa aking balikat. Inayos ko ang comforter na naka balot sa katawan ko.


"Thank you for the wild one.." nag init ang pisngi ko sa sinabi niya. Hinampas ko ang kanyang balikat dahil sa sinabi niya. Pero ang loko tinawanan lamang ako.


"Letse.." sabi ko at inangat ko ang comforter hanggang sa aking ilong . Ayokong makita niya ang pamumula ng aking pisngi.



"What.? " tawa niya pa . "I love you.." ngumiti ako ibinaba niya ang comforter at hinalikan ang labi ko ng maba babaw na halik.

"I love you too.." sabi ko sa pagitan ng bawat halik niya . Umibabaw siya sa akin kaya napangiwi ako. I'm still sore !


"I'm sorry Honey pero kaylangan kong ilabas 'to.." hahampasin ko dapat siya kaso ikinulong niya ang kamay ko at hinalikan na ako ng malalalim na halik.


And we made love again..




~•~•~



"Bye bye Yuan.." kumaway ang anak kong babae kay Yuan ng pasakay na ito ng sasakyan . Kakalabas lamang namin ng Airport. Habang si Elmo ay kinuha na ang sasakyan namin. Kumaway si Yuan kay Ema at ngumiti.




Nang makaalis na ang kotse nila James ay pinasakay ko na ang mga bata ng pumarada sa harap ang kotse ni Elmo. Kinabitan ko muna ng seat belt si Ema habang si Jan-Jan ay siya na mismo ang nag kabit.



Mahaba ang binyahe namin. Lumagpas na kami sa condo na tinutuluyan namin. Hindi ko nalang itinanong pa kay Elmo kung saan ang tungo namin. Hanggang sa pumasok siya sa isang exclusive subdivision .


Bumusina siya sa tapat ng napakalaking Gate na may pag ka makasinauna  ang design. Bumukas ito at pumasok. Bumaba siya kaya bumaba na din ako. Binuksan ko ang pinto ng side ni Ema at sa kanya si Jan-Jan . Tulog na tulog kasi ang kambal.


May mga katulong na sumalubong at kinuha ang mga gamit namin. Mag tatanong na sana ako kay Elmo ng bumukas ang double doors ng bahay at iniluwa nito ang ama ni Elmo . Kumunot ang noo ko pero pinilit kong ngumiti habang si Elmo ay inayos ang pag kakabuhat kay Jan-Jan.



"Mabuti naman at naka rating na kayo.. Kumain naba kayo? Kamusta ang meeting ? Yung mga apo ko kamusta?" andami niyang tanong pero di sumagot si Elmo. Ngumiti ako sa kanya ng tumingin siya sa akin.




"Ayos naman po kami.. Pagod po yung mga bata kasi puro pasyal ang ginawa . Yung meeting naman po natapos agad ni Elmo.." ngumiti ako.




"Halina at pumasok na kayo sa loob. Para makapag pahinga na kayo at ng mailapag niyo na ang apo ko sa kwarto niyo.. Aah Elmo, sa kwarto mo na kayo matulog pinaayos ko na iyon.." tumango lamang si Elmo at pumasok na . Sumunod na ako ngumiti muna ako sa ama ni Elmo bago sumunod ng tuluyan.




Pinalitan agad ni Elmo ng damit ang mga bata. Pumasok na ako sa kwarto para makapag linis ng katawan. Pag labas ko ay tulog na si Elmo. Umiling nalang ako ng di man lang naka pag hubad ng sapatos. Hinubad ko ito at inayos ang kanyang pagkakahiga.




Nahiga na ako sa kabilang dulo habang si Elmo ay nasa kabilang dulo . Niyakap ko ang kambal naramdaman ko nalang ng hawakan ni Elmo ang kamay ko na nakayakap sa kambal.




~•~





Nagising ako sa ingay ng kambal sinubukan kong gumalaw ng biglang humigpit ang yakap ni Elmo sa akin. Tumingin ako sa kanya at ngumiti siya sa akin.




"Good Morning Babe.." humalik pa siya sa aking pisngi. Ngumiti ako at hinawakan ang pisngi niya.


"Good Morning din Babe.."






"Mommy.. I'm hungry.." bumangon na si Elmo at bumangon narin ako. Pumasok ako sa loob ng banyo para makapag hilamos. Pag labas ko ay tsaka palang binuksan ni Elmo ang pinto.





Sabay sabay kaming bumaba habang ang kambal ay nag titingin tingin. Habang pababa ng hagdan




"Morning.." masayang salubong ng Ama ni Elmo kila Jan-Jan agad naman na nag pakarga si Ema sa kanyang lolo. "You're so Heavy.." sumimangot si Ema sa sinabi ng matandang magalona .



"I'm not.. " tumawa naman ito sa sinabi ng kanyang apo. Natawa kami ni Elmo. Tumungo na kami sa dining para maka pag almusal na.







Masayang kumakain ang kambal habang di nauubusan ng kwento kung ano ang mga pinag gagawa nila sa Cebu.




"Mommy, ano nga po ulit yung malaking fish yung maraming spots.."



"Butanding anak.."


"Yeah that one lolo.. Its so big po.. Tapos pinapakain po namin.. Tapos lolo lumalapit sila.."  humagikgik si Ema . Tumawa kami sa mga kwento niya .





Tapos ang almusal at tumakbo ang mga bata sa labas ng bahay ng makita nilang may mini play ground doon. Nag siso si Ema habang si Jan-Jan ay nag slide..





Tinitignan ko lamang sila habang nag lalaro ng biglang yumakap si Elmo mula sa likod ko. Hinalikan niya ang leeg ko at sabay naming pinanood ang kambal na tuwang tuwa .




"Playground namin dati ni Ate Alice yan.." sabi niya.


"Nasan nga pala ang ate mo?"


"Umalis ng bansa.." tumango ako at kumaway kay Ema natuwang tuwa.



"Pag nag kabahay na tayo katulad ng ganto.. Papalakihan ko ang playground.." ngumiti lamang ako at sumang ayon sa gusto niya.




Nang matapos na ang bata sa kanilang pag lalaro ay bumalik na kami sa kwarto . Dahil narin sa gusto ni Jan-Jan na mag movie marathon kaya pinag bigyan na ni Elmo ang anak.




"Daddy ! I want X-Men.." tumingin ako kay Elmo na nag aayos ng kanyang laptop habang si Jan-Jan ay umayos na ng pwesto at si Ema ay nag papaayos ng buhok niya sa akin.






"You want X-Men Apocalypse ?" tumango si Jan-Jan. Mag kasundo talaga sila sa mga ganoong bagay..



Nag sisimula palang ay inaantok na si Ema mas gusto niya kasing panoorin ay barbie or sofia the first. Tumingin ako kay Elmo at Jan-Jan na seryoso ang muka mag kamukang mag kamuka talaga pati ang pag kunot ng noo. Napangiti nalang ako at nakinood nalang din.





"Daddy, if magiging mutant ka sino ang gusto mo.?" tanong ng anak namin.




"Hmm.. Clyclops and your mommy will be Jean Grey.. " aniya tumawa naman si Jan-Jan sa sinabi ng Ama niya.





"Kasi loveteam sila? Ang corny mo Dad.." natawa ako sa sinabi ni Jan-Jan. Tumawa din si Elmo at kumindat pa sa akin.






"Okay kung ayaw mo.. Si Professor X nalang tapos si Mommy mo si Moria.?" umirap ulit si Jan-Jan sa ama.





"It's the same.. "






"Okay kung ikaw ay magiging mutant sino ka?"







"Quick Silver and Nightcrawler " ngumiti nalang si Elmo at ginulo ang buhok ni Jan-Jan.








"Sana wala nang maging problema pa."
Taimtim kong dasal.








To be Continued.

Playing Games, Breaking HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon