Epilogue 2.0

666 18 0
                                    




Ilang taon na ang naka lipas simula ng ikasal kami ni Elmo . Minsan ay may hindi kami pag kakaintindihan kung minsan naman ay tungkol sa pag papalaki namin sa aming tatlong anak.





"Kaylangan mo ba talagang gawin yun? Dalaga na si Ema at gusto niya na din bumukod. Wag mo naman pag higpitan kasi kayong mag ama ang mag kakasira sa ginagawa mo." sabi ko kay Elmo na kinakausap si Dad tungkol sa pag papapunta niya kay Ema sa CDO .

Nag iba kasi si Ema simula ng dumating si Elly gusto niya lagi na malaya ang ginagalawan niya. Gusto niya na kung ano ang gusto niya yun ang dapat mangyari. And worst is bumaba lahat ng grades niya lalo na ngayong college na siya.



"Hon, I know mahirap 'to para sa iyo pero masyado nang masakit sa ulo ang pinag gagawa ni Ema . Ilang unit niya ang bagsak and tumatakas siya sa school para gumala .. 3 months lang pag di parin nag bago bahala na." napahinga na ako ng malalim at lumapit kay Elmo , hinalikan ko ang pisngi niya at ngumiti .




"Okay, alam kong stress ka na kay Ema pero wag masyadong mahigpit okay? Konting luwag .. And yung bunso mo kausapin mo din okay?" tumango nalang siya sa akin. Lumabas ako sa kwarto at nakita ko agad si Ema na abala sa kanyang phone at may ka usap ng makita niya ako ay agad niyang pinatay ang phone niya at yumuko. Tumabi ako sa kanya at inayos ang buhok niya.





"Baby, ano bang nangyayari sayo?" tanong ko at inipit ko ang buhok niya sa kanyang likod ng tenga.



"Mommy, si Daddy mask.. I just want to be independent like kuya Jan .. Pero lagi nalang tutol si Daddy and lagi niya akong pinasusundan sa mga bodyguards niya." ngumiti lang ako at hinawakan ko ang pisngi niya.







"Anak, ayaw lang ng daddy mo na baka mag kamali ka or masaktan ka. Natatakot siyang pakawalan ka pa. Natatakot siya na baka pag pinakawalan ka na niya di ka na makabalik pa. Gusto ka lang niya na matuto muna bago ka pakawalan ng sa sarili mo."




"Mommy, dapat po hayaan ako ni Daddy kasi sa mga pag kakamali ko iyon dun ako matututo at kung sakaling may ma-encounter ulit ako na ganoon alam ko na po ang gagawin ko. Mommy convince daddy na wag akong ipatapon sa CDO ayoko dun." hinalikan ko ang noo ni Ema at ngumiti.




"Just 3months lang honey.. And pakita mo sa daddy mo na kaya mo na at di ka na mahina." yumakap lang sa akin si Ema at umiyak. Haaay, siya parin talaga ang baby ko.





"For the mean time pwede bang bigyan mo ng napakaraming confident ang kapatid mo?" umirap siya bago tumango sa aking hiling.





Pumanhik na siya at dumiretso sa kwarto ni Elly. Ako naman ay pumasok na sa kusina at tinignan ko ang mga katulong na gumagawa ng red velvet cake  kaya nag taka ako.





"Para ho kanino iyan?" tanong ko.



"Kay senyorita Ema po.."napailing nalang ako talaga iyong batang iyon kahit na di naman kumakain ng cake basta may iutos lang.





"Pag tapos niyo dyan wag niyo nang ibigay kay Ema kasi di naman niya iyan kakainin . Ang mabuti pa at bumili kayo ng marshmallow kasi naubos ni Elly yung stock magagalit yung si Ema pag wala siyang nakita sa ref." agad na tumugon ang isang katulong sa sinabi ko.





----







"Si Mommy po?" napa angat ang ulo ko habang nag babasa ng libro ng may marinig akong boses na matagal ko nang gustong makita. Nag tagpo ang mata namin at agad siyang tumakbo sa kinauupuan ko.




"I missed you Mommy.. Kamusta po? Si Elly nasaan?" napailing nalang ako at hinalikan ang noo ni Jan-Jan



"Ako ba talaga ang namiss mo o si Elly?" natawa siya sa aking sinabi at yumakap ng mahigpit sa akin.




"Ikaw tsaka si Ema tsaka si Elly.. Wala nang maingay sa condo ko di na nadalaw si Ema." kunot noong sabi niya.







"Pinadala na siya ng Daddy mo sa CDO.."Huminga ako ng malalim at tinignan ang aking anak na lumungkot ang mata.



"Si Daddy talaga.. Tiisin niya lang yung mga rant ng batang iyon.. Haay, eh si Elly?"





"Nasa kwarto niya at nag tutula yata iyon ng mga kanta ng bandang 5 second of summer ba iyon?"




Agad na umalis si Jan-Jan at pumasok sa loob . Ipinagpatuloy ko lang ang pag babasa ng libro ng biglang may bulaklak na bumalandra sa aking muka.





"Anong nanamang pakulo ito Mr.Magalona?" natatawang sabi ko ng kinuha niya librong binabasa ko at ipinatong ito sa katabi kong coffee table.





"Wala naman Mrs. Magalona gusto ko lang sabihin na mahal na mahal kita.. Kahit na gabi gabi ay ipinararamdam ko sa iyo kung gaano kita ka mahal" nanlaki ang mata ko sa binulong ni Elmo . Paniguradong mas pula pa ang muka ko kesa sa mansanas.




"Manahimik ka nga dyan.." sabi ko habang sumasayaw kami kahit walang tugtog. Natawa siya bago biglang lumayo ng bahagya ngunit nakahawak pa din siya sa aking bewang.





"Mahal na mahal kita Julie.. At mamahalin pa kita sa mga susunod na araw. Kayo ng mga anak natin ang aking kayamanan. At gagawin ko ang lahat para sa inyo." ngumiti ako hinawakan niya ang aking pisngi at inalis ang aking luha na dumaloy doon.





"Mahal na mahal ka din namin Elmo ikaw lang ang nag iisang Super bait na asawa at ama sa amin. Lagi mo iyang tatandaan." tumango siya at inalapit ang kanyang muka sa akin hanggang sa mag dikit na ang aming mga ilong. At unit unit nang nag lapit ang aming mga labi.




Yumakap ako sa kanyang leeg at yumakap naman siya sa aking bewang habang palalim na ng palalim ang aming halik. Ngumiti siya sa pagitan ng aming halikan at ganoon din ako at humiwalay na kami sa isa't-isa habang hinihingal.




"I love you Julie Forever.."




"I love you more Elmo.."





Nang dahil sa laro ay pinagtagpo kami. Nang dahil sa laro ay natuto naming mahalin ang isa't-isa ng dahil sa laro ng tandhana ay dinala kami sa isa't-isa.



Laro ng pag-ibig na parehas kaming nahulog at pinag laruan .




Laro na kahit kaylan ay di ko pag sisisihan at habang buhay kong aalalahanin.







The End.

Playing Games, Breaking HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon