59

784 43 21
                                    







Tumakbo lamang ako ng tumakbo. Hanggang sa mapagod na ako . Luminga muna ako sa aking likuran kung nakasunod pa din si Elmo . Pero wala na.






Ang sakit.. Tangina bakit kasi bumigay ulit ako ? Ano Julie di ka parin madala dala? Hanggang ngayon kayang kaya ka pa ding durugin ni Elmo.







Naupo nalang ako sa lilim ngpuno ng niyog. Tumingin ako sa dagat . Payapa lamang ito kahit gabi na.







"Isampal niyo pa." napairap nalang ako ng mapadpad ang mata ko sa isang grupo na nag aayos ng isang beach wedding.







Tanginang luha 'to di na ba mauubos? Napatingin ako sa babaeng naka dress na puti at may floral headband sa ulo. Napangiti nalang ako kahit na patuloy parin ang pag patak ng luha sa aking mga mata.







Paalis na ako ng may humablot ng braso ko. Nanlaki ang mata ko sa nakikita ko. Anong ginagawa niya dito?








"Anong...?" itinapat niya ang hintuturo niya sa aking labi at huminga ng malalim . Tinapik ko naman ang kanyang daliri kaya naalis ito.









"I'm sorry! Surprise ko dapat 'to sayo.. Please Julie Marry me.." nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi niya. Hanggang sa di na kinaya ang mga bwiset kong luha at kusa na silang tumulo.
















•~•~•~•~•













"I'm sorry! Surprise ko dapat 'to sayo.. Please Julie Marry me.." di ko malaman kung matutuwa ako sa pag iyak ni Julie. O matatakot! Sirang sira na ang ibang plano ko pero alam kong ito ang pinaka best way.









Umangat ang ulo niya . At napatingin ako sa kanyang muka na puno ng luha . Kinabahan agd ako sa tingin niya .








"Julie, will you be my wife? Please say yes!" ngumiti ako pag ulit ko ng tanong . Kinakabahan na talaga ako sa pag tahimik ni Julie.
















"Bakit.?" napatingin siya sa box na pula na hawak ko. At ibinalik niya ang kanyang tingin sa akin. "Bakit mo ko papakasalan? Kasi natapakan ko yung ego mo? Kasi iniwan kita noon? O nakikipag laro ka ulit? Or dahil plano niyo ni Jane?"  di ako makapag salita sa sunod sunod na tanong niya.











"Nag halikan kayo.. And now yayayain mo akong mag pakasal sayo? Bakit Elmo? Sumagot ka!" sigaw na niya sa akin . Napatingin ako sa wedding planner na si Sammy umiling ako sa kanya ng akmang lalapit siya. Ibinalik ko ang tingin ko kay Julie na may panibagong luha nanaman ang tumulo sa kanyang mga mata.










Gusto ko mang punasan ang mga iyon at yakapin ko siya ng mahigpit ay halatang ayaw niyang lumapit ako sa kanya.











"Mahal kita Julie .. Di ba sapat yun? Bakit ba laging akala mo na pag lalaruan lang kita? Bakit akala mo lagi na kaya ko ginagawa 'to kasi na tatapakan mo yung ego ko? Tangina Julie wala na akong pake sa Putanginang ego na yan.." pilit kong binababaan yung boses ko ayokobg sigawan si Julie.







"I'm sorry.. nagulat lang ako nung nakita ko si Jane! Nagulat ako nung hinatak niya ako at halikan. Siya ang humila sa akin , itinutulak ko siya . I'm sorry.. " hinawakan ko ang kamay niya . Umiiyak nanaman siya. Hinila ko na siya papalapit sa akin at niyakap.










Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan ko ang tuktok ng kanyang ulo. Ayoko nang makita na nasasaktan pa si Julie.









At ngayon ang araw na gusto kong ikasal kami. Tinignan ko sila James na papalapit na sa amin. Sinenyasan ko sila na mamaya na lumapit . Ngumiti ako sa kambal si Ema ay naka dress na white at may bulaklak sa ulo . Habang si Jan-Jan ay naka white polo at khaki short na light brown.











"Julie .." inilayo ko siya ng konti sa akin para maitanong ko ulit ang gusto kong itanong noon pa.












"Marry me.." tumingin ako kay Julie habang binubuksan ko ang pinag lalagyan ng singsing.













Nakatingin siya sa akin at naiyak nanaman. "Alam ko na lagi ka nalang nasasaktan sa pag mamahal ko. Pero Julie, lahat gagawin ko wag ka lang masaktan . Lahat ng bala na babaril sayo sasalagin ko wag ka lang madaplisan. Mahal na maha kita Julie.  And i want to give my twins a perfect Family.. Please Julie marry me.."













Nakatingin lamang siya sa akin. Kahit na nasasaktan ako ay pinipilit kong ngumiti. Kinakain nanako ng kabang nararamdaman ko habang nakatingin kay Julie na nakatitig lamang sa akin.











"Julie..." please Babe mag salita ka na natatakot na talaga ako sa ipinapakita mo.













Huminga siya ng malalim at tumingin sa mata ko. Tumingin din ako sa kanya na nag hahanap ng isasagot niya sa akin. Habang medyo shaky ma ang kamay ko pinipilit kong inormal ito.















"Its a No.." napatingin ako kay Julie. Tama ba yung narinig ko? Nanlambot na yung tuhod ko.








"No..." umiling pa siya bago umalis at lumakad papalayo. Napahinto pa siya ng makita ang kambal. At tumakbo na lang paalis.









"Bro.?" inabot ko sa kanya ang singsing at umalis na ako lugar na iyon.














Wala nang mas sasakit pa dito..







Ang sakit.








To be continued.


An: Sorry guys ✌✌✌ wag kayong magalit sa akin please 🙏🙏🙇🙇

Playing Games, Breaking HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon