49

750 46 23
                                    





Bwiset na magalona talaga 'to sana naman wag mag mana ang mga anak niya ng ugali niya. Ang sarap batuhin ng bag habang nakatalikod at papunta sa elevator.



"Kamusta?" sinuntok ko ang tyan ni James na tumawa lamang . Siraulo din ang isang ito . "Sayang dapat pala , pinakielaman ko ang cellphone ni Elmo at ginawa kong ringtone ang muling ibalik ang tamis ng pag ibig.." nang aasar na sabi habang patungo na kami sa direksyon ng elevator .






"Nakakabwiset talaga yang Magalona na yan.. Siya nga 'tong may kalandian tapos sa akin niya isisisi.." napipikong sabi ko . Medyo garalgal na ang boses ko , pinipigilan kong wag maiyak .




Yumuko ako at pinunasan ko ang patulong luha sa mata ko bumulong bulong lamang si James sa tabi ko.




Pag bukas ni James ng pinto ng conference room ay siyang ikot ng upuan ng nasa pinaka harap.



Tumingin din si Elmo sa gawi namin kaya yumuko lamang ako. Ayokong makita niya na umiyak nanaman ako. Sumunod lamang ako kay James ng mag salita ulit ang presindente ng kompanyang ito.







"So siya ang secretary mo James.?" tanong ng bigla ng preaidente . Agad naman sumagot si James .




"Yup tito.. Can we start na po?" tumango ito kay James at nag simula na ang meeting. Palihim kong nilibot ang tingin ko sa loob ng conference room . Lahat sila ay abala sa pakikinig sa nag sasalita sa harap. Napako ang tingin ko kay... Shit .? Ngumisi siya sa akin . Pag iwas ko ng tingin ay siya naman hampas ni Elmo sa lamesa. Kaya sa kanya nabaling ang atensyon ng lahat.






Napahinto din ng nag sasalita sa harap. Namumula ang mata ni Elmo miski ang leeg niya. Tumingin ako sa kamao niya na halos mawalan na ng dugo sa sobrang higpit ng pag kakatikom.







"Anong problema mo?" inis na tanong ng presidente ng kompanya . Umayos ng upo si Elmo at huminga ng malalim bago nag salita.






"Sorry Dad. Continue.." kompanya pala nila Elmo ito. Shit ito na ang huling punta ko sa lugar na ito.





Mabilis na tapos ang meeting . Agad na tumayo si James at lumapit sa tatay ni Elmo . Abala ako sa pag aayos ng gamit ko ng may maramdaman akong tumayo sa likod ko.







"Julie.." kinilabutan ako pag tawag ni Lance sa akin. Di ko siya nilingon ang tanging nilingon ko ay si James na busy parin sa pakikipag usap sa tatay ni Elmo. Shit talaga paanon ako makakatakas dito.









"Doon ka nalang sa kompanya ng Daddy mo mag trabaho . Bakit dito pa?" di ko siya sinagot at binabagalan ko nalang ang pag ligpit ng gamit ko.







"Wala ka nang pake doon .. Umalis ka na at hinihintay ka pa ng sekretarya mo." tumingin lamang siya sa likod ko. Pag harap ko ay nanlamig ang buong katawan ko. Shit na buhay 'to.








"Halika na Honey , diba may lunch date tayo.." sabi ni Lance matapos ikapit ang kanyang braso sa aking bewang at hapitin ako papalapit sa kanya. Tumindig ang balahibo ko nang bumulong siya at hinalikan ang pisngi ko.







Tinulak ko siya palayo sa akin . Nagulat nalang ako ng nasa lapag na siya at dumudugo ang kanyang labi. Shit.. Dadaluhan ko na sana siya ng hilahin ako Elmo papunta sa likod niya.








"Elmo/Son." sabay na sigaw ni James at Daddy ni Elmo. Mabuti nalang at kaming apat nalang ang natitira sa loob ng kwarto. Agad akong hinila ni James palayo . Agad niyang inalalayan ang pag tayo ni Lance, ngunit agad naman itong hinawi ni Lance.








"Ano bang problema mo?" sigaw ni Lance na akmang lalapit kay Elmo pero agad naman siya pinigilan ni James.






Napatingin ako sa ama ni Julie na umiiling iling at nakatingin lamang kay Elmo.







"Ikaw!  Tangina ka bakit ka ba nandito? Tapos dito mo pa napiling manglandi?" sigaw ni Elmo napayuko ako ng biglang humalakhak ang Ama ni Elmo.







"Siraulo ka ba ? Eh girlfriend ko siya anong paki mo?" nanlaki ang mata ko pati ni James habang nakatingin sa akin. Napalingon ako ng sumipol ang ama ni Elmo.







"Shitt.." sigaw ni Elmo at hinampas ang lamesa bago umalis at binagsak ang pintuan ng kwarto.








"Tara na Julie ihahatid na kita pauwi.." lutang akong tumango kay James . Tumingin muna ako kay Lance . Bigla ko nanaman naalala ang sinabi niya kaya kumulo ang dugo ko.







"Ayos ka lang ba?" tumango lamang ako . Pasakay na kami sa loob ng sasakyan ng may biglang yumakap sa akin mula sa likod.








"I'm sorry Julie.. Patawarin mo ako.. Alam kong wala akong karapatan na mag selos pero tangina Julie kahit anong pigil ko sumasabog agad ang selos ko.." kinilabutan ako sa mga sinasabi niya. Nakasubsob ang muka niya sa leeg ko.







"Julie , puma--" naputol ang sasabihin ni James ng makita niya ang ayos namin ni Elmo. "Sige! Usap muna kayo at may pupuntahan lamang ako.."









"James.." napahinto siya kaya kumunot ang noo niya sa akin. No di ko pa kayang makausap si Elmo .. Natatakot ako. "Elmo please.." sabi ko habang pinipigilan ang iyak ko at pinipilit kong kumawala sa yakap niya.










Nang makakawala ako ay agad akong sumakay sa loob ng sasakyan ni James . Agad namang sumakay si James na naka tingin lamang sa akin .








Pinaandar niya na ang sasakyan. Sumilip ako sa rear view mirror nakita ko kung paano sapakin ni Elmo ang pader sa sobrang gigil siguro.








Di ko kinausap si James sa buong biyahe . Agad akong bumaba pag karating namin sa condo building na tinutuluyan ko.







Papasok palang ako sa loob ng bahay ay rinig ko na ang tawanan ng kamabal . Iginala ko ang mata ko at nanlaki ito ng makita ko kung sino ang kasama ng kambal. Shit nasa meeting lang siya kanina huh.?!







Agad na lumapit si Mace sa akin namumutla naman itong kaibigan ko . Pero pakiramdam ko mas ako ang sobrang putla.








Tumingin ako sa dalawang body guard na nakatayo lamang . Nag uumapaw ang kaba ko sa nakikita ko. Halatang masyadong masaya ang kambal kaya di nila ako napapansin.








"Julie , ano na ang gagawin mo?" napatingin ako kay Mace. At umiling .





"Di ko alam .. Di ko alam.."










"Mommy..." napatingin ako sa kambal at ngumiti kahit na nilalamon na ako ng kaba.








"Can we talk ?" shit ngayon na ? Baka kunin niya ang kambal. Please sana wag naman..










To be continued...

Playing Games, Breaking HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon