47

694 41 14
                                    



"Akala ko ba wala kang pasok? Tsaka sabi mo diba na leave ka.." tanong ni Mace habang pababa ako sa hagdan.




"Ano pakiramdam ko kasi na madaming trabaho ngayon . Tsaka andami kong naiwan na gagawin. Tatapusin ko lang yun tapos sasabihin ko kay James na mag absent ako bukas para mapasyal natin yung mga bata." sinuot ko na ang aking stilletos .





"Okay ! Ingat ka.. Hey kids say byebye na to mommy.." tumakbo agad si Ema sa akin at yumakap sa aking binti . Ngumiti nalang ako at ginulo ang buhok niya. Dahil narin naka make up na ako kaya di ko siya magawang i-kiss kahit gusto ko . Nag kaka rashes kasi siya pag nadidikitan ng make up.





Tumingin ako kay Jan-Jan na naka tingin din sa akin . Ngumiti ako at nag flying kiss nalang , ngumiti naman siya at tumango na.


Nasa building na ako ng tawagan ko si James na papasok ako. At habang kausap ko siya ay natataranta na parang kinakabahan na ewan ang kanyang boses.






Pero binaba ko na agad ang linya ng nasa tapat na ako ng kanyang opisina . Binuksan ko na ang pinto at ngumiti sa kanya.









"James anong ga--" naputol ang sasabihin ko ng may pamilyar na likod akong nakita. Tumayo lahat ng balahibo ko sa aking nakita.








Pati ang pag kabog ng aking dibdib ay napakalakas. Sinubukan ko itong pakalmahin pero parang may sarili itong buhay na walang tigil sa pag tibok.









Tumingin ako kay James na namumutla . Paniguradong miski ako kulay papel na ang muka ko sa sobrang kaba na ewan.








Napatingin kami ni James ng tumayo ito at humarap sa akin. Tumutok lamang ang kanyang mata sa aking mga mata.







Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at sabihing mahal ko pa siya . At sabihing buhay ang anak niya, pero agad naman akong kinain ng takot ko na kukunin at ilalayo niya ang mga anak ko.









Pinilit kong huminga ng pormal pati at pag ngiti at pag tayo. Unti unti ko nang nagagawa ng unti unti naman siyang lumapit sa akin . Napapikit ako sa unti unti niyang pag lapit . Di ko makita ang kanyang mata dahil narin yumuko ako.










Napahinto ang mundo ko ng biglang pumuhit at doorknob kaya napadilat ako at umangat ang ulo ko.








"Mauuna na ako.." tanging malamig na sabi niya at pabagsak na isinara ang pinto . Parang unti unting bumabalik ang sakit na naranasan ko ng umalis ako at iniwan siya.









Di ko namalayan na unti unti naring tumulo ang luha ko , kung hindi lamang ito pinunasan ni James ay di ko pa ito mararamdaman.









"Ayos ka lang? Sorry na kung ang pangit ng pag kikita niyo. Sabi mo kasi one week ang leave mo para may quality time kayo ng mga inaanak ko. Kaya pinapunta ko na si Elmo dito kasi may sasabihin daw siya.












Ngumiti lamang ako kay James at tumango. Huminga muna ako ng malalim at agad kong pinunasan ang mga natitirang luha sa aking mata at ngumiti na ako sa kanya.













"Okay lang kasalanan ko naman. Pasensya ka na naiipit ka na sa pagitan naming dalawa... Uhm, alis na ako aayusin ko muna yung schedule mo ng ngayon tsaka bukas. Kasi mamamasyal kami ng kambal."










Nagulat nalamang ako ng yakapin ako ni James at hinagod hangod ang lukod ko. "Ayos lang yan Julie. Mag kakabalikan kayo at mabibigyan niyo ng kumpleto at masayang pamilya ang kambal." ngumiti nalang ako at yumakap pa balik kay James.











"PUTANGINA.. " napahiwalay ako kay James ng pabagsak na bumukas ang pinto . Ngumisi ng nakakaloko si James , siraulong 'to di manlang na takot. "Sumabay ka na sa akin at sabay na tayong pumunta sa meeting ni Dad." di ako makatingin kay Elmo paniguradong nanlilisik na ang mata niyan .











"Sure bro! " nag okay sign pa si James kaya sinamaan ko siya ng tingin at humalakhak pa siya. "Nag breakfast ka na ba Julie.? Gusto mong mag Branc--"








"Kami nalang James . Baka kung anong isipin ng mga empleyado mo . May asawa ka nang tao..." pag putol ni Elmo sa sasabihin ni James. Jusko pwede bang kainin na ako ng lapag ng makaalis na ako sa dalawang ito?











"It's okay bro.. secretary ko naman siya and kasabay namin mag branch si Misis.." ngumiti sa akin si James habang nag tataas baba ang kilay niya. At ngumiti ng nang aasar kay Elmo. Shit ka talaga Reid mapapatay kita.











"Sasama ako period.." sigaw niya at binagsak ang pinto ng opisina ni James. Doon lumabas ang naipong tawa ni James kaya binato ko siya ng crumple paper at umilag lamang siya.










"Bwiset ka talaga..."









"Halika na at sabay na tayong pumunta sa kung saan mag memeeting  ." tumango nalang ako at binitbit ko ang notes pati ang laptop ko. Dala naman ni James ang laptop niya din.











Nasa parking lot na kami ng maaninag namin si Elmo na nakasandal sa kanyang kotse habang naka pamulsa  . Umayos ito sa pag kakatayo at tumingin sa amin , agad kong iniwas ang tingin ko at yumuko. Shit this life nahihiya ako bwiset.









"Oh, akala ko nauna kana?" tanong ni James at pinatunog ang alarm ng kotse niya at ipinasok niya ang kanyang gamit doon. "Amina yung gamit mo Ju-" nagulat nalang ako ng wala na ito sa kamay ko at bitbit na ni Elmo fuck this asshole.









"Sa akin na siya sasabay. Mauna kana doon James para makapaghanda ka pa." malamig na sabi ni Elmo at nilagay sa backseat ng kotse niya ang gamit ko.








"But bro.. I need my secretary.." nakangiting sabi nito. Siraulo talaga ang isang 'to.








"Shut up ! And be gone.." sigaw ni Elmo kay James na ikinagulat ko . Umiling at pangiti ngiti si James habang paikot sa driverseat. Fuck si Elmo ang kasama ko? Tanginang lalaki 'to di man lang makikipag debate? Bwiset ayokong kasama 'to . Nilalamon na ako ng kaba ko.









"James.." napahinto si James at napatingin sa akin kahit di ako lumingon alam kong nakatingin din si Elmo. "Sayo na ako sasab-"










"Sa akin that's final.." napapikit ako sa sigaw ni Elmo . Shit na lalaki 'to kung makasigaw naman 'to parang nasa ibang ibayo ako.







"Jerk.." tanging sabi ko at sumakay na sa sasakyan na kanina ay sinasandalan niya at padabog kong binagsak ang pinto nito.









Bwiseeeeeet talagaaaa.









To be continued.

Playing Games, Breaking HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon