+++++
Hindi na bago sa'kin ang makakita ng away sa daan. Lunch break ngayon at napagpasyahan kong lumabas muna ng school. Pupunta sana akong coffee shop kaso hindi iyon ang napuntahan ko. Napadpad ako sa isang lugar na may nagbabasag ulo. Iyong mga away lasing kung baga dahil lang sa napikon sa inuman.
Halos lumuwa na sa kasisigaw ang isang mama na tingin ko ay kaibigan lang din ang kaaway. Napailing ako. Iinom-inom sila tapos maghahanap lang pala ng gulo! Hindi naman ako makadaan kasi puno ng tao at pinapanood sila. And I'm very damn annoyed now because I really wanted to drink frappe. Iyong ganitong nagk-crave ako, umiinit iyong ulo ko.
"Punyeta ka! Lumapit ka dito at bibigwasan kita!"
Ngumise ako. Gustuhin ko mang manuod kaso gusto ko na talagang uminom ng frappe. At saka isa pa, kanina pa ako hinihintay ng mga kaibigan ko doon. Dahil wala akong sasakyan, kaya heto, naglakad ako. Malapit lang naman sana kung walang ganitong eksena.
"Oh bakit ha?! Anong gagawin mo?! Ikaw lumapit ditong hudas ka!"
Hindi naman siguro masamang dumaan kahit na nag-aaway sila diba? Nagmamadali na kasi talaga ako.
"Excuse me po," sabi ko sa mga taong nakaharang sa daan. Pinadaan naman nila ako pero tiningnan muna nila ako ng masama. Hindi ko na lamang pinansin kasi may respeto ako sa mga matatanda.
"Ay ano ba'yan!" reklamo ng isang ginang ng dumaan ako sa harapan niya.
"Sorry po. Makikiraan lang PO."
Nagbigay daan nga ito pero inirapan pa'ko. Napailing ako. Ang h-high blood ng mga tao ngayon. Akala mo naman may sine sa harapan nila!
"Ay! Ay! Awatin niyo!"
At biglang nagkagulo ang lahat ng makitang nagsuntukan na ang dalawa sa gitna. Hindi ko mapigilang mainis. Bakit imbes na tumunganga, bakit hindi nalang sila tumawag ng Pulis?! Nakakainis itong mga taong ito. Akala mo naman concern! Nakikichismis lang naman silang lahat.
"Gago ka! Papatayin kitang hudas ka!"
"Aray!"
Napadaing ako ng masagi ako ng isang ginang sa sobrang praning. Tumama iyong siko niya sa bibig ko kaya nagkasugat ako. Mukhang dumugo pa yata iyong bibig ko sa ginawa niya. Iyong inis ko kanina ay lalong tumaas dahil sa nangyari.
The hell?!
Napamura ako ng muntik na akong matamaan ng basag na bote. Buti nalang at mabilis kong nailigan iyon. Tumahimik ang lahat at napatingin sa gawi ko. Hindi pala ako ang tinitingnan nila kundi ang isang ginang na dumudugo na ngayon ang ulo. Shit!
"HEY!"
Dinaluhan ko ito pero may nauna na sa'kin. Mabilis na sinaklolohan ang ginang na sumiko sa'kin. Kahit na ganoon na ang nangyari ay hindi parin tumitigil ang nag-aaway sa gitna.
Damn it! Wala akong choice kundi ang awatin ang dalawang ito bago pa may masaktang iba. Pumagitna ako at sinuntok ang Mamang kanina pa sumisigaw ng Hudas. Nagulat ito sa ginawa ko kaya tiningnan niya ako ng masama.
"Hoy ineng umalis ka dito!"
"Aalis lang ako dito kung titigil na kayo!" I shouted.
"Hindi ako titigil hanggat hindi ko napapatay ang punyetang ito!" sigaw naman ng isa kaya ito naman ang sinuntok ko.
"Shut up!" I said.
"T-ngna!"
Bago pa ito may masabi ay sinipa ko na ito dahilan para sumalampak ito sa semento. Iyong kaaway nito ay sinubukan akong suntukin pero syempre hindi ko hinayaang matamaan niya ako. I won't allow him to destroy my face!
BINABASA MO ANG
Love Caution
ActionLOVE is not controlled by feelings. It does not do anything it feels. CAUTION is not created to warn everyone. It is care taken to avoid danger, risk and pain. Story of how Syren Shane Zenberg take good care of her heart and how she will protect it...