+++++
Sa tuwing gagalaw ako ay napapaigik ako sa sobrang sakit, dagdagan mo pa iyong nasa paa ko. Palagi namang nakabantay si Kuya sa'kin at inaalalayan ako sa pagtayo. Kung pwedi lang na hindi ito umalis sa tabi ko ay gagawin niya kaso mukhang busy din siya.
Nandito rin naman si Kuya Rain. At palagi ko itong tinatanong kung bakit hindi pumupunta sina Mama at Papa dito, iyong mga kaibigan ko. Pero isang kibit balikat lamang ang sagot nito.
Panigurado, ngayon palang ay nag-aalala na ang mga ito sa'kin dahil tatlong araw narin akong hindi nakakauwi.
"Kuya, pwedi bang umuwi?" I asked Kuya Rain dahil siya ngayon ang nasa tabi ko. He just looked at me emotionless.
"Gusto mo ng umuwi?"
"Yeah. Baka kasi nag-aalala na sila Mama at Papa sa'kin."
I saw him sighed deeply. What's the matter? May problema ba?
"Hindi pwedi Sy."
"Why?" I asked confused. Bakit hindi ako pweding umuwi? Pinakatitigan ko siya ng maigi. Lumapit ito at tumabi sa tabi ko.
"Baka magalit ang Kuya Ren mo. He might kill me, you know."
"What? Hindi kita maintindihan."
Ngumite lang ito at inalalayan akong humiga. "Just rest. Kung gusto mong umuwi, magpagaling ka muna," he said to me.
Magtatanong ulit sana ako sa kanya ng bigla niya akong talikuran at lumabas ng silid na ito. Hindi ko mapigilang mag-isip. Bakit hindi ako pweding umuwi?
Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at iniluwa nito si Kuya Ren na seryoso ang mukha. Nakaramdam ako ng pag-aalala ng makitang may pasa ito sa mukha, sa bandang labi niya mismo.
Nang makalapit ito ay nagulat ako sa biglaang pagyakap niya sa'kin. He hugged me tightly na iyong tipong hindi na ako makahinga ng maayos.
"Kuya...," tawag ko sa pangalan nito. Pinakatitigan niya ako ng mabuti sa aking mga mata. Mapait na ngumite ito at nabaling naman ang atensiyon ko sa pasa nito. Hinawakan ko iyon at agad na nagtanong, "sinong may gawa nito sa'yo?"
He smiled bitterly. "Daddy Jeth, sinuntok niya ako ng malaman niyang tinago kita sa kanila," sabi niya habang nilalaro-laro ang kamay ko.
Nangunot iyong noo ko dahil sa sinabi niya. Si Papa? Sinuntok siya?
"Bakit mo ba ako tinago sa kanila?" I asked instead. Imbes na sagutin ang tanong ko ay hinalikan niya lang ako sa noo. I asked him again, "bakit ba hindi mo pinaalam sa kanila ang nangyari?"
"Just rest," he simply said. Nakaramdam ako ng inis. Sa tuwing magtatanong ako ay ito nalang palagi ang sinasabi nila. Just rest! Seriously? Gusto kong malaman kung anong dahilan. Alam kong may mali.
"Pakingtape! May problema ba Kuya? Tell me, meron ba? Kasi pakiramdam ko may tinatago kayo sa'kin ni Kuya Rain! May dapat ba akong malaman?" I bawled out. Pakiramdam ko kasi ay may nangyayari ng masama.
"Wala. You are just being paranoid. Tinago kita kasi ayaw kong mag-alala sila," he said pero hindi parin ako naniwala. Hindi naman kasi ako tanga, hindi rin ako manhid! Alam kong may mali! At sa sinabi niya lalo akong nagduda dahil mas lalo silang mag-aalala sa'kin dahil tinago niya ako sa mga magulang ko. And the heck? Paranoid?
Pero imbes na magtanong pa ulit ay pinili ko nalang na itikom ang bibig ko. Pinili ko nalang na magkunwaring naniniwala ako sa sinasabi niya.
"Sige sabi mo 'yan. And I trust you Kuya," sabi ko dito bago humiga.
BINABASA MO ANG
Love Caution
ActionLOVE is not controlled by feelings. It does not do anything it feels. CAUTION is not created to warn everyone. It is care taken to avoid danger, risk and pain. Story of how Syren Shane Zenberg take good care of her heart and how she will protect it...